CHAPTER 15: ANGER

29 1 0
                                        

(authors note: so hi guys sorry ngayon lang ulit nakapag update kasi ninakaw phone ko... anyways let's continue!!!)

Sabrina's pov

On the way palang ako papunta sa school nang makaramdam ako ng gutom dahil hindi rin ako nakapag breakfast kanina at may nakita naman agad akong cafe sa gilid ng highway.

"Oh kuya! Stop the car I'm so hungry na eh" utos ko kay kuya driver bago bumaba ng car kaya iniwan ko muna siya para pumunta sa loob ng cafe.

Nasa pila na ako nang makita ko si Ashedee sa isang table habang nagkakape mag isa at naka dungaw sa bintana kaya naisipan ko mag order at lapitan siya sa table niya.

"Hey" tawag ko sakaniya at tumingin naman agad siya sakin bago ngumiti "good morning Sab!" Bati niya saakin.

"Can I sit here?" Tanong ko sakaniya habang tinuturo ang upuan sa harap niya.

"Sure" sagot niya kaya naupo na ako.

"Mag isa ka lang?" Tanong ko.

"Yeah nagutom ako eh kaya lumabas muna ako sa school tapos nagpunta dito since wala pa naman si Rio" sabi niya kaya napatango nalang ako at inumpisahan ng kumain.

"Ikaw? Mag isa ka lang? Or kasama mo si Rio?" Tanong niya.

"Mag isa lang ako and nagutom lang din ako kaya napapunta ako dito" sagot ko kaya napatango lang siya.

Habang nagkwe-kwentuhan ay napansin ko sa bitana sa labas si Mark na nagmamadali papunta sa cafeteria.

"Si Mark ba yun?" Tanong sakin ni Ashedee.

"Oo yata" sagot ko.

"Ay oo nga pala nasabi ko na nandito ako, damn...magpapalibre yan for sure" sagot pa niya.

"Hahaha nagmamadali pa oh baka nagutom din" sabi ko at kapwa kaming tumawa hanggang sa makapasok siya sa cafe.

"Ashedee!!!!" Tawag niya at nagmadaling pumunta sa table namin.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Si Rio..." Sagot niya habang hinahabol ang pag hinga.

"Oh bakit? Nasa school na ba siya?" Tanong ni Ashedee.

"Oo...at nag-aaway sila ngayon ni kuya Edzel!! Bilisan niyo!!!" Nag-panic kami at nagmadali kaming sumakay sa car ko bago pumunta sa school.

Shit!! Not again!!!

------

Rio's pov

Hawak-hawak ni kuya Edzel ang kwelyo ko habang nakangisi.

"Girlfriend ko pa talaga ang balak mong agawin ha?" Sabi niya bago ako suntukin at ibato palayo.

Walang magawa si Athron kundi ang panoorin kami dahil hawak rin siya ng mga kasamahan ni kuya Edzel.

Di ko alam ang dapat kong gawin....natatakot ako at nahihirapan sa sitwasyon!

Ria...tulong.

May nararamdaman akong tumutulo sa bandang ulo ko na sa hula ko ay dugo nang biglang nanginig ang kamay ko, di ko alam pero bakit iba ang nararamdaman ko parang...parang gusto kong magalit!

"Ano? Tayo! Nawala lang ako ng isang araw ganun na ginawa mo? TAYO RIO! HAHAHAHA!" Pang-aasar niya sakin hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya ngunit nakaramdam ako ng kakaiba nang may marinig ako sa isip ko.

"Just imagine Ria need your help right now"

"Paano pag si Ria ang nasa panganib Anong gagawin mo?"

Shit! Shit! SHIT!!!!!

Nanginginig ang kamay ko sa hindi ko alam na dahilan pero isa lang ang alam ko...gusto kong magalit!

Tumayo ako habang pinagmamasdan ang kamay ko.

Naramdaman ko ang pag hakbang pabalik ni kuya Edzel kaya mas ginanahan ako.

Ngayon ko lang naramdaman ito kaya susulitin ko na!

Sa isang iglap ay sumugod ako sakaniya at nakipag suntukan hanggang sa mapagtanto ko nalang na hawak hawak ko na lang leeg niya habang itinataas siya.

"Ganito ba ang gusto mo?" Biglang tanong.

"RIO!!!!" sigaw ng kung sino at bigla akong niyakap papalayo sa kaaway ko.

Kasunod no'n ng pag lapit ng mga estudyante at mga guro na kararating lang upang umawat.

Biglang dumilim ang paligid at parang nanghina ang aking katawan kaya napahiga ako.

"Rio!! Stay with me!!!" Kay Ashedee galing ang boses...na kasalukuyan din palang nakaupo sa sahig habang tinatapik ang pisngi ko.

Anong ginawa ko?

"Sorry..." Tanging sagot ko bago ipikit ang aking mga mata.

To be continued.

HalikWhere stories live. Discover now