Chapter 13

2.7K 64 0
                                    

Pano ito Jhe,baka hindi tayo papasukin sa loob. Baka nga sa labas pa lang tayo ay bistayin tayo ng bala.

Ano ka ba naman kuya kanina atat na atat kang sumugod tapos ngayon bahag ang buntot mo.

Loloy!manahimik ka pwedi.?

"Pasensiya na po."

Halika na kilos na tayo,kasi sa makalawa aalis na silà,kaya kailangan makapagpaalam ka sa mag ina mo.

Nasa labas pa lang sila ay tinanong agad sila ng nakatalagang bantay.

Mang Gusting ano ang ginawa niyo dito hapon na at wala ang don.

Peping,pinatawag ko siya bakit may problema ba?

Kayo pala señora.pasensiya na po bilin kasi na don na wala kaming papasukin na hindi dito sa mansion nakatira.

Sige Jhe,pasok na kayo at may sasabihin din ako sainyong mag ama. At nilakasan pa ng doña ang boses.

Bilisan niyo at naghihintay na ang iyong mag ina.

Maraming salamat po señora.

Sige bilisan ni na at baka pauwi na sina Miguel.

Loves,kumusta kana?ang anak ko ang gwapo niya nagmana sa akin.

Niyakap niya ang nobya.at nag iyakan pa ang dalawa maging ang doña na nasa labas ng.pinto at si Jeraldine naman ang nasa ibaba ng hagdan para magbantay.

Patawad loves at hindi kita naipagtanggol kay papa at nasaktan ka pa.

Ako ang dapat a humingi ng tawad saiyo kasi nanganak ka na hindi kita nadamayan.

Loves,pupunta kaming America,peri ayaw ko,hindi ko kayang malayo saiyo kaya hindi ako papayag na umalis kailangang makàtakas kami ng baby natin gusto kong sumama saiyo kahit saan basta magkasama tayo.

Sigurado ka loves baka naguguluhan ka lang?

Hindi pinag iisipan ko na ito at kailangang makalayo n tayo dito.

Sige loves hihingin ko ang tulong ni Jhe.

Anak di pa ba kayo baka dumating na ang papa mo.

Sige na mahal malalaman mo ang plano ko.

At hinalikan ulit niya ang kanyang mag ina.

Señora salamat po a tulong sige po mauna na ako.salamat po ulit.

At nagulat ang doña ng matitigan niya ang mata ng binata at parang may naramdaman siyang pangungulila sa kanyang kaibuturan na nararamdaan lamang niy kay Vito.

Kumusta na kaya siya at habang palayo ang binata ay nakikita niya sa tayo maging ang lakad ay kilala niya si Vito,tama kamukha niya si Vito.

Kailangang malaman ko kung sino siya salamat po Diyos ko at makikita ko na si Vito.

Iha,mama may hingin po akong pabor,ayaw ko pong sumama sa America.ayaw kong iwan si Victor.

Anak hindi mo matatakasan ng ama mo kahit saan ka pa magtago mahahanap ka niya. At kawawa kayo iha.

Pero mama hindi ko talaga kayang malayo sa kanya,kahit saan kami makarating basta kasama namin siya ng anak ko.

Sige iha pag isipan natin iyan.,sa ngayon magpalakas ka muna para makaipon ka ng lakasa para sa inyong plano.

Salamat mama,mabuti nalang at anjan kayo.

Walang problema anak basta kung saan ka masaya ipaglaban mo at huwag kang gumaya sa akin na duwag.

Iha,may tanong ako kilala mo ba ang magulang ni Victor?

Opo,mama, si tatay Ben po kasi namatay na ang kanyang ina sa panganganak sa kanya.

Ben ba kamo ang kanyang ama?

Opo,bakit mama kilala mo ang mga magulang Ni Victor.?

Akala ko anak pero sigurado ka ba na Ben ang tatay niya?

"Opo."

------

Vito,mahal na mahal kita,bakit mo bà ako ipamimigay kay Miguel? Ayaw ko sa kanya ikaw ang mahal ko.

Hindi mo ba ako mahal Vito?at bakit ka ba pumapayag na hingin ako saiyo,hindi ako laruan!

Patawad Liza,mahal na mahal kita pero mahal ko rin si Miguel at ayaw kong masaktan siya,kapatid na ang turingang namin at nangako ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para maging masaya siya at alam kong ikaw ang magpapasaya sa kanya.

Ayaw ko sa kanya ikaw ang gusto ko Vito.

Paalam Liza,mahal na mahal kita sana maging masaya ka.

Vitoooo....

Liza!Liza!gising binangungut ka!

Miguel ikaw pala..

Bakit ka umiiyak?

Wala ito huwag mo nalang akong pansinin.Sige matulog kana jan.

Vito,hanggang ngayon hini parin kita makakalimutan. Mahal na mahal parin kita sana bumalik kana.

------

Leny,ngayon pwedi ka ng bumiyahe sabi ng doktor at sa linggo na ang alis natin mga dalawang araw mula ngayon.

Pero papa, ayaw ko pong umalis paranAwa niyo na po.

Hindi pwedi at mamili ka ang umalis o papatayin ko ang hampas lupa na iyon?

Bast ayaw kong umalis papa itakwil niyo nalang ako.

Talagang matigas na ang ulo mo ha..

Huwag Miguel,parang awa mo na huwag mong saktan ang anak mo bagong panganak iyan!

Basta pumayag ka man o hindi aalis tayo.at hindi ka pweding lumabas ng kwarto mo.at duon ka lang kakain.

Bakit ka ba ganyan Miguel,kahit naman mahirap si Victor,ay mabait naman siya.

Kailan ka pa natutong mangatwiran Liza?

Kahit ikaw Liza hindi ka na rin pweding lumabas.At kung sino ang susuway sa akin mananagot!

mama,kailangang makaalis na agad kami ni Victor dito sa asyenda.

Sandali lang iha tatawagin ko si Jeraldine.

Leny,ano ang plano mo?

Jhe,kailangang makaalis agad kami ni Victor at ang baby namin dito.

Sige narinig ko kanina na aalis yong ibang bantay.

Sige,sabihan mo si Victor na sa kubo kami magkikita at kahit anong mangyari darating kami ni baby.

Sige,lalabas ako mamaya para puntahan siya.

Sige Jhe,mag iingat ka baka makahalata sila na may plano tayo.

-----

Dumating ang oras na kanilang pinakahihintay at handa na ang ilang gamit ng baby at ilang mahahalagang gamit ni Leny.

Pano anak kung saan ka man makakarating sana mag iingat kayo ha.

Sige bilisan mo na Jhe,napainom mo na ba sila ngpampatulog?

Ayos na po senyora.

Mabuti sige umalis na kayo.

At binaybay na nila ang kadiliman ng gabi at abot abot ang kanilang dasal na sana ay hindi sila mahuhuli,mabuti nalang at hindi nag iiyak ang bata at masarap ng tulog nito.

Narating nila ang kubo na walang aberya.

Kanina ka pa hindi naman sige umalis na kayo,bilisan niyo.

Salamat Jhe,mag iingat ka.

At nagyakapan ang magkaibigan at naghiwalay na.

Papalayo na si Jeraldine ng marinig niya ang sigaw ni Leny.

Sa Aking Pagbabalik  by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon