Surprise
"Can't count the years on one hand
That we've been together
I need the other one to hold you
Make you feel, make you feel better"Bigla nalang ako nagising sa walangyang alarm na toh well maganda naman yung music na ginawa kong alarm title is 'still into you by Paramore agad tuloy ako napabangon pinatay ko muna yung alarm at tinignan yung oras 5:03 am na.
Nag inat muna ako naghilamos at nag toothbrush na din sa CR nag wiwi na din bago lumabas ng kwarto nakita ko agad si mama "Nak kain ka na dun Naka handa yung breakfast"
Pupunta na sana ako sa kusina pero tinignan ko sandali yung sarili ko...anak ng pitumpu't pitong puting put- tupa pala! Naka boxer lang pala ako! Paano kung May bisita?! Si mama naman di sinasabi na Naka boxer lang ako!
Tumakbo agad sa kwarto ko at tinignan yung sarili ko sa salamin hays ang hot ko talaga eme sandali lang ako nag pa pose pose sa salamin na parang model at pagkatapos ng parang ewan kong ginagawa nag chat na ako kay ano basta sa bebe ko ehe.
Kukuhanin ko sana yung phone ko nang biglang May naisip ako what if mag picture ako tas send ko sakanya na Naka boxer lang,eme! Syempre wag baka isipin niya eh dati akong nagsasayaw sa gay bar.
Ria<333
"Good morning love gising na! Baka puro laway na yung pillow mo kimi lang lav ya! Mwah!"
Pagkatapos ko mag chat sakanya ay nag bihis na ako ng sando at short ewan ko ba bakit addict ako sa pagsuot ng boxer tuwing gabi sana nga walang pumasok sa kwarto ko baka picturan ako ay wag! Hot ko pa naman sheeeeeeshhhh.
Kumain na ako ng breakfast naligo at nag bihis na "bye ma!" Nagpaalam na ako wala na si papa di ako naihatid dahil daw nauna na sya at May pupuntahan daw kaya eto ako naghihintay ng tricycle.
Ilang minuto lang May dumaan na tricycle pinara ko pero hindi huminto nagpatuloy lang sya tsk! Pero bumalik din sya agad buti pa sya bumalik eh yung ex mo? Kimi lang bhie:>
Pagkarating ko sa school hawak hawak ko yung bag ko naglalakad palang ako sa hallway nang "Rio" sabi ng kung sinong tao mula sa likod ko mababa ang boses niya kaya muntik na akong napa talon sa gulat kala ko multo!
Tumingin ako sa likod at kung sino ka man ang pangahas na nang gulat sakin mag tago ka na sa nanay mo! Pag tingin ko si mark lang pala nakatingin sakin si ashedee na tawa ng tawa dahil sa itsura ko para kasi akong binuhusan ng malamig na tubig kaya umiling nalang ako at naglakad papunta sa room.
"Rio teka lang tampo ka yata" Sabi ni Ashedee "hindi naman" sagot ko habang naglalakad "ikaw kasi mark!" Sagot ni Ashedee kay mark "bat ako?!" Sagot naman netong si mark hays eto nanaman sila "mama mo!" Sigaw ni ashedee kaya naman napahawak ako sa bibig ko dahil muntik nang matawa "mama mo blue!" Sagot ni Mark "mama mo green!" Patol naman ni Ashedee "mama mo yellow!"-mark "mama ni mark Paguntalan black!"
Ay racist? Bad bad
"Mama ni Ashedee Meoni Mandawe rainbow!"
Rainbow?!
"Nyare sayo Rio? Bat ka nakaluhod diyan?" Tanong ni ashedee ngayon ko lang napansin na nakaluhod na pala ako sa harap ng room ng grade 10 habang nakahawak sa bibig at pinipilit na pigilan ang tawa ko.
"Mama mo kasi rainbow"
Di ko na napigilan yung tawa ko "ukinana! Hahahahaha!!" Nagulat ako nang biglang hawakan ng isang grade 10 student yung bunganga ko "shhh marinig ka ni sister" sagot ni kuya tinignan ko sya ay ang fogi!!!! Parehas kami na medyo fluffy ang buhok pero mas matangos niya sa ilong ko at mas mukha syang matured.
