Pagkatapos nang isang mainit na pagniniig ay kumakain silang dalawa,at ang lansnes at pakwan ang nilantakan ni Leny.
"Nasaan kaya si Jhe,tanghali na wala pang almusal yon.
Kasi hinintay lang namin na makaalis sila papa at sugod agad kami dito.""Baka umowi sa kanila yon,alam mo naman minsan lang yon kung dumalaw sa kanila."
"Siguro,nganga pa ito o, ang sarap di ba."
Ano ba Leny bakit mo sinubo sa akin ang tira mo baka antukin ako palagi nito.
Ganun ba yon?
Oo,naman.
Teka may tanong ako sayo paano mo nalaman na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko?
Syempre ako ang nauna sayo diba?
Tama....!
So ano ang plano mo ngayon Leny,kasi ako gusto ko ng harapin ang pamilya mo.
Huwag muna sa ngayon,Loves,kasi kailangang mahanda ko muna ang lahat,diba kilala mo naman sila sigurado ako n tutotol sila sa relasyon natin.
Sige ipapaubaya ko sayo yan muna pero pag nagbago ang isip mo ako ang kakaharap sa magulang,mo.
Sige,basta sa ngayon masaya tayo.
Pahalik nga,ang bango talaga ng loves ko,pwedi pa bang humirit para siguradong buo talaga t para kapit na kapit.
Luko-luko k talaga,pano kapag dumating si Jhe?
Mamaya pa yon.
At agad na niyapos ang dalaga at hinalikan niya ito at gumanti naman ang dalaga,at nagpaubaya na naman siya dito.
At pagkatapos ng isa pang pagniniig ay naulit pa ito ng naulit hanggang makatulog sila na magkayakap.
At iyon ang naabutan ni Jeraldine.
Ang mga ito nakatulog siguro sa pagod.(hehehe).
Jhe,kanina ka pa?
Kadarating ko lang Victor.
Hindi pa ba kayo babangon baka,hinahanap na kami sa mansion.Ganun ba,loves gising na..at hinalikan niya ang dalaga.
O,Jhe kumain ka na ba?
Wala ka pa namang almusal.Ayos lang, umowi ako sa amin dinalaw ko sina nanay.
Siya bangon na jan at baka hinahanap na tayo.
-------
Mauna na kami Loves,malamang hinahanap na talaga kami.
At nagpaalaman ang magkasintahan at masayang masaya sila pareho.
At naulit pa ng naulit ang kanilang pagtatagpo sa tulong ni Jeraldine. At totoo talagatalaga ang kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag.
Habang lumalaki ang tiyan ni Leny ay sunod sunod ang pagtatagpo nila ni Victor,at isang araw habang naka upo sila sa loob ng kubo ay biglang bumukas ang pinto at ang akala nila ay si Jeraldine.
Papa!!!
Totoo pala ang talaga ang usap usapan na nakarating sa akin na itong hampas lupa na ito ang kinakatagpo mo dito!
Hindi kana nahiya sa mga kakilala natin at siya pa ang pinapa ako mo jan sa pinagbubuntis mo!at kinaladkad ang dalagang buntis.
Pipigilan sana ito ni Victor kaso nahawakan siya ng mga tauhan ng don at nakatutok sa kanya ang mga armas nila sa kanya.
Leny,bitiwan niyo ako!huwag niyong sasaktan si Leny,maawa kayo sa kanya.
At kinaladkad si Leny a sasakyan ng don.at walang nagawa si Victor,kahit anong gawin niyang panlaban.at binugbog siya sa mga tauhan ng don.