Chapter 10

37 2 1
                                    

(Author: hillow everyone^^ sorry di po ako nakapag update last Friday dahil nagkasakit po ako)

Admirer

"Pag nahuli kita kukutusan kita!!!"galit na sigaw sakin ni Sabrina habang hinahabol ako.

"hahahaha kalma ka lang! Ipapa comfort nalang kita kay Athron!"balik na sigaw ko habang tumatakbo.

Inasar ko kasi si Sabrina na nagkakagusto sakanya si Athron.

Kaya eto ako hinahabol ng toro na galit.

"MANAHIMIK KA!" galit na sigaw niya.

Habang naghahabulan sa labas ng room hindi ko napansin na wala pala ang humahabol sakin kaya nilingon ko sa likod si Sabrina na dapat ay hindi na.

Pag tingin ko sa harap ay s'yang pag sulpot niya sabay suntok sa sikmura ko na nag paluhod sakin.

"Aasarin mo pa ako?!" galit na tanong niya sakin habang sinasabunutan ako.

"Hindi na- ARAY!!! tama na Sab,aray nasasaktan ako!!"pagpupumiglas ko sakanya.

"Pinaghabol mo ako!"sigaw niya ulit.

Kahit sobrang sakit ay di parin tumitigil si Sabrina sa pagsabunot sakin nang biglang may pumalibot saming mga lalake- ay mga classmate ko pala na pasaway.

"Babe itigil mo na yan that's bad" tawag niya sa atensyon ni Sab dahilan para mapatigil si Sabrina sa ginagawa at ganun din ako.

"Babe ka dyan mukha mo,di nga kita kilala eh!"sagot ni Sab dito kaya napa 'ohhh' ang mga kasama nito.

Di naman pala mag jowa eh.

"C'mon,I know you like me"pang aasar nito sabay smirk.

"Mukha mo like! Dun ka nag nagbo-bonding kami dito!"pag papaalis niya sa mga ito.

"Wag! Wag niyo akong iwan! Tulungan niyo ako!!"singit ko sakanila.

"Wag daw sabi ng pinsan mo so I guess I should stay here with you" sabi niya sabay kindat sabay tawa ng ibang mga kasama niya.

Hinigpitan ni Sabrina ang hawak sa buhok ko kaya napakapit ako sa kamay niya pero di niya ako pinansin at kinaladkad ako para malayo sakanila pero sinundan parin nila kami.

"Hey! Since di mo pa ako kilala then magpapakilala ako sayo,my name is Lance"pagpapakilala nito sabay kindat ulit at lahad ng kamay.

Pero di ito inabot ni Sab"Dun nga kayo! Wala akong pake sainyo!" inis na sagot niya kaya pinagtinginan kami ng ibang istudyante.

"Sungit oh"

"Pakitaan mo nga Lance"

"Baka kinikilig na yan Lance"

Iba't ibang komento ng mga kasamahan ni Lance.

Hinawakan ni Lance ang bewang ni Sabrina kaya napabitaw ito sa buhok ko kasabay naman ng pagpalag ni Sabrina sakanya kaya itinulak ko na si Lance palayo kahit medyo mas malaki sya sakin.

Dahil sa pag tulak ko kay Lance na kinainis niya pero at least napag layo ko sila ni Sab yun naman ay ang pag hawak sakin ng mga kasamahan niya.

Hinawakan ulit ni Lance ang bewang ni Sabrina kasabay naman nito ang pag sigaw niya pero natigilan sila nang may magsalita sa likod namin.

"LEAVE THEM ALONE!"

Nilingon ko ang taong sumigaw na kala mo ay kulog sa sobrang lakas at laking gulat ko na si Athron pala.

Bumitaw si Lance at lumapit sakin si Sabrina at niyakap ako kaya niyakap ko sya pabalik.

"Okay lang kayo?" Tanong samin ni Athron at sumabay kaming tumango ni Sab.

"Why do you even care?"tanong ni Lance sabay bahagyang tinulak si Athron palayo.

Hindi na sumagot si Athron at sinuntok kaagad si Lance at mga kasamahan niya kaya hinatak ko si Sabrina palayo para di kami madamay.

Kaya na ni Athron yan malaki katawan niya eh.

Nagpalitan na sila ng suntok pero natigilan sila nang may ibang istudyante at teacher na umawat sakanila at dinala sa guidance office.

Pumunta na kami ni Sabrina sa room at kasabay nito ang pag iyak niya kaya niyakap ko lang sya hanggang dumating sila Mark at Ashedee na nagmamadaling pumasok sa room.

"Shhh everything will be alright andito lang kami and we'll keep you safe" pagpapakalma ni Ashedee kay Sabrina habang yakap yakap ito, lumayo muna kami ni Mark para makapag usap.

"So anong nangyari?" Tanong ni Mark sakin.

"Hinarass ni Lance si Sabrina" maikling sagot ko kay Mark.

Lumingon kami ni Mark nang may maramdamang dumaan sa likod namin at nakita namin si Rhianne na may hawak na isang bote ng tubig at lumapit kay Sabrina sabay pag abot nito.

Inabot naman ito ni Sabrina at nagulat kami ng halikan ni Rhianne ang noo nito at pag himas nito sa pisngi niya.

"Sorry I'm late but don't worry okay na ang lahat" sabi ni Rhianne kay Sab.

"Thanks"alangan na sagot at ngiti niya.

Close sila?!

"Close kayo?!" Gulat na tanong ni Mark kay Sabrina at Rhianne.

"It's my way showing care for her palibhasa di kayo marunong mag alaga ng babae"masungit na sagot nito kay Mark.

Ilang minuto ang lumipas nang dumating na si Athron at Lance kasama ang ibang mga kaklase namin.

Nag tinginan pa si Athron at Lance ng masama bago kami lapitan.

"Hey.."bungad samin ni Athron habang nagkakamot pa sa ulo.

"Thanks"sagot ni Sab habang pinupunasan ang mukha.

"No problem" sagot naman ni Athron.

"Anong nangyari sa guidance? Hindi ba kayo na suspend or what?"tanong naman ni Mark.

"Hindi,pinapatawag lang ang parents namin tomorrow pero nasa right side naman ako"sagot ni Athron.

Tumango lang ako at ngumiti sakanya upang ipahiwatig ang pasasalamat.

Dumating na ang teacher namin kaya bumalik na kami sa sari-sarili naming upuan pero tinignan ko muna ng masama si Lance bago bumalik sa upuan ko.

Kala mo ha.

Pinagsabihan pa kami ng teacher namin bago magsimula ng klase.

Habang nasa klase napansin ko si Rhianne na pasimpleng tumitingin kay Sabrina kaya tinabig ko sya kaya tinignan naman niya ako ng masama.

"What!?" Pabulong pero bakas ang galit na tanong niya.

"Baka matunaw si Sabrina dyan" pang aasar ko sakanya.

"Shut up"sagot niya.

Di pala straight ang Rhianne hahahaha.

"Di ka pala straight" pang aasar ko ulit.

"Halata ba na straight ako?" Napipikon na tanong niya.

"Hindi" sagot ko at tumingin nalang sa harapan baka mapagalitan pa kami ng teacher.

Natapos na ang klase sa hapon kaya uwian na sakto naman na kami ang cleaners ngayon at kasama ko si Sab at iba pang kaklase namin.

Nang matapos kaming maglinis ay nagpasya na kaming umuwi pero di namin namalayan na hinihintay pala kami ni Athron.

"Let's go?" Tanong niya samin.

"Sige" sabay na sagot namin ni Sabrina.

May new bodyguard na kami.

HalikWhere stories live. Discover now