CHAPTER 24: WHO IS SHE?

12 2 0
                                        

Rio's pov

Ready na? Hindi pa!

Kanina pa ako kinakabahan sa performance task namin mamaya dahil sasayaw nanaman ako sa harap ng maraming tao.

Kakarating ko lang sa school at tantsa ko 6am pa lang dahil maaga ako inihatid ni papa at naiwan ko pa ang wristwatch ko dahil nagmamadali si papa!

Pero at least di ko nakalimutan mag wear ng underwear, diba?

Anyways, ito na nga at papasok nanaman ang pinaka pogi nilang kaklase sa room (which is me).

Maaga pa dahil wala pa ang mga ibang kaklase ko sa room kaya napag-isipan ko na hanapin si Raivenielle para makapag-practice ng sayaw namin para mamaya.

Ilang minuto ko na siya hinahanap sa buong school pero wala ang Raivenielle kaya naupo muna ako sa damuhan sa ilalim ng puno at nagpahinga dahil sa pagod kakahanap sakaniya hanggang sa may nagsalita sa likod ko.

"Wala pa siguro siya" eka niya at alam ko'ng kilala ko itong taong toh kaya nilingon ko siya at nakatalikod din siya sakin halatang may hinahanap at hindi mapakali.

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sakaniya bago siya gulatin.

"Uwahhh!!!" Pag-gulat ko sakaniya ay siya namang pag talon niya "ay tang!na mo!" Pasigaw niya bago ako lingunin at sampalin.

Napa-atras ako sa lakas ng sampal at sa pagkamanhid ng pisngi ko.

Bakit kasi nanggugulat, Rio?

Inayos ni Sabrina  ang sarili niya bago kunot-noo na lumapit sakin.

"Ang aga-aga nanggugulat ka! Kanina pa kita hinahanap!" Pasigaw na sabi niya sakin.

Inayos ko rin muna ang sarili ko bago sumagot sakaniya "ay sorry ah-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang lumapit siya at hinimas ang pisngi ko.

"Okay ka lang, sorry ah? Ikaw kasi nanggugulat ka!" Sabi niya habang patuloy hinihimas ang pisngi ko.

"Yes, okay lang ako. Bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko sakaniya.

"Sabi kasi ni Ria sakin i-monitor kita so here I am" sagot niya.

"Bakit mo naman ako i-mo-monitor, ha?" Taas na kilay ko'ng sagot.

"Siyempre nag-aalala sayo si Ria! Baka suotin mo nanaman iyong damit mo na- ay wait, ano ba ang isusuot mo sa sayaw mo mamaya ha? Don't tell me yun nanaman?!" Sunod sunod na sagot niya kaya sinensyasan ko nalang na sumunod sakin at binuksan ko ang paper bag ko at pinakita sakaniya ang longsleeve na white na isusuot ko para sa sayaw.

"Better, because if you'll wear that clothe again I'll burn it while you're in it. Understand?" Sabi niya habang seryosong nakatingin sakin kaya tumango nalang ako.

"Eh ikaw? Anong isusuot mo, ha? Baka mamaya pag nakita ni Athron yan eh-" hindi ko na naituloy sasabihin ko nang batukan niya ako.

"What the fuck, Rio?! Ang bastos mo! Sa'n mo natutunan yan, ha?!" Napatingin lahat ng kaklase ko maski mga tagalinis ng school namin sa labas dahil sa ginawa ni Sabrina.

Strike 2!!

"Arayyy! Ang sakit!" Sagot ko habang hinihimas ang batok ko.

HalikWhere stories live. Discover now