Chapter 6

44 2 0
                                    

(A/N) sorry sa mga wrong grammar and sa wrong spelling:>.

New friends

Continuation of flashback.

"Ginagawa nila ito dahil sa nagawa mo'ng pag sagot at pagpapahiya kay precious pinagkakaisahan ka nila!"-Reymar

Arghhh! That words keep repeating in my mind!

Yan ang laging naririnig ko sa isip ko kung sana lang hindi na ako sumagot sagot sakanya noon sana hindi ito mangyayari ngayon.

Dumb ways to die.

Nag ring na ang bell kaya lunch time na pababa na ako papuntang second floor dahil nasa third floor ang classroom namin at nakakasawa nang kumain mag isa sa room sa loob ng ilang buwan,ilang buwan na din akong hindi gaanong pinapansin ng mga classmates ko pero yung iba kinakausap naman ako.

Di ko na namalayan na nakarating na ako sa room na balak ko'ng puntahan.

Ang section na masaya kasama,section na kung saan komportable akong nakakakain,ang section na kaibigan ko lahat...Aristotle.

"Yow dude!!! C'mon let's eat na anong baon mo?" Bungad sakin ni Vinz bago iayos ang upuan para sakin,ang mga kaibigan ko naman dito sa section ay nakaupo palapit samin.

"Sha- eme lang ang baon ko ay human balls with blood in short bola-bola" nag-tawanan naman ang mga katabi ko sa corny na joke ko pare-parehas yata kaming mababaw ang kaligayahan dito.

Naging kaibigan ko sila dahil kay JL na kaibigan ko mula elementary kaya ipinakilala niya ako sa section niya.

Habang kumakain at nag kwe-kwentuhan natigilan ang lahat nang mag tanong ang isa sa mga kaibigan ko na si Ehlina "Rio,bakit hindi ka nalang mag transfer para hindi mo na kailangang mag tiis sa mga kaklase mo na yon?"

Nalaman na din nila ang nangyari sakin dahil kumalat ang balita na mabilis pero mas mabilis relasyon niyo ahihi.

"Ayaw ko dahil gusto ko paring makuha ang respeto ng ibang tao dahil nga star section tayo diba? At andito naman kayo eh kaya masaya ako na kasama ko kayo" sagot ko.

"Tama si Rio at mami-miss ko din sya pag nag transfer sya noh" singit ni JL.

"Sabagay...by the way Rio pagawa ng essay hehe"sagot ni Ehlina habang nakangiti ng malapad.

"Sige basta penge ng hotdog mo" sagot ko habang nakaturo sa hotdog niya.

"Bakit ka nanghihingi ng hotdog ko eh May hotdog ka nama- ARAY!!!" hindi na natapos ni Ehlina ang kanyang sasabihin dahil pinitik sya sa noo ni Jerson.

"Anong hotdog ka dyan saan mo natutunan yan?! Sumbong kita sa bebe mo eh!" Sagot ni Jerson

"Ano bang iniisip mo? Yun yung hotdog sa sauce ni Rio yan oh!" Eka ni Ehlina habang nakaturo sa slice ng hotdog sa ulam ko.

"Ay oo nga noh?" Sabi ni Jerson sabay kamot sa ulo.

"Eh kahit na maliit yung hotdog eh!"sigaw ko.

"Eh kasi maliit din yung hotdog mo! hahahaha!!" Eka ni Vinz sabay tawa naman ng mga kaklase niya.

Pag ito nakita mo...edi jumbo hotdog kaya mo ba toh?

Hinayaan ko lang naman sila kung saan sila masaya at kumain nalang gutom ako eh bahala sila dyan.

Pagkatapos kumain at gawin ang essay ni Ehlina tungkol sa drug addiction daw na yan nagpaalam na ako at bumalik na sa room.

Pag balik ko binaril ko silang lahat eme.

As usual eto nanaman tahimik nanaman sila iilan lang ang nakakausap ko dito tulad ni Reymar,king,at TJ..si Sabrina naman tahimik lang sya pero ramdam ko ang pag titig niya sakin na parang nag aalala.

Natapos na ang pang hapon naming klase para sa ngayong araw at nag desisyon na ako umuwi kasabay ng section ng mga kaibigan ko.

-------

Pag uwi nakita ko agad sila mama na kararating lang galing sa school kung saan sila nagtuturo si mama ay ICT teacher samantalang si papa naman ay principal.

Nagbihis na agad ako at kinuha ang phone sa bag at nakita ko ang maraming chat ng girlfriend ko.

My Ria<333

"Parang ayaw ko pumasok love:<"

"Pero papasok ako baka magalit ka sakin eh:>"

"Ingat ka palagi dyan ha subukan mong maghanap ng iba makikita mo si san Pedro!"

"Punta na ako sa school love:>"

"Hi love andito na me sa school"

"Parang gusto ko ng mangga look oh:>"

"Uwi na ako love:>"

Teka mangga?! Omg? Magiging tatay na ako?! Ay wait...what if? Tss alam ko naman di ako pagpapalit ni lalab ko ehe sa pogi ko'ng toh?!

Agad akong nag message para sakanya bago lumabas ng kwarto dahil mamaya pa naman kami makakapag bebetime I'm sure may assignments pa sya.

"Ingat ka love sa pag uwi i love you!! Take care!"

Pagkatapos mag message ay lumabas na ako ng kwarto para tulungan si mama sa pag aayos ng lulutuin.

"Kumusta school nak?" Tanong ni mama.

"Okay lang po"sana nga okay lang.

"Alam ko na May tinatago ka nak"sagot ni papa.

Alam ba nila?

Ang tanong ko ay nasagot nang magsalita si mama ulit.

"Nag chat samin si Sabrina ilang buwan ka na palang hindi pinapansin ng ibang mga kaklase mo bakit hindi mo sinabi?"kalmado ang pag sagot niya pero ramdam ko ang inis nya.

"Sorry po ma"sagot ko habang nakayuko

"Mag transfer ka na kesa naman magtiis ka na hindi ka kausapin ng ibang kaklase mo" sagot ni papa.

"Ayaw ko po at may mga kaibigan naman po ako sa ibang section eh"

"Alam namin yun pero baka kasi kung anong gawin nila sayo tulad noong inatake ka ng isang lalake sa school niyo"eka ni mama.

Pati ba naman yun sinabi ni Sabrina?!

Yumuko nalang ako upang pakinggan ang mga sinasabi nila pero napatigil ako nang magsalita si papa.

"Bibigyan kita ng pagkakataon na mag stay dyan sa school na yan hanggang January next year, November palang ngayon kaya May ilang araw pa sila para makipag ayos sayo kakausapin ng mama mo yung adviser niyo tungkol sa issue na yan"

Wag! Ayaw ko nang makisali ang magulang ko para lang matulungan ako mailayo sa gulo!

Tinignan ko si papa bago sumagot "wag na po pa,masasayang lang ang oras po ninyo lilipat nalang po ako ng school pero sa January nalang po gusto ko lang po makasama pa ang mga kaibigan ko at tulungan sila sa mga essays nila"

Nag tinginan muna sila mama at papa bago tumango sakin.

Sana magkaroon pa ako ng kaibigan sa susunod na school ko.

HalikWhere stories live. Discover now