(author:hi everyone!! Sorry di ako nakapag update ng story ko ng ilang months kasi busy sa school pero don't worry sa bakasyon( sa April) mag-a-update ako,for now ito muna ang update ko dahil 16th birthday ko na sa January 22!!!....enjoy reading:>)
Rio's POV.
Seryoso ba siya!? Baka kimi kimi niya lang!?
Hindi talaga ako makapaniwala na boyfriend ni Rhianne si kuya Edzel... anyways masarap na yung sauce ni manong sa fishball niya.
Nasa labas kami ni Sabrina ng school dahil lunch time na at naisipan naming mag fishball muna kasi ayaw ko muna bumalik sa room dahil sila Mark at Ashedee ay kanina pa ako kinukulit sumali sa banda nila.
"Pst hoy! Kinakausap kita! Tulala ka na naman" tawag ni Sabrina sakin habang pinipitik pitik ang mga daliri sa harap ko.
"Ahh ano masarap yung sauce" wala sa sarili ko'ng sagot sakaniya."huh?!" Galit na sagot niya.
"Ayy ano hehe,ano ba sinasabi mo?"tanong ko,"tinatanong kita kung sasali ka ba sa band nila Ashedee?"tanong niya bago kumain ng fishball.
"Pinag-iisipan ko pa."sagot ko habang sinasawsaw sa sauce yung fishball.
"May isip ka pala."bulong niya pero rinig ko parin.
Anong sabi!?
Tinignan ko siya ng masama "anong sabi mo?!" Galit na tanong ko sakaniya.
"Hm? Bakit may sinasabi ba ako?"nagtatakang tanong niya.
"Eh sino pa ba'ng kausap ko diba ikaw!?" Sagot ko sakaniya,tumingin siya sa bandang likod ko sabay ngumiti "bakit hindi ka tumingin sa likod mo?" Nakangising sabi niya.
Sinunod ko naman at tumingin ako sa likod sabay ang pag bungad ni Ashedee na naka ngiti sakin "hi"sabi niya.
"So ikaw nagsabi-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsalita niya ulit. "Sali ka na sa banda namin please!!!! Kailangan namin ng vocalist!!!"pagpupumilit niya habang nakakapit sa kamay ko at nilalaro ang ulo sa balikat ko na parang pusa.
Pinipilit ko'ng kunin ang kamay ko sa pag kapit niya "k-kalbo nalang ang isali mo sa ganiyan."sagot ko habang pinipilit kunin ang kamay ko pero di niya ito binibitawan at tinuloy parin ang ginagawa.
Para siyang bata!!!! Pero cute siya hahaha,,,pero mas cute si Ria!!
"Kalbo? Bakit?" Tanong niya habang nakatingala sakin, "ano kasi VOCAList."sagot ko sakaniya.
Saan galing yun?!
"Ang pangit ng humor mo." sagot ni Sabrina mula sa likod "okay lang,pogi naman siya." eka ni Ashedee.
Kinuha ko yung fishball na binili ko at inabot sakaniya "oh!sayo na kunin mo na."sabi ko pero di parin siya bumibitaw.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid kaya nakaka ilang na pero itong si Ashedee naman ay patuloy parin sa pag pilit sakin habang si Sabrina naman ay patuloy lang sa pagkain na parang walang pakielam sa paligid.
Kaya wala na akong choice kundi "oo na sasali na ako kaya bumitaw ka na diyan dahil nakatingin na satin yung mga tao at baka mapagalitan ako ni Ria." sagot ko sakaniya at sabay naman ang pag talon talon niya habang pumapalakpak pero napansin ko na...umiiyak siya!
"Thank you Rio!!! Ackkkkkkkk!!!" Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.
Pagkatapos punasan ang luha ay kinuha niya yung fishball ko at inumpisahan nang kumain "sharap." sabi niya habang kumakain.
At nang matapos kumain ay dinala niya kami sa isang room na may mga music instruments kaya eto ako ngayon naglalaway habang naaliw sa mga gamit nila.
"Uwaaaaaaa ang ganda!!!"sabi ko habang umiikot sa sahig at niyayakap ang electric guitar.
"Parang ako?" Tanong ni Ashedee.
"Di ka naman mukhang gitara." Sagot ko.
"Pst, Rio tayo na diyan babalik na tayo sa room."utos ni Sabrina sakin habang inaalog-alog ako.
"Gusto ko pa dito" nakasimangot na sabi ko.
"Tayo na sabi!" Utos niya ulit at napilitan akong tumayo at ibalik ang electric guitar.
Lumabas na kami sa kwartong iyon at saktong pagtunog ng bell.
Maglalakad na sana kami pero hinawakan ni Ashedee ang kamay ko sabay sabing "welcome to LSA band." nginitian ko siya at nagpunta na kaming tatlo sa room.
Nakita namin si Mark na nakasandal sa pader sa labas ng room habang nakangiti samin "so, vocalist ka na ng band namin?" Tanong niya.
"Yes"sagot ko at ngumiti sakaniya.
Pag pasok namin sa room ay siyang bungad ng mga classmates na lalake samin.
"Ang pogi talaga."
"Sino kaya yung nagbigay?"
"Diba may girlfriend na siya?"
"Sino?"
"Mama mo."
Kaniya kaniyang bulungan nila sa gilid, kaya nagtitinginan kaming apat kung sino saamin pinag-uusapan,ang alam ko ako lang yung pogi.
Kimi.
Pa-upo na sana ako sa upuan ko nang may mapansin akong nakapatong sa armchair ko.
Isang liham! Para sakin?!!!!
Dahil mahilig ako sa chika ay naisipan ko'ng umupo at basahin ito at ganun nalang ang gulat ko nang makita kung ano yung nakasulat.
Hi Rio gusto ko sanang sabihin sayo na gusto kita,hindi mo man ako kilala dahil bago ka palang sa school na ito pero believe me nagustuhan na agad kita pag dating mo pa lang dito sa school na ito.
Gusto kitang mapasakin,
Kahit ilang araw,buwan,taon pa ang aking hihintayin,
Kung sakali mang may nagmamay-ari na nang iyong puso,
Andito lang ako iibigin kita at hinding hindi susuko.'lagot ako kay Ria nito'

YOU ARE READING
Halik
RomantikHello, my name is Rio Yvan Aguyen and andito ako para hanapin ang totoong kasiyahan kasabay ng paglipat ko ng school!