"Bilisan mo ang pagtakbo Miguel mahuhuli na nila tayo...Bilisan mo huwag kang lilingon..."
"Huwag mo na akong hintayin umalis kana,iligtas mo ang iyong sarili,iwanan mo na lang ako,dahil hindi ko na kaya ang sakit na nang mga paa ko sa kakatakbo.."
Hindi kita iiwan,di ba magkapatid tayo,kaya kahit anong mangyari magkaramay tayo."
Hindi ko na talaga kaya Vito..at umiyak na si Miguel.
Hayon sila habulin niyo kailangang mahuli sila lagot tayo kay boss niyan.Bilisan niyo.ang sigaw nang pinuno nung humahabol sa kanila.
Umalis kana Vito,iwan mo nalang ako.
Hindi halika pasan ka sa likod ko bilis.
Bagamat pagod narin sa kakatakbo si Vito ay nagawa pa niyang mailayo ang kaibigan at nakatakas sila sa mga humahabol sa kanila.
Sa ilalim nang tulay..
"Maraming salamat Vito at hindi mo ako iniwan,utang ko nanaman ang buhay ko saiyo."
Huwag mong isipin iyon di ba at magkapatid na tayo at nangangako tayo na walang iwanan at kung sino man ang nasa panganib ay tutulongan ang isa't-isa para magtagumpay tayo.
Okay basta sinabi mo.ang tanging sagot ni Miguel.Kaninong bag yang hawak mo Miguel?
Ito ba,napulot ko kanina dun sa basurahan pero hindi ko pa nakita ang laman kasi hinabol agad tayo nila Iskong kirat.Patingin nga bakit ang bigat naman nito.
Nang mabuksan nila ito ay nanlaki ang kanilang mga mata.
Miguel ginto!!!
Vito mayaman na tayo..!!!
Pero hindi sa atin yan baka ang may ari niyan kailangan na kailangan niya yan.Ayan ka nanaman kontra ka kaagad.Basta ako mayaman na.
Pero Miguel masama yan dahil hindi naman sa atin iyan.
Sa atin na ito kasi tayo ang nakakita. Basta ayaw at sa gusto mo atin na ito.At wala nang nagawa pa si Vito,sapagkat kapag si Miguel ang nagdisesyon pinal na ito parehas silang sampung taong gulang lamang.
Magkaibang magkaiba ang ugali nilang magkakaibigan.
Si Vito,mabait,mapagbigay kahit sila namamasura lamang.
Samantalang si Miguel ay maramot, mayabang at may pagka maksarili.Bininta nila ang ginto sa isang sanglaan at ang g Napagbilhan ay hinati nila ito at naghanap sila nang mabiling bahay at tumira silang dalawa bilang magkapatid,sa mura nilang idad ay nag isip sila na magtayo nang tindahan at kinuha nila yong mga naging kaibigan nilang makalilimos at pinatira sa bahay nila kasama na ang pamilya ni Liza.
Si Liza ay sampung taong gulang din ito at ang ina n lamang ang kasama niya sa buhay,si aling Luisa.
Nanay Luisa duon nalang po kayo sa amin para kayo po ang magbabantay sa ipapatayo naming tindahan.
Sige kung iyan ang gusto niyo sawa narin ako sa kalye.
Matulin na lumipas ang panahon binata na sila Miguel at Vito..
Si Liza ay minahal niya si Vito at mahal din siya ng binata subalit nagparaya ito kasi nagtapat si Miguel na mahal nito ang dalaga.
Ano ba Vito,bakit mo ako ipamigay?ang sumisigaw n si Liza at umiiyak.
Mahal ko kita Liza at mahal ko rin si Miguel kaya handa akong magparaya sa kanya kahit na masakit..
Duwag ka Vito.!!
Hindi ako isang larua na pwedi niyong pagpasapasahan.! ang nanggagalaiting dalaga.patawad Liza pero nakapagdisesyon na ako.ang sabi ni Vito.
At idinaos ang kasal nila Liza at Miguel September 10 1975.
At pagkatapos nang kanilang pag iisang dibdib ay nagpaalam na si Vito na lalayo at kukunin na niya ang kanyang pera at binigay ito ni Miguel kasi ang huli ang humahawak nang pera nila nang makuha ni Vito ang pera niya ay nanglumo siya sapagkat ang binigay sa kanya ay limampung libong peso lamang.
Bakit ito lang hindi ba ang pinaghahatian natin ay dalawang milyon bali isa saiyo at isa din sa akin bakit ngayon ito lang nasan ang parte ko sa groserya,sa manokan natin?ang mahinahon ngunit may diin na tanong ni Vito sa kaibigan.
Naubos mo na ang parte mo noong nagkasakit ka sa baga,noong mamatay ang ina ni Liza ang sabi mo.ikaw ang gagasts kaya binawas ko lahat at yan lang ang natira pasalamat ka nga at may natira ka pa..ang may himig pang uuyam na sagot ni Miguel.
Hindi maaari ito Miguel naghirap din ako para palaguin ang ating negosto tapos ngayon..at hindi na napigilan ni Vito ang bugsonang damdamin at nasugid niya nang suntok si Miguel subalit nakahanda na ito at tinutukan nang baril ang kaibigan at nanlaki ang kanyang mga mata.
Kaya mo akong patayin Miguel?
Oo,kung kinakailangan para wala na akong kaagaw sa pera ko at kay Liza.Nagparaya na ako saiyo khit na masakit kasi mahal kita bilang kapatid kasi ag akala ko tunay kang kaibigan pero swapang ka Miguel!!
W
Swapang na kung swapang eh,ako naman ang nakapulot nung ginto at pasalamat ka at binigyan kita..Kaya pwedi ba umalis kana at iyan ang singkwenta mil mo.!sabay taboy sa taong kung ka ilang ulit iniligtas ang buhay niya.
Makakarma ka rin Miguel at ang lahat na ginawa mo sa akin ay babalik saiyo at kapag dumating ang araw na iyon,humanda ka sa akin isinusumpa ko!!
sabay talikod dala ang kanyang damit at ang kanyang pera.
Habang naglalakad si Vito ay sa isang iskenita upang makahanap nag matitirhan ay may bumangga sa kanya na isang lalaki.
Pasensya na totoy naghahanap ako nang matitirhan?
Matitirhan ba ka
mo?
May bakante duonsa amin,tamang tama dalawa lang kami ni ate dun.Ganun ba sige totoy samahan mo ako sainyo.
Nang makahanap na nang matitirhan ang binata ay nag isip sya kung pano niya palalaguin ang kanyang pera.
Ben,ano kaya ang magandang pagkakakitaan ngayon?
Malakas kuya kainan di ba malapit lang tayo sa pondohan.
Oo,nga ano sige sabihin mo sa ate mo na kailangan ko ang tulong niyo.Walang problema kuya at masarap si ate magluto.
Pansin ko nga din,ano kaya kung pakasalan ko ang ate mo,papayag kaya siya?
Nako kuya tagal nang may gusto saiyo yon.
Yon nga ang nangyari nagpakasal sila Vito at Emely.
Naging maganda ang takbo nang buhay nila napalakihan ang kanilang munting kubo at naging maayos ang lahat.
Dalawang taon bago sila biniyayaan ng anak.
Masayang masaya si Vito at naging mabuti ang kapalaran sa kanya kahit kung minsan naiisip niya si Miguel ang panloloko nito sa kanya,kaya pala niloko sya nito kasi naubos sa sugal ang parte nito kaya ang sa kanya ang kinuha nito at pagbabayarin niya ito.
Nagulantang sila sa kalaliman nang gabi nang may sumigaw ng sunog at at ingay nang mga bombero.
Sunog!Sunog! mga kapitbahay!
ang sigaw nang ilan ang iba ay humihingi nang tulong dahil na trap ito sa loob nang bahay.At hindi nakaligtas sa sunog maging sila Vito halos lahat nang mga naipundar nila ay naabo,malaban lamang sa isang maliit na bag na nabitbit ni Emely.Ben nasaan ang kuya mo!!
ate wala na si kuya na trap siya nung balikan niya ang ibang gamit natin.
At nag iyakan silang magkakapatid.Pano na tayo nito Ben,wala ang kuya mo at malapit narin akong manganak.ang naghihinagpis na si Emely.
Huwag kang mag alala ate uuwi na lang tayong masbate duon nalang tayo magsimula ulit.Habang inaalo ang kanyang kapatid.