Laking gulat ni Jeraldine na umatungal ng iyak si Vito na nakatawa, maging sina Josie at Roxan na nakaupo sa sala habang nanunuod ng television ay nagulat din.
Maging sila Elena at Tatang Ruben nakapasok bigla kasama si Mang Gustin na dahil matanda na rin ay namali mali pa.
Habang ang dalawang dalagita ay halos maihi na sa kakatawa dahil sa ginawa ng ama.
"Ano ba an nangyari sa inyo Josie at Roxan?"
"Wala po ate si tatay kasi sumayaw ng tinikling dahil sa gulat.",at sinundan ulit ng tawa ni Roxan.
Maging si Vito na nag eemot ay natatawa dahil sa ginàwa ng matanda.
"Tatay? Ano nangyari sa inyo?"
"Kayo kasi ginulat niyo ako kaya ayon, nakapag tinikling tuloy ako."
"Matanda kana talaga Gusting.",ang sabi naman ni Aling Cory sa asawa na may paglalambing.
Natapos ang mga tawanan at naka inom na sila ng tubig ay seryoso silang nakaupo sa sala ng magtanong ang matanda.
"Ano ba ang saiyo Vito at sumigaw ka?"
"At bakit may tuyong ano ba yan dugo?"
"At isinalaysay ni Jeraldine ang mga pangyayari kung paano napasakanya ang naturang bag.
Dahil sa narinig nila ay nag iyakan sila, dahil maging sa mga magulang ng dalaga ay hindi siya nagkwento masyado, kumbaga pahapyaw lamang.
Pagkatapos marinig ang kwento ni Jeraldine ay si Vito naman ang hinarap nila.
"Jeraldine, pwedi niyo akong samahan sa Maynila bukas, isama mo na rin ang mga kapatid mo, bali tayong lima ang luluwas".
"Kayo po ang bahala tatay Vito, pero hindi po ba nakakahiya sainyo ni nanay Elena at kasama pa itong dalawang adik".
"Ate naman, kung maka adik kayo wagas!",angal ni Roxan.
"Oo nga po ate", sigunda ni Josie.
Sumabat si Cory ang ina. "Ano ba naman kayo hanggang dito ba naman magkukulitan kayo!"
"Pasensya na po nay, hindi na po uulit".
"Mabuti naman, hindi na kayo nahihiya.", ang panenermon ng ina sa malumanay na boses.
Kinaumagahan nga ay agad na naghanda ang magkakapatid para sumama sa Maynila at exited na sila t makikita na raw nila ang bantayog ni Rizal.
Habang nasa biyahe sila ay samo't saring emosyon ang naramdaman ni Vito, at mga katanungan na hindi niya alam kung paano masasagot. Pero sa ngayon ang nasa isip niya ay kung paano makaganti at bakit may pakiramdam siya na buhay ang anak niya.
Pagdating sa Maynila ay agad silang dumiritso sa bangko at inabot sa kahera ang susi.
Pagpasok ni Vito a loob ng mga vault ay agad nilang binuksan ng taga bangko ang isang vault, at umalis din kaagad ag taga bangko.
Bago buksan ni Vito ay huminga muna ito ng malalim, pagkatapos agad niyang binuksan ito at tumambad sa kanya ang ginto at pera.
Flashback______
"Vito may ibibigay ako saiyo basta huwag mo sabihin o ipapaalam kay Miguel na binigay ko sa iyo ito."
"Pero Liza, bakit mo kinuha iyan, e, baka malaman ni Miguel, naku sigurado papatayin tayo niya."
"Vito kahit hindi mo ito tatanggapin ay ipapatay ka parin nya, kasi narinig ko siyang may kausap na daw para itumba ka! Kaya tanggapin mo na ito at magpakalayo na kayong mag asawa."
"Teka nga muna, bakit mo nalama na dito ako nakatira?"
"Sinundan ko siya noong isang araw, kaya nalaman ko ang adris mo, at ang ganda niya pala at mukhang mabait ang asawa mo."
"Salamat at masaya ako sa kanya. Ikaw? Masaya ka ba?"
"Huwag mo ng itanong kasi alam mo naman ang sagot."
"Balik tayo a pinag uusapan natin, paano mo ito nakuha kay Miguel?"
"Ninakaw ko yan sa vault niya at itong pera naman ay para saiyo at sana maging maayos na rin ajg buhay mo."
"Salamat at sana mapatawad mo ako Liza at sana tuloyan mo na akong kakalinutan, at mag iingat".
"Hwag ako ang alalahanin mo kundi ang pamilya mo at kailangan makaalis na agad kayo sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon."
Nagyakapan ang dating magkasintahan at nagpaalaman na may ngiti sa labi.
"Mr. Santiago... Okay lang o ba kayo?"
"Ha?"
"Ang tanong ko okay lang po ba kayo?"
"Pasensiya na may naalala lang ako."
"Okay lang po, i withdraw niyo po ba lahat iyan?"
"Hindi gusto ko lang malaman kung ano ang mga kakailanganin upang makapag loan?"
"Pwedi po tayong mag usapsa opisina ko at maibigay namin saiyo ang aming mga patakaran."
"Tiningnan ng mga accountant namin ang iyong ginto at kasama ang pera niyo ay isang bilyon ito at tataas pa ng rate ng ginto."
"Ganon ho ba, di ano ang pwedi ko pang gawin?"
"Ano ba ang gagawin niyo sa pera niyo?"
"Wala ba kayong, alam na lupa na binibinta na pweding mag alaga ng mga hayop?"
"Iyon lang ba? Mayron po kaming lupa sa Masbate pwedi itong gawing asyenda at napakalawak ng lupain at may ilog ito na pweding pagkukunan para sa irigasyon."
"Sige iyon nalang."
Nagkasundo sila ng bangko at agad inayos ang mga papeles at agad itong napasakamay ng ni Vito, at lumabas sila ng bangko na isag mayaman.
"Elena, saan ba tayo pweding kumain gutom na ako ang tagal namin sa loob."
"Sa jollibee nalang tayo, at mamayang gabi na tayo kakain ng matino."
Nang marinig nila Roxan na kung saan sila kakain ay siniko ang kapatid.
At nag sikuhan ang dalawa, natigil lamang ang mga ito ng kurutin ni jJeraldine.
At habang kumakain sila ay kinausapniya ang mga ito at naipaalm niya ang lahat na kanyang plano at kung ano ang dapat nilang gawin pagkauwi ng Romblon at hindi Vito ang kanyang ginamit na pangalan kundi siya na si Don Joseph de Santiago.