Ano ka ba naman Elena kagigising lang ng asawa mo kung makasigaw ka ay akala mo isang taon kayong hindi nagkikita.
Tatang naman e,alam niyo naman na madalas sumasakit ang ulo ni Joseph,at may napapanaginapan siyang Emely at Ben.
At kapag tatanungin mo sino ang mga iyon ay hindi niya maalala.
Elena,hindi natin siya kilala at kaya pumayag ako na pakakasalan mo siya para hindi tayo paghinalaan ng mga tao dito.
Tatang paano kaya kapag nalaman ni don Miguel na hindi pa patay si Vito.
Elena hindi ba napag usapan na natin na Joseph ang tawag natin sa kanya.
Pasensiya na po,at nadulas ako.
Basta tandaan mo siya si Joseph para kung maghanap man si don Miguel,wala siyang malalaman.
Kumusta na kaya ang kanyang mag ina.
Yon ang hindi ko alam, hindi ba pagkatapos ng masunog natin ang lugar naiyon ay hindi na tayo bumalik doon,kaya huwag na natin pag usapan pa ulit yon.
Hala! puntahan mo na ang asawa mo at baka gutom na iyon kahapon pa iyon
hindi kumakain at masama ang pakiramdam niya at sana Elena huwag mo na ulit banggitin ito? Maaari ba"?
"Opo itay,sisikapin ko po."
Siya sige,umàlis kana at ako naman ay magpapahinga muna at mamalakaya ako mamayang gabi hindi ko nalang isasama ulit si Joseph.
Nang makaalis ang agad na nagpahinga ang matanda subalit biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari.
Habag nag aalmusal ang silang mag ama ay may biglang dumating na panauhin na ni sa hinagap ay hindi niya maisip na magkikita pa sila.
Kumusta kana tatang Ruben?
O,Miguel ikaw na ba iyan? Ang gara ng dating natin a,ang dating gusgusin at iyakin dahil sa kalampahan ay nakakaharap ko ngayon na animo panginoon.!
May sasabihin pa sana ang matanda pero agad itong tinutukan ang baril ng mga tauhan ni Miguel.
Magdahan-dahan ka tanda hindi mo ba kilala ang kaharap mo siya si DON MIGUEL MORIENTO!
Sabay palo ng punglo ng baril sa mukha ni mang Ruben.
At ni hndi man lamang ito natinag,sobra pa roon ang kanyang naranasan sa buhay..
"Tatang."
Diyan ka lang Elena huwag gumalaw,tuloy mo langbiyang pagkain mo at kakausain daw ako ng ating bisita.!
Ang gandang dalaga ni Elena,tatang,pwedi ba naming maarbor?
Subukan niyo lang at makikita ninyo ang inyong hinahanap!
Ang babala ng matanda na may pagbabanta.
Tatang ito o,para sa inyo at sa apo mo!
Huwag na Miguel kaya naming pakainin ang sarili namin.
Tatang,akala mo hindi ko alam na namamasura lang kayo,para may makain? At baka akala mo hindi ko alam na pinatay mo ang ina ni Elena at malamang kapag malaman niya ito ay iiwan ka niya at hindi lang iyon isusumpa ka pa niya.
At tumawa nang tumawa ang Don dahil sa sinabi niya ay namutla ang matanda. Pero pa naman ganun ka tanda dahil nasa kuwarenta pa lamang ito,kaya medyo matannda tingnan dahil sa mga bakas ng karahasan sa katawan maging sa mukha nito.
Si Ruben ang dating kanang kamay ng pinuno ng sindikato na nagpapahirap kina Miguel noon.
Ano tanda tatanggapin mo ba o,kakausapin ko ang anak mo at magagalit siya saiyo at iiwanan kaat higit sa lahat sasama siya sa akin t alam mo na kung ano ang mangyayari at tumawa nang tumawa si Miguel.