Surprise
"S-sabrina?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, naka upo lang sya sa harap ko.
Nag kusot ulit ako ng mata at sinampal ang mukha ko upang magising sa katotohanan na hindi ka na nya mahal,eme.
Dumilat sya at tinignan ako sabay ngiti.
Your smile is so beautiful and peaceful.
"Hi Rio" sabi niya at hinawakan ako sa pisngi sabay pisil.
Confirmed! Hindi ako nananaginip!
Pero bakit sya andito? Bakit sya naka-uniform ng katulad ko? Bakit hindi ka na nya mahal? Hehe peace ✌️.
"Bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo ba ako dito? Ayaw mo ba yung surprise ko?" Nagtatakang sabi niya.
Ito na ba ang sinasabi niya'ng surprise?
Agad akong umiling at yumakap sakanya "ito na ba yung sinasabi mong surprise?" Tanong ko.
Yumakap sya pabalik "oo, hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ang nangyari sayo sa dati mong school mo." Bumitaw sya sa pagkakayakap bago ngumiti pa sya sakin bago magsalita ulit "magiging classmate mo na ulit ako"
Nginitian ko rin sya at hinawakan ang pisngi niya bago hinimas yun gamit ang hinlalaki ko "bakit?" Wala sa sarili kong tanong.
"Anong bakit?" Pabalik na tanong niya "bakit mo pa ako sinundan at ang bait-bait mo sa'kin?" Bigla nalang niya ako kinutusan "malamang mag pinsan tayo! Kaya sino pa bang magtutulungan kundi tayo?!" Galit na sagot niya, agad ko namang hinimas ang parte ng kinutusan niya.
Nag bell na at indikasyon na para pumasok na ang mga istudyante, inayos ko na ang sarili ko kaya ganun din ang ginawa niya at agad ko'ng hinawakan ang kamay ni Sabrina para ihatid sa room namin.
Dahil private school at parang untouchable na rech ked ang mga ferson dito, kaunti lang ang mga nag-aaral at isang room lang ang bawat grade levels from kinder to senior highschool.
Habang naglalakad papunta sa room ay tumingin ako kay Sabrina na mukhang kinakabahan, hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya "don't worry may topak lang mga students dito pero hindi sila nangangagat" sabi ko.
Nakaramdam ako ng tao sa likod ko kaya lumingon ako at dun sabay naman ng pag halik sa pisngi ko, anak ng... Si babaeng ubod ng sungit!
Gulat ko syang tinignan pati rin si Sabrina.
"Anak ng! Bakit ka Nanantsing?!" Gulat na tanong ko sakanya imbis na sumagot siya ay sinampal niya ako ng sobrang lakas na nakaka manhid ng cheeks, baka matanggal kagwapuhan ko Neto!
"Tinitigan ko lang ya'ng babaeng yan" duro niya kay Sabrina "pero bigla ka'ng lumingon kaya aksidente kitang na ano sa pisngi!" Sagot niya habang tinitignan ako ng masama.
Lumakad siya papasok sa room at inalalayan naman ako ni Sabrina.
"Kaw ha! sumbong kita kay Ria mo eh" pagbabanta niya.
"Wag! Tsk, kainis yung babaeng yun!" Sagot ko.
Pag pasok sa room nakatingin samin ang mga classmates ko.
"Uy par shawty"
"ganda!"
"Hi miss, gusto mo ba ng french kiss?"
"Baka jowa niya si Rio?"
Agad kaming nag tinginan ni Sabrina dahil sa huling sinabi ng kaklase ko.
"Umm hii I'm Sabrina and cousin po ako ni Rio" pagpapakilala niya bago nag bow.
YOU ARE READING
Halik
RomanceHello, my name is Rio Yvan Aguyen and andito ako para hanapin ang totoong kasiyahan kasabay ng paglipat ko ng school!
