Rio's pov
Happi happi happi~
Phew~ buti nalang at naayos na ang lahat at wala ng away.
Kasalukuyan kami nag lalakad ni Sabrina, Athron, Mark, at Ashedee pabalik sa room ngayon at magaan na ang loob ko na naayos na ang pag-aaway namin ni kuya Edzel.
Kahit masakit pa ang ulo ko!!!
Pag pasok naming lima sa room literal na 'all eyes on me' talaga pero hinayaan ko nalang sila at umupo nalang ako sa upuan ko at nag pahinga.
Si Rhianne naman ay pumasok na pero wala yata sa mood.
"Wag mo muna kausapin baka mabato ka niyan ng upuan" bulong sakin ni Mark kaya tumango nalang ako.
Nag simula na ang klase kaya parang normal na ang lahat "oh Rio, bakit hindi ka muna umuwi sa bahay niyo? Baka masakit pa yung katawan mo sa nangyari kahapon pwede naman kitang i-excuse sa mga subject teacher mo" sabi ni ma'am Kim.
"Ay don't worry ma'am okay lang po ako" sagot ko at nginitian niya lang ako bago magpatuloy sa klase.
+++++
Natapos na ang dalawang klase kaya break time na ulit kaya ito ako ninakawan nanaman ng pagkain ng sino pa ba? Kundi yung apat na matitino kong frinds!
Ukinana!!! Pagkain ko yan!!!!
Pero wala akong nagawa di po talaga ako marunong tumanggi pogi ako eh.
Kaya ayun nag punta nalang ako sa library at nang hiram ulit ng babasahin at kumain sa likod ng school.
Busy ako kumain nang may lumapit saking tao "andito ka lang pala" tinignan ko siya at si Mayumi pala at may dala-dalang bag din na maliit kagaya ko.
Maliit yung bag ko! Hindi ako!
"Hmm" sagot ko sakaniya habang nag babasa.
Umupo siya sa harapan ko at nag labas din ng pagkain "oh sayo na" offer niya sakin ng sandwich.
"Ahh no thanks...busog pa ako eh katatapos ko lang-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mag salita siya ulit.
"isa! Choosy choosy pa ha!" Sagot niya kaya wala na akong nagawa at kainin nalang ang binigay niya.
"Sarap?" Tanong niya.
"Charap" sagot ko.
Ilang minuto pa at may dumating nanaman "Mayumiiii- oh hi Rio! Ay wait...Nag-da-date kayo? Huyyyy!!!" Bungad samin ng isang babae.
Sino nanaman toh?!
"Oa Virlin napaka!" Sagot ni Mayumi sa Virlin.
"Ito naman, pero malay natin may chance, may chance?! Huyyyyy" sagot pa ng Virlin.
Awatin niyoko!
Umupo siya katabi ni Mayumi at nakikain din samin pero isa lang ang napansin ko...pati pagkain ko kinakain niya!
"Ahh-" magsasalita sana ako para kuhanin yung pagkain ko pero busy sila mag kwentuhan.
Kaya di na ako sumabat at hinayaan nalang sila.
"Ay by the way Rio masakit pa ba yung mga sugat mo?" Tanong sakin ni Mayumi.
"Kaya nga, hays buti nalang talaga nag thirst trap ako that time at sakto na record ko yung mga nang "tukso" daw kay kuya Edzel" dagdag pa nung Virlin.