(Author: hi guyssss!!!! I miss y'all so much! Kamusta kayo?! As I promise April babalik ako so hehe welcome back?...enjoy reading!!!)
Rio's POV
Nakatitig parin ako sa letter na iniwan sa upuan ko at walang kaalam-alam kung kanino galing ito.
Kung prank man ito ang pangit ng ugali nila!!! Lagot ako kay Ria nito eh!
Nagsimula na ang klase kaya ibinaling ko nalang doon ang aking atensiyon sa pagbabakasakali na maalis ko sa isip ko ang love letter na yan.
Hanggang sa napansin ko na wala si miss sungit sa upuan niya, nasa upuan niya yung bag niya pero wala siya.
"Uyy hinahanap niya si Rhianne" biglang pang aasar sakin ni Mark sa likod ko.
"May proweba ka ba?" Tanong ko sakaniya.
"Tinitignan mo yung upuan niya-" hindi na natuloy ni Mark ang sasabihin nang magsalita si ma'am.
"Rio and Mark may gusto yata kayong i-share sa klase" sabi ni ma'am kaya napailing nalang kaming dalawa at nanahimik.
"Nga pala where's Rhianne?" Tanong ni ma'am.
Lahat kami ay walang kaalam alam kung nasaan ba yung sungit na yun.
"Di po namin alam ma'am" sagot ng isang kaklase namin.
Natapos ang dalawang klase na wala si Rhianne hanggang sa nag afternoon break na.
Kasalukuyan akong kumakain habang naglalakad sa hallway ng paalis sa canteen nang mapadaan ako sa library dahil gusto ko muna mag basa nang may narinig akong parang iyak ng isang babae.
Hinanap ko iyon at doon ko nakita na may nakaupo sa sahig sa dulo ng library dahil chismoso ako nilapitan ko at...at si Rhianne ang nakita ko!
Nakayuko siya sa tuhod niya habang humahagulgol kaya napatago ako dahil baka mabato niya ako ng libro.
Mabuti nang handa dahil baka pag tinamaan ang mukha tanggal kapogian ko.
At dahil sa aking pagiging ka-clumbsihan ay nahulog ko ang isang libro dahilan para umangat ang ulo ni Rhianne.
Lagot.
Masama ang tingin niya sakin at puro luha ang mga mata niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagalit na tanong niya sakin.
"Ahh ehh ano umm naghahanap ng babasahin hehe sige iyak ka lang" palusot ko habang inaayos ang libro na nahulog
Hindi siya sumagot at yumuko lang at ako naman ay naghahanap lang ng babasahin.
Habang naghahanap ay nagsalita siya ulit "hoy pangit" sabi niya kaya tinignan ko ang paligid kung may kausap ba siyang iba.
Di ko muna pinansin dahil hindi ko siya nakikita at may nakaharang na lalagyan ng libro sa paligid ko.
"Tulungan mo nga ako" sabi niya ulit kaya sinilip ko kung sino ang kausap niya pero nakatitig din pala siya kung nasaan ako.
"Ako ba?" Tanong ko.
"Sino pa bang pangit dito?" Sabi niya habang pinupunasan ang mukha.
Aba'y- awatin niyo ako! Babatuhin ko yan ng buko!
"Ay, so magpapatulong ka sa sarili mo?" Paasar na tanong ko sakanya.
"Kung batukan kita?" Sagot niya sakin kaya wala akong nagawa kundi lumapit sakaniya.
"Nugagawen ko?" Tanong ko habang nakatingin sakaniya.
"Buhatin mo ako" utos niya sakin.
Ano?!
"Ayaw ko nga! Pabuhat ka kay kuya Edzel!" Sagot ko sakanya at akmang aalis na para tawagin si kuya Edzel pero hinawakan niya yung Paa ko.
"Tanga, absent siya" sabi niya sa akin.
"Di ka ba marunong maglakad?! Nalumpo ka na ba?" Tanong ko sakaniya pero inirapan niya lang ako.
"Masakit puson ko! Di ako makalakad dahil sobrang sakit! Kaya buhatin mo na ako baka masuntok pa kita diyan!" Pasigaw na utos niya sa akin.
Paano ba toh?!
Napahilamos ko nalang ang mukha ko dahil sa inis, "si Mark nalang! Teka tatawagin ko" lalakad na sana ako paalis pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa paa ko.
"Kailangan ko na pumunta sa clinic ngayon! Kaya buhatin mo na ako!!!!" Sigaw niya sakin kaya nagsisimula na ako mag panic.
"Bakit ka kasi di pumunta kanina sa clinic? At dito ka pa nag stay sa library!?" Natatarantang tanong ko sakanya.
"Naka lock yung clinic kanina pero ngayon binuksan na siguro dahil andun na yung nurse! Pero may tagos na ako kaya di na ako pumunta sa room kanina at dito nalang ako nag stay!....kaya please... Rio" wala na akong nagawa kundi ubusin ang pagkain ko atbuhatin siya ng pa bridal style at binilisan ko nalang ang pag takbo palabas ng library.
"Lagot ako kay kuya Edzel at kay Ria dito!" Sabi ko habang tumatakbo pero parang wala siyang pake basta nakapikit lang siya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Pag dating sa clinic ay tinawag ko agad yung nurse "nure? nure!!!" Sabi ko "tanga anong nure?" Tanong sakin ni Rhianne.
"Mag isa lang siya eh" sabi ko habang binababa siya bed.
Dumating na ang nurse kaya di na nakasagot si Rhianne "iwan mo na siya dito ako na ang bahala" sagot ng nurse, magpapaalam na sana ako kay Rhianne pero nakapikit siya habang iniinda ang sakit ng puson niya kaya umalis nalang ako.
Dumating ako sa room pero halos lahat sila ay nakangisi sakin.
"Pano yung buhat?"
"Ang tamis ah"
"Grabe na talaga"
"Kala ko ba ako lang Rio?!"
Kanya kanyang komento ng mga kaklase ko pero di ko na sila pinansin at umupo nalang sa upuan ko nang biglang lumapit sakin si Mark, Ashedee, Sabrina, habang si Athron ay nakangisi parin sakin sa upuan niya.
"Sige Athron hilain ko nguso mo diyan" sagot ko pero tinawanan lang ako.
"Anyare sainyo ni Rhianne bakit buhat buhat mo kanina? Hahaha" tanong ni Mark.
"May period kaya tinakbo ko sa clinic" sagot ko habang nakayuko sa arm chair ko dahil sa pagod.
"Ahh may period..." Sabi ni Ashedee kaya napaangat ako sakaniya at ngayon ko lang napagtanto na nakatingin kay Sabrina.
"Alam na...Sabby" sabi pa ni Ashedee at nagtinginan ang tatlo.
Naku.. lagot!!!!
"ISUMBONG KAY RIA YAN!!!" sabay sabay na sagot ng tatlo.
"Wagggg!!!!!!"
'to be continued'
