Forgive and forget
'End of flashback'
"Huhuhu!!!"eka ni Ashedee at parang naiiyak na.
"Lah! Ashedee! Di ko alam na ganyan ka ka-emosyonal pag dating sa story" sabi ni Mark habang nakangiti ng malapad.
"Maanghang yung sauce ng fishball!" Sigaw niya kay Mark bago inumin ang royal ko.
Oo royal ko.
Kakatapos ko lang i-kwento ang nakaraan ko sa school ko dati at parang gumaan ang loob ko matapos iyon.
Natapos na ang recess time namin at nagsimula nang mag ring ang bell indikasyon na oras na ng klase,lumabas na kami nila Sab sa canteen upang mag punta na sana sa room pero nakasalubong namin si Rhianne sa pinto ng canteen.
Nakasandal sya doon at tinitignan kami habang nakangisi.
Lah sya baka kung anong gawin niya samin.
Pumalakpak sya bago magsalita at harapin ako "nice story"eka niya bago lumapit sakin "you successfully made my cousin the villain of your story"
"Wala naman akong sinabing pangalan ah si Sabrina at Reymar lang-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita sya ulit.
"Reymar is my cousin"sagot niya habang tinitignan ako ng masama.
Sa totoo lang nakakatakot sya tumingin para syang kikitil ng buhay sa paraan kung paano sya tumingin.
"He's just telling his story from the past" sabat naman ni Mark at agad naman syang tinignan ng masama nitong sungit na toh.
"Shut up, Mark" sagot niya at tinignan ako ulit.
"Next time you tell story from your past I'll cut your throat"sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Don't you dare to give threats on my cousin" sagot naman ni Sabrina habang pinipilit ang kamay ni Rhianne.
Nakita ko kung paano nagulat si Rhianne at naglabas ng mahinang daing "Hands off" si Rhianne pero nasa akin parin ang tingin niya.
Hindi parin gumagalaw si Sabrina habang si Mark at Ashedee naman ay natatakot at namamangha sa ginagawa ni Sabrina.
Lumapit na ako sa pagitan nila at pilit pinaghiwalay ang kanilang kamay.
"Sab okay lang tara na"pakiusap ko sakanya.
Nagpalitan muna sila ni Rhianne ng masamang tingin bago tuluyang umalis.
Pumasok na kami sa room at ilang segundo lang pumasok na ang teacher namin para sa TLE kasabay niya si miss sungit.
Naupo muna sya sa kanyang puwesto bago ako tignan at irapan.
Sungit ah.
Nagsimula na ang klase kaya naman nakinig muna ako para naman makalimutan ko pansamantala ang mga nangyari kanina.
"Miss Valdez! Bakit mo tinutusok iyang mesa mo?"pasigaw na tanong ni ma'am dahil sa gulat.
Dun ko lang nagawang tignan si sungit na kasalukuyang nakabaon ang kanyang ballpen at nakakalat ang mga tinta sa mesa niya.
Tinignan ko si Sabrina na kasalukuyan din palang nakatingin ng makahulugan sakin.
Tumayo si Rhianne at naglakad papunta sa pinto.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni ma'am sakanya.
"Maghuhugas"sagot niya bago iharap ang kamay niyang may tinta.
YOU ARE READING
Halik
RomanceHello, my name is Rio Yvan Aguyen and andito ako para hanapin ang totoong kasiyahan kasabay ng paglipat ko ng school!
