CHAPTER 22: JS PROM?!

19 0 0
                                    

Rio's pov

Tahimik ah!

Ang tahimik ng mga kaklase ko may sari-sarili silang mundo eh, pati yung mga boys at the back.

Vacant kasi ngayon at tuwing vacant nag iingay sila pero ngayon tumahimik, nakakapag taka.

Walang nag aaway na Mark at Ashedee, walang maingay na boys at the back, ang peaceful naman-

*Tug!*

Tunog ng pinto na parang may taong kumalampag dito.

Binabawi ko na! Ito nanaman sila!

Mga punyet- eme magalit ang sister kick out ako agad dito.

Nagmamadali si Mark na pumasok sa classroom at nauntog pa sa pinto halatang may kalokohan nanamang ginawa dahil sa ngisi niya eh!

Sinenyasan niya akong manahimik kaya tumango ako at nagtago siya sa likod ng pintuan.

"MARK!" Sigaw na parang boses ni Ashedee at papunta na sa room.

Nagulat ako sa hawak niyang tubo at mukhang galit na galit "NASAN SI MARK?!" Pasigaw na tanong niya saming lahat.

Walang gustong umimik kaya napalingon sakin si Ashedee at lumapit.

"Nasan siya?!" Tanong niya sakin kaya napalunok nalang ako buti  nalang at nahagip ko si Sabrina sa pinto na galing yata sa canteen dahil may hawak na siopao eh.

Sinenyasan ako ni Sabrina na lumapit sakaniya kaya tumayo agad ako "d-di ko alam sorry" sagot ko muna kay Ashedee at tumakbo papunta kay Sab.

Katakot si Ashedee! Parang madudurog bungo ni Mark pag nakita siya nun!

Naupo kami ni Sabrina sa bench "gusto mo?" Tanong niya sakin pero umiling lang ako.

"Rio may problema ako" sabi ni Sabrina at sumandal sa balikat ko.

"Ano yun?" Tanong ko sakaniya.

"Si Lance ka-partner ko sa sayaw..." Sagot niya sakin na ikinakaba ko.

"Nag practice na kayo?" Tanong ko sakaniya.

"Oo, kanina and tahimik naman siya habang nagsasayaw kami" sagot niya.

"Wag kang matakot, bugbugin namin ni Athron yun pag may ginawang mali ulit sayo" sagot ko sakaniya.

Tumango lang siya at niyakap ang braso ko.

"BWISIT KA!" Sigaw ni Ashedee kaya napatingin kami ni Sabrina sa pintuan ng room kasabay ng pagtilapon ni Mark palabas.

"Rio tulong!" Sigaw ni Mark at lumapit sakin sabay tago.

Kagaling! Pag ako nahampas dito sinasabi ko sayo.

"Wag ka mag tago diyan! Hahampasin kita!" Sigaw ni Ashedee kay Mark at palapit na siya samin.

"Baliw ka! Edi pag lumabas ako hahampasin mo parin ako! Para kang mama ko!" Sagot ni Mark kaya napatawa naman si Sabrina samantalang ako? Ito kinakabahan baka mahampas ni Ashedee.

Wag! Masisira kapogian ko ahihi.

"Talagang hahampasin kita! Labas!" Sigaw ni Ashedee habang pinapatunog ang leeg.

"A-ano ba kasi kasalanan ni Mark?" Tanong ko sakaniya.

"Eh sinira niya buhok ko! Tignan mo oh!" Sagot ni Ashedee habang pinapakita ang buhok niya na nagulo.

Pansin ko nga na isang siopao nalang yung nasa ulo niya sa kaliwa.

"Akin na ayusin ko na" sabi naman ni Sabrina na nagpangiti kay Ashedee.

"Buti pa si Sabrina mabait" sabat naman itong Mark.

"Manahimik ka! Mamaya ka sakin!" Pagbabanta ni Ashedee kay Mark.

Dahil vacant naman naisipan kong pumunta sa music room para mag test ng instrument ganda kasi ng electric guitar nila.

"Ashedee?" Tawag ko sakaniya.

"Hm?" Sagot niya at lumingon sakin.

"Bukas ba yung music room? Gusto ko sana pumunta doon eh kung pwede?" Tanong ko sakaniya.

"Yes, may humiram kasi sakin ng susi kanina nakalimutan ko kung sino nasa bag ko yung id niya eh" sagot niya kaya tumango nalang ako at nagpaalam muna sakanila bago  pupunta sa music room.

Pagdating ko sa music room ay nakita ko si Raivenielle na nagpapatugtog ng gitara kaya lumapit ako.

"Hi" bati ko sakaniya kaya napatigil siya.

"Hello" sagot niya bago ibalik ang atensyon sa pag papatugtog.

Naalala ko marunong pala siyang kumanta sabi sakin ni Ashedee kahapon.

Nang binuksan niya ang mic ay nagsimula siyang mag intro sa gitara ng pamilyar na kanta.

Narinig ko na toh ah!

Kinuha ko din ang isa pang acoustic guitar at naupo sa tabi niya sabay on ng mic.

"Duet?" Tanong ko at tumango lang siya bago mag simulang kumanta.

"Heto na naman ako
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang"

"Heto na naman ako
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko
Parang walang katapusan
Walang katapusan"

"Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin ka, mali
Ako'y mali
Ako'y mali"

"Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan?
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan"

"Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan?
Lagi na lang 'di maaari
Ngunit ayaw lumisan~"

Natapos ang kanta namin at may narinig kaming pumalakpak galing sa pinto kaya't napatingin kami doon.

Naka sandal sa pinto si sir Roi habang nakangiti.

"Magaling magaling! I'm so proud of you two" sabi niya samin at pumalakpak ulit.

"Thank you po, sir" sabay na sagot namin ni Raivenielle.

"Pwede na kayong kumanta sa js prom ninyo!" Sabi niya at sabay kaming nagtinginan ni Raivenielle dahil sa gulat.

May js prom dito?!

----------

Sabrina's pov

Damn! Bakit pa kasi rumba?!

I'm so stupid! Bakit ko kasi pinili yun! Bakit wala pa yung Lance na yun?!

Kung kailan vacant doon siya mawawala?

Fine!! Mag practice mag isa.

Nagpunta nalang ako sa gym at umakyat sa stage dahil wala namang tao dito kaya di awkward.

Buti nalang maganda yung kanta na napili ko, The scientist by cold play! My favorite.

Habang feel na feel ko ang kanta ay sinasabay ko ang katawan ko pero ilang minuto palang ay nakaramdam ako ng parang may nakatingin sakin.

Fck! Nakangisi si Lance habang nakatayo sa pintuan ng backstage!

"Bakit ngayon ka lang?!" Tanong ko sakanya.

"Why did you stop? I'm enjoying it" sagot naman niya.

"I hate you!" Sigaw ko sakaniya.

Pervert!!!

To be continue;>





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HalikWhere stories live. Discover now