CHAPTER 20: TAMPUHAN

17 0 0
                                        

Rio's pov

"Yes uwian na din!" Sigaw ni Mark at tuwang tuwa pa dahil uwian na.

Well, okay naman at uwian na medyo sumakit ulo ko kanina eh kaya dapat mag pahinga na muna ako.

Palabas na ako ng room nang may tumawag sa cellphone ko kaya kinuha ko na agad iyon sa bag at name agad ni Ria ang nakita ko kaya sinagot ko na.

"Hi love!" Sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Sino yan?" Tanong ng kung sino sa likod ko.

Tinignan ko at si Athron na ngayon ay nakangisi nanaman.

"Bebetime ka nanaman" sabi pa niya pero lumayo nalang ako para sagutin si Ria ko.

"Sino yun love?" Tanong sakin ni Ria.

"Ay si Athron, hayaan mo yun anyways how are you love? Nakauwi ka na?" Sagot ko sakaniya at naupo muna ako sa gilid sa labas ng room.

"Yes love, na miss kita" sagot niya sakin.

"I miss you more-" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang may walangyang sumigaw ng pangalan ko sa room.

"RIO!!!! MY LABS! BALIK KA DITO SA ROOM!" Sigaw ni Mark kaya't nagpunta na agad ako sa room dahil nakakahiya!!

"Wait lang love ah!" Sagot ko kay Ria at tinago muna sa bulsa ang cellphone ko.

"Everyone sit down muna kayo" sabi ni ma'am Sheela na teacher namin sa MAPEH pag pasok ko sa room.

Kaya't naupo muna ako at nagsalita na siya "so dahil ang current lesson natin sa PE ay about sa ballroom dances pipili ako ng partner niyo para mag perform sa Friday, this will serve as your last  performance task before tayo mag tapos ng 2nd quarter" announcement ni ma'am na nagpakaba sakin ng sobra.

Ballroom?! Wahhhh! Baka masipa ko pa yung partner ko!

Isa-isang nag tawag si ma'am ng mga pangalan ng magkakapartner hanggang sa napunta na sakin "okay Rio? Partner mo si...Raivenielle Loure" sabi ni ma'am at hinanap ko kung sino yung taong yun hanggang sa tinapik ako ni Mark.

"Yun magiging partner mo" turo ni Mark sa babaeng naka ponytail ang buhok na di gaano kahabaan at may eye liner din at kasalukuyan din nakatingin sakin kaya umiwas agad ako.

Pero ang napansin ko di siya naka uniform! Naka suot lang siya ng parang korean! White long sleeve tapos white pants tapos may headphones pa sa leeg niya!Kala ko ba bawal ang hindi mag uniform dito?! Kaya tinanong ko agad si Mark.

"Mark, bakit di siya naka uniform diba bawal yun?" Tanong ko sakaniya.

"Ahhh, halos sabay kasi kayong nag transfer dito kaya normal lang samin na di muna kayo mag uniform pero good student kasi kayo ni Sabrina hahahaha" sagot naman niya.

Ohhh, edi shing.

"So kayo mamimili if latin or standard ang sasayawin ninyo at kayo narin gumawa ng mga steps ninyo maraming tutorial sa YouTube, gamitin niyo ang oras natin pang MAPEH para mag practice, yun lang class" sabi ni ma'am at nagpaalam na kami sakaniya.

Lalapitan ko sana si Raivenielle pero nang tignan ko yung cellphone ko on going pa pala yung tawag namin ni Ria!

"Love?" Tawag ko sakaniya.

"Hmm?" Sagot niya.

Lagot.

"May performance task kasi kami.." sabi ko sakaniya habang kinakabahan sa magiging sagot niya.

"So gagamitin mo nanaman yung damit na ginamit mo dati?yung revealing?" Tanong niya sakin.

"Love kasi.... performance task namin-" di na ako nakasagot nang magsalita siya ulit.

"Diba pinagusapan na natin about diyan love? Tsk ewan ko sayo! Bahala ka nga" sagot niya bago patayin ang tawag kaya't pinigilan ko muna ang pag iyak ko dahil sa galit niya.

I understand her.

Dapat talaga bumili na ako ng bagong susuutin! Tama! Para di na magalit si Ria!!

Pero dapat pagusapan muna namin ni Raivenielle kung anong sasayawin namin.

Ang problema di ko alam kung paano siya kakausapin!

Inayos ko muna mga gamit ko bago lumabas ng room hanggang sa may mabangga akong kung sino.

Parehas kaming napaupo sa sahig  tinignan ko siya at saktong si Raivenielle pala!

Nag offer ako ng kamay sakaniya para itayo siya at tinanggap naman niya.

"Thanks" sabi niya at pinagpag ang damit bago pumasok sa room pero tinanong ko na agad siya bago siya makapasok sa room.

"Ah- Raivenielle anong sasayawin natin?" Tanong ko sakaniya.

"Ikaw bahala" sagot niya nang hindi ako nililingon pero hinayaan ko nalang.

-------

Ria's pov

"Anong problema?" Tanong sakin ni Lexie  (bff ko).

Niyakap ko ng mahigpit si Pepito at umiyak na.

Napagalitan ko si Rio ko!!! Baka umiiyak na siya ngayon! Tapos di niya na ako maging lab! Tapos iwan niya na ako, tapos single mother na ako ni Pepito ko, paano na kami ng anak niya? Kawawa naman kami :<

"Miss ko na yung baby koooo" sagot ko sakaniya habang umiiyak kay Pepito.

"Ano ba nangyari?" Tanong niya ulit bago umupo sa tabi ko.

"Mag sasayaw kasi siya ng ballroom tapos baka suotin niya nanaman yung dati niyang suot tapos ayun nagalit ako tapos pinatayan ko siya ng tawag and ngayon...miss ko na siya" sagot ko at umiyak nanaman.

"Miss ko na yung Rio ko!" Sagot ko sakaniya.

"Pag usapan niyo kasi ng mabuti at sigurado bibili yun ng bagong susuutin niya diba?" Sabi niya sakin kaya tumango nalang ako.

Wawa Rio ko...

To be continue.






HalikWhere stories live. Discover now