Chapter 20

2.7K 67 0
                                    

"Matiwasay na naka alis ang pamilya nila Jeraldine kasama si mang Vito. At habang nasa byahe ila papauntang isla ay napagtanto ni mang Vito na napakalapit lang pala niya sa kanyang anak."

"Kung alam ko lang na isla lang pala ang pagitan natin anak sana naka alala na agad ako para naipagtanggol ko siya sa hayop na Miguel."

"At parang ulan na bumuhos ang lahat ng alala nila ni Miguel, kung paano niya ito ipagtanggol, inalagaan at minahal bilang tunay na kapatid pero ano ang iginanti nito sa kanya!"

"Hindi lang inaagaw ang babaeng mahal niya, ang pera niya ang buhay niya tinangka pang kitlin, at ngayon nalaman niya na pati buhay ng anak niya ay inutang pa nito."

'Maghintay ka lang Miguel, sa ngayon magpakasasa ka sa kayamanang hindi naman saiyo, at sa oras ng 'AKING PAGBABALIK', humanda ka at hindi kita pagbibigyan pang muli!'.

-------------

"Samantala sa Hacienda Crisologo naman ay umabot ang balita tungkol sa isa na namang pag masaker"At nababahala na ang mga trabahador, lalo pa at padami ng padami ang mga private armies ni Don Miguel."

"Kaya iyong ibang magsasaka sa asyenda, ay nagsi-alisan na. At hindi man lamang naaawa ang panginoon sa lupaing iyon, kahit iyong matagal ng nagtatrabaho ay wala man lamang nakuhang benipesyo."

"Sa sobrang ganid ng Don."

"Ang Hacienda Crisologo ay biktima ng mga mapagsamantala, ang iba nalang hayop ay ninakaw, may bodega pa silang sinunog buti na lang at naaagapan ito."

"Don Rafael, may naghahanap po sa inyo nasa library na po siya."

"Sige, pupunta na ako at magdala ka ng kape".

"Oho".

"Magandang umaga Don Rafael."

"Magandang umaga naman saiyo, ano na ang nangyari sa paghahanap mo sa kaibigan ko?"

"Yan nga ang sadya ko sa inyo, kasi pinuntahan ko yong lugar na tinintirhan nila dati, at napag-alaman ko na inunog pala sila."

"Anong sinunog ang ibig mong sabihin?", sumagot ka!"

"Huminahon kayo Don Rafael, isipin niyo ang kalagayan niyo."

"Alam mo naman Simeon na kaya ko pinahahanap sila upang maibalik ko kay Vito ang kanyang pag-aari, at para makapagpahinga na ako".

"Napag-alaman ko Don Rafael na andito lang pala sila sa Masbate at ang pangalan ay Ben, dahil si Emily ang asawa ni Vito ay patay na pagkapanganak nito, at dahil nag-iisa nalang si Ben na palalakihin ang pamangkin ay umuwi sila dito sa Masbate."

"Alan mo ba kung saan dito sa Masbate sila?"

"Barangay Cavallero, na sakop ng asyenda Moriento at napag alaman ko na nagtatrabaho ito doon bilang kanang kamay ni doktor Cruz."

"At ayon pa sa nakalap kong ibedinsya ay pinapatay siya ng Don Miguel dahil ito pala ang ama ng anak ng bunso niya, at dahil hindi niya ito matanggp na isang mahirap ang mapapangasawa ng anak ay pinapapatay niya ito ng magtangkang tumakas ng gabing iyon."

"Maraming idinamay, ang kaibigan nito pinatay at maging si Ben ay pinatay din."

"Dahil sa narinig ay nagsikip ng dibdib ng matanda, mabuti nalang at nakainom agad ito ng gamot."

"Mula kasi ng mamatay ang buo niyang pamilya at siya nalang ang naiwan ay sobrang
nalungkot, at mula noon wala na siyang ibang ginawa kundi ang hanapin ang kaibigan at hindi nga siya nagkamali nahanap niya ito, mabuti nalang at hindi naman ganun ka grabe ang tinamo nitong pinsala sa binti, at ang sabi ng doktor ay theraphy lang at pwedi na siyang makalakad."

"Don Rafael.., Don Rafael..."

"Kayo pala dok, kumusta na ang pasyente?"

"Maayos na siya at mabuti nalang at naagapan ka agad ang mga tissues sa binti niya ay buhay pa, kung medyo natagalan pa baka hindi na siya makalakad habang buhay."

"At ang ikinagulat ko ang sabi niyo ay mahigit isang taon siyang nalumpo, pero bakit ganun ang binti niya parang hindi naman masyadong napinsala."

"Ayon sa napag alaman ko ay pinilit niyang inilalakad ito, at kahit hirap ay tiniis ang sakit."

"Wala talagang imposible sa taong determinado."

"Ganun na lang talaga dok.", so kailan na siya pweding bumiyahe papuntang America at doon ipagpatuloy ang pag gagamot sa kanya?"

"Pwedi na kahit bukas at naayos na ang kanyang clearance."

"Mabuti naman dok at ng gumaling na siya."

"Maiwan ko na kayo Don Rafael at huwag kayong mag alala wala ibang makakaalam sa usapang ito, at sana gumaling na siya."

"Nakaalis na sina Don Rafael Crisologo, upang ipagamot ang kanyang pasyente at binilinana niya ang kanyang mga tauhan na kapag may naghanap ay sabihing nagbabakasyon lang siya."

Sa Aking Pagbabalik  by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon