Chapter 7

52 2 0
                                    


Christmas Party

'Continuation of flashback'

Woooohhh!!!! Kahit feel ko di ako belong dito sa section na ito dahil wala masyadong pumapansin sakin di ko maiiwasan hindi ma excite lalo na sa pagpaplano at pag decorate namin para sa Christmas party bukas!!!!!

"Rio ikaw pala magdadala ng Shanghai"sabi ni Reymar bago tumayo at tumabi sakin.

"Baka maubos ko na agad yung shanghai bago ko pa madala dito sa school"sagot ko at bahagya namang tumawa si Reymar.

Naglakad lakad muna kami palibot sa buong school dahil wala naman na kaming gagawin at wala naman nang klase dahil eka ng teacher namin para daw bigyan kami ng time para makapag ayos.

"Pre" biglang tawag sakin ni Reymar.

"Oh?" Sagot ko.

"Pasensya ka na ah? Kasi ni hindi manlang kita natulungan sa mga oras na inaaway ka ng mga yun"sagot niya na nagpahinto sakin sa paglalakad.

"Okay lang yun at least may kausap parin ako sa section na ito"sabi ko nang hindi tumitingin sakanya.

Okay lang pero hindi ako okay.

"Tara sa Aristotle"pag aaya ko sakanya.

Tumango naman sya at naglakad na kami papunta sa room ng Aristotle at sinalubong naman agad kaming dalawa ng mga kaibigan namin na sila Enrique,Jerson,at si James yung iba naman ay busy sa pag decorate ng room nila.

"Parang gusto ko mag dala ng tupperware bukas" eka ni Jerson.

"Sus nahiya ka pa,sako nalang idala mo"sagot naman ni James at natawa naman kami dahil sa nagsisimula nanaman silang mag asaran.

"Wag na kayong mag asaran pare-parehas naman kayong matatakaw"sagot naman nitong Enrique.

"Nagsalita yung umubos ng pastillas ko"parinig naman ni Jerson kay Enrique.

"Pst oy mga pangit"biglang sabi ng tao sa likod namin.

Nilingon namin sya at tinignan ng masama.

"Nagsalita ang mas pangit!" Pang aasar ko.

"Hellow? I'm Chlowie Ann Torrez ang pinaka cutie ng Aristotle,eh ikaw?"pabalik na pang aasar niya.

"Ako naman si-" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Enrique.

"Ako ang pipitik sa noo niyo pag hindi kayo tumigil, Rio tara sa room tumulong ka samin dahil Aristodorable ka naman na at ikaw naman Reymar balik ka na daw sa room niyo hinahanap ka na ng president Cassandra niyo miss ka na daw"sabi niya at tumawa bago ako hatakin paloob.

Nagpaalam muna ako kay Reymar bago sya umalis papunta sa room namin at ako naman tutulong sa mga frind ko.

Matapos mag linis mag hapon nag decide na ako bumalik sa room.

Nagpaalam na ako sa mga frinds ko at lumakad papunta sa third floor, habang naglalakad paakyat sa hagdan nakasalubong ko pa si Sabrina.

Akmang hahakbang na ako paakyat nang bigla akong hawakan sa braso ni Sabrina.

"Can we talk?" Tanong niya.

Matagal na din kaming hindi nakakapag usap kaya nakakapag taka na bigla niya akong kakausapin pero hindi rin mawawala ang tuwa sa akin dahil sa gusto niya akong kausapin.

"Please" pakiusap niya at dun ko lang napansin na parang naiiyak ang mga mata niya.

"Tara sa likod"sagot ko bago magpaunang mag lakad papunta sa likod ng building namin.

HalikWhere stories live. Discover now