CHAPTER 25: FIRST DANCE

14 0 0
                                        

Rio's POV

*ting!*

Tunog ng lata ng softdrinks na tumama sakin.

"Aray ah!" Sabi ko habang hinihimas ang batok ko.

"You're so quiet kasi after kita kausapin kanina" sagot naman ni Cali sa'kin.

"Paano kasi... Na-shock lang ako after ko malaman yun" sagot ko naman at lumapit sa'kin si Cali at nag offer ng kamay.

Tinignan ko siya "tara nalang mag-practice ng sayaw" sagot niya at ngumiti.

"Sige.." Sabi ko at tumayo na bago kami pumwesto at hintayin mag play ang music bago sabayan ito.

Ramdam ko ang pagtitig niya sa'kin habang kami ay magkahawak ang kamay at sumasayaw sa ilalim ng puno.

"Rio?" Panimula ni Cali.

"Hm?" Sagot ko naman.

"Naalala mo ba yung promise mo sa'kin?" Tanong niya.

"Anong promise?" Tanong ko naman.

"Yung ano.." Sabi niya.

"Yung?" Sagot ko.

"Kasi sinabi mo sa'kin dati na-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang may tumawag sa pangalan ko.

"Hi Rio! Dito lang pala kayo nag pa-practice, kanina ko pa kayo hinahanap" bungad sa'min ni Mayumi at ng partner niya yata sa sayaw at pansin ko ang paninigkit ng mata niya sa'ming dalawa ni Cali.

Problema nito? Parang babarilin kami ah.

Naghiwalay kami ni Cali "ahh oo eh, bakit mo pala kami hinahanap?" Tanong ko naman.

Lumapit siya sa'kin "Sabi kasi ni ma'am Sheela magsisimula na ang sayaw mag prepare na raw tayo so... Let's go? " sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"S-sige.." Sagot ko naman habang pilit na inaalis ang kamay niya sa kamay ko pero tinignan niya ako ng masama bago ako hilain papunta sa room.

Pagdating sa room ay si Sabrina ang nag abot sa'kin ng paper bag na may damit ko "oh, bilisan mo mag bihis" sabi niya.

"Whatever-" bulong ko sana pero narinig niya kaya sinampal niya ang braso ko.

"Bilisan mo!" sabi niya at kaya nagmadali ako pumunta sa cr.

Pagkatapos ko magbihis ay siya naman pag sulpot ni Rhianne sa harap ko.

"Tsk, ayusin mo nga yan oh!" Iritang sabi ni Rhianne at inayos ang kwelyo ng longsleeve ko.

"Yan, mukha ka nang tao" sabi niya at nag smirk bago magpaunang lumakad papunta sa gym.

-------

At ito na nga! Natatae na- I mean kinakabahan na ako dahil di ko expect na marami palang manonood sa'min! Tapos may mga judges pa!

Nasa tabi ako ngayon ni Cali at nakaupo sa bleachers at nanginginig ang kamay dahil sa kaba.

"Kalma, this is our first dance kaya galingan natin! Okay? " sabi niya at hinawakan ang kamay ko kaya tumango nalang ako bilang tugon.

Bumaba na kami sa bleachers nang tawagin kaming lahat para mag sulat ng pangalan sa listahan ng mga judges at magkabit ng couple numbers at kami ay couple number 07 kaya nilagay na ni Cali ang number namin sa likod ko.

HalikWhere stories live. Discover now