Hotdog
Ang sakit!!! Argh! Sakit ng batok ni sungit.
Di ko namalayan na nasabi ko pala yung "pake ko sayow"
Naglalakad ako sa hallway kasunod ko si sungit na patuloy parin sa pag tawa dahil sa itsura ko kanina.
"What happened Rio? Bakit nakasimangot ka dyan?" Tanong ng kung sino.
Nilingon ko kung sino ang nagtanong at si Ashedee pala at ngayon ko lang nahalata na naka make-up sya at parang mas umayos itsura niya.
"Natamaan ako ng buko sa batok"pagsisinungaling ko sakanya dahil baka pag sinabi ko kung sino ang dahilan kung bakit nakasimangot ngayon baka batukan niya ulit ako.
"Ay ganun ba? Tara dun sa clinic gamutin ko" pa sarcastic na sabi ni Rhianne.
"No,ako na ang magdadala sakanya"sagot naman ni Ashedee at humawak pa sa braso ko.
"Ay wag na okay lang ako promise, tara na dun sa room baka dadating na si ma'am" pagpupumilit ko sa kanila.
"Hm? Flag ceremony muna Rio"eka ni Ashedee kaya tumango nalang ako at nagkamot ng ulo bago pumunta sa gymnasium.
Pag dating namin yun naman ang pag tunog ng bell namin indikasyon para mag simula na ang flag ceremony.
Pagkatapos ng ceremony as usual sumama nanaman ang mga pasaway para mauna sa room.
Habang ako,eto pogi lang.
Pagdating sa room ay naupo muna ako sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana.
Habang nakatingin sa labas naramdaman ko ang pag bukas ng bag ko sa harap ng paanan ko kaya tinignan ko kaagad kung sino ang bumukas ng bag.
Ganun nalang ang gulat ko nang makita si Ashedee na nakangiti sakin habang nakaluhod at nakahawak sa bag ko.
"Penge food"sabi niya at lumapit naman si Mark sakanya bago hilain sya ang kwelyo niya sa batok.
"Pst mahiya ka naman,hehe pwede pahingi din?" Eka niya at ngumiti din sakin bago tamaan ng siko ni Ashedee ang sikmura niya.
"Mahiya tapos hihingi ka din pala"sarcastic na sabi ni Ashedee.
"At least ako nagpaalam ng maayos hindi katulad mo nangunguha kaagad ng hindi nagpapaalam"pangagaya ni Mark sa tono ni Ashedee.
Habang nagtatalo sila ako naman etong nakatingin lang sakanila dahil nahihiya akong kunin ang pagkain ko baka isipin nila madamot ako.
Pero akin yan!!!!
Nang biglang hinablot ni Sabrina ang bag ko at ibinigay sakin "bantayan mo bag mo alam naming madaming pagkain dyan" sabi niya at nag wink "bigyan mo ako mamaya ha"pabulong niya na sabi sakin.
Wala na mauubos na pagkain ko.
Alam na nila na madami akong baon araw araw dahil isang bag ang baon ko araw araw.
Pero kahit kumain ako ng madami payat parin ako:<
Or hot parin ako.
Umayos na ang dalawang kanina pa nag-aaway nang dumating na si ma'am Kim.
Habang nasa klase hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Rhianne sakin.
Papatawarin ko na ba sila?pero paano?sasabihin ko ba?or wag na?wag ko na sigurong sabihin at patawarin nalang sila-
Naudlot ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni ma'am Kim.
"Rio! kanina pa kita tinatawag,bakit ang sama ng titig mo dyan kay Rhianne?"kalmado pero may pagbabanta na tanong ni ma'am.
Ngayon ko lang napagtanto na nakatingin pala ako kay Rhianne na ngayon ay parang naiirita sa akin.
"Ay hala!! May pag tingin na sya kay Rhianne!!!"parang nag pa-panic na sabi ni Mark kasabay ng pagtawa ng ibang kaklase namin.
"Yieeee!!"
"Shhhh baka mag blush si tomboy"
"Hinay hinay baka matunaw si tomboy!"
"Hindi mo aalisin yang tingin mo? Baka mabigyan kita ng black eye dyan"pabulong na sabi sakin ni Rhianne.
Kaya naman ay umiwas na ako ng tingin bago magsalita "May girlfriend po ako!"
Pasigaw na sagot ko sakanila.Kaya naman huminto na sila habang ang iba naman ay natatawa parin.
Lumipas na ang oras at natapos na ang unang dalawa naming klase kaya naman oras na para sa recess.
Pag tayo na pag tayo ko ay ang sabay na tingin sakin ni Mark, Ashedee,at Sabrina bago kumindat sakin.
Lagot! Takbo na!!
Kinuha ko kaagad ang nasa baba na bag ko at tumakbo sa labas sabay ang paghabol sakin ng tatlo.
Wala na akong paki kung may mabangga ako basta matakbo ko ang bomba este ang pagkain.
"Bigyan mo ako!!!"
Ayaw!
"Penge Rio! Macharap yan!!!!"
Mayaman ka naman kaya bumili ka nalang!!
"Isusumbong kita kay Ria!!!"
Bahala ka dyan–teka?! Ria?!
Huminto ako kaya naman napahinto din sila sa paghahabol bago lumakad papalapit sakin.
"Wag niyo lang ako isusumbong sa Ria ko babatuhin ko kayo ng buko!"pagbabanta ko pero tumawa lang sila sakin.
"Takot pala sa jowa 'to eh"pang aasar niya sakin.
Mahal ko kasi...sobrang mahal.
Hindi na ako sumagot at binigyan ko nalang sila ng pagkain.
Hindi muna ako sumalo sakanila at nagpunta muna ako sa library bitbit ang bag ko upang mag hanap ng libro na babasahin.
Dragon ball?!
Laking gulat ko nang makakita ng manga kaya agad ko kinuha iyon at nag paalam na sa librarian upang hiramin at lumabas na sa library.
Naupo muna ako sa bench bago ibaba ang bag sa tabi ko at nagsimula nang kumain habang nagbabasa.
Habang naaaliw sa ginagawa lumapit saakin ang naka hoodie na lalake medyo malaki ang katawan.
Tinignan ko sya pero naka ngiti lang sya sakin bago maupo sa tabi ko "hey there!"bungad niya sakin.
"Hmmm"sagot ko dahil hindi ko sya masagot kasi napuno ang bunganga ko ng pagkain.
Tumawa sya ng mahina bago ilahad ang kamay "my name is Athron Gutierrez"
Pinunasan ko muna ang kamay ko at nilunok ang pagkain bago abutin ang kamay niya "my name is Rio-"
"Yeah I'm your classmate so kilala na kita"pagpuputol niya sa sasabihin ko.
"Oh..okay"sagot ko at kumain ulit.
"Wanna be my friend?" Tanong niya sakin.
"Sure"sagot ko sakanya.
Tumingin sya sa loob ng bag ko bago ngumiti sakin.
"Can I eat your hotdog?" Tanong niya bago dilaan ang sariling labi.
"Hm?!"gulat na tanong ko sakanya.
"Hahaha don't worry I'm not gay"natatawang sagot niya.
Hindi naman yun iniisip ko eh,yung pagkain!!
"Infact I like your cousin"
Nudaw? Si Sab?