Chapter 15

2.8K 67 1
                                    

Lumipas ang ilang araw ay habang naghahanda para sa nalalapit ang kaarawan ng anak n Leny ay wala naman siyang ibang nasa isip na sana buhay si Victor para makasam naman nila ito, kulang isang taon na rin ang lumipas mula ng mamatay ang binat ay pakramdam iya ay kahapon lang ito naganap at malaki ang kanyag pagsisisi kung sana sumama na lang siya sa America,para kahit magkalayo kami ay alam kong buhay pa siya.

Leny...!Leny...!

O,Jeraldine ikaw pala,bakit?

Anong bakit? Diba kaarawan ni VictorIII bakit andito ka?

Naalala mo nanaman siya?
Huwag kang mag alala masaya na siya kung saan man siya ngayon.

Hindi ko mapigilang hindi siya iisipin kasi habang lumalaki si Thirdy ay nagiging kamukha niya ito.

Sige pabayaan mo na sige halika na kanina ka pa hinahanap ng anak mo.

Happy birthday anak.

Leny,gusto ko sa America na kayo manirahan ni ng apo at sana huwag mo na akong suwayin pa para wala ng problema..nagkaintindihan na ba tayo?

Opo papa!

At inaayos na lahat ng papeles nila Leny at isang linggo lang ay nakaalis agad sila pero sila lumipad papuntang America ay pumunta muna siyang kubo at doon niya inalala ang lahat ng masasayang alala nila ni Victor.

'Loves,kung nasaan ka man ngayon sana masaya at huwag mo kaming alalahanin kasi aalagaan kong mabuti ang ating anak,at huwag ka din mag alala kasi lagi kitang iko kwento sa kanya na gaano ka kabait,na mahal na mahal mo kami at napakagwapo mo.'

'Siya ng pala sa loob halos ng isang taon hindi hindi kita nakakalimutan, dahil ayaw kitang limutin.'

'Kaw lang ang mamahalin ko, habang buhay kayo ng anak natin.'

'Lilisanin man namin ang lugar na ito,dala dala ko naman ang masasyang ala-ala dito sa puso ko,
mahal na mahal kita..at hintayin mo ako kung saan kaman ngayon.'

At linisan ni Leny ang kubo n magaan ang dibdib.

Saan ka ba nanggaling Leny kanina ka pa hinahanap ni don Miguel?

Sa kubo Jhe,at nagpaalam lang ako sa kanya..

Bakit mo ako niyakap,bakit aalis na ba kayo e,sa lunes paang flight ninyo?

Gusto ko lang magpasalamat saiyo Jhe kasi lagi kang nandiyan para sa amin ng baby ko at hindi mo ako sinisi sa nangyari kina Loloy at Victor.

Leny,kahit naman magwala ako wala naman akong magagawa dahil nangyari na ang hindi dapat mangyari.

At ang Diyos na ang bahalang maningil sa mga nagkasala.

Tama ka Jhe,kahit ama ko pa siya hinding hindi ko siya mapapatawad.

Sige tama na iyan at kanina pa iyak nang iyak si Thirdy.

Sige salamat talaga at hindi ka nagsasawang makinig sa mga hinaing ko sa buhay.

Wala iyon ikaw pa.

At nag yakapan ang mag kaibigan.

Araw nang alis nila Leny ay handang handa na ang lahat ay nakaramdam siya ng lungkot na hindi niya maipaliwanag para bang may pumipigil sa kanya na umalis,pero binaliwala na lamang niya ito.

Nakahanda na ba kayo sa inyong biyahe anak?

Opo mama,at pati si Thirdy napansin ko tahimik ni hindi nga umiyak kahit basa na ang diaper niya at kapag gutom iingit lang saglit tapos wala na pakiramdam ko nalulungkot din siya.

Ano ba kayo! ang bagal niyo kumilos! Baka mahuli tayo sa eroplano!

Andiyan na po kami..

Sige Jhe mag iingat kayo dito ha at tawagan mo ako kung may problema ka.

Walang problema Leny tatawagan kita kapag napikot ko na si doktor Cruz.

At nagtawana ang magkaibigan maging si donya Liza.

Hinatid nalang ng tanaw n Jhe ang papalayong kaibigan.

Sana makalimot kana Leny at sana maging masaya ka rin at kung nasan ka man Victor maging tahimik kana sana.

-----

Flashback...

Diyos ano ang gagawin nila kay Victor bakit pinasok ang npmga binti niya sa timba at may bato ba na isnabit sa leeg niya,ano ang gagawin ko at umuolan pa.

Victor patawad wala akong magagawa para iligtas ka. Diyos ko ihuhulog nila sa dagat si Victor,napakawalang puso mo don Miguel,magbabayad ka rin.

Kung makakamatay lang ang titig kay kanina pa bumulagta ng don.

At nag tawanan pa ang mga tauhan ng don maging ito man sige puntahan niyo ang ama niyan at tapusin niyo na rin dahil ayaw ko sa lahat ay oportunista!

ng marinig makita ni Jho na nailubog na sa dagat si Victor ay umiyak ng umiyak ito at kahit gusto na niyang sumigaw ay wala siyang magagawa kundi ang pigilan iti baka siya ang isunod ng don.

At nang marinig niya na pupontahan ng mga tauhan si mang Ben ay agad siyang tumakbo sa bahay nila mang Ben,mabuti nalang at kabisado niya ang lugar at naunahan niya ng dating ang don.

Mang Ben,!mang Ben!

Jhe,bakit ganyan ang hitsura mo at madaling araw na.

Mang ben mamaya na ang tanong bilis labas na at kailangang makapagtago kayo baka maabutan kayo ng don at ipapatay kayo bilisan niyo na.

Sandali may kukunin lang ako sa loob ng bahay.

Wala ng oras mang Ben at parating na sila.

Saglit lang ako hindi pweding iiwan ko iyon.

Sige po bilisan niyo lang.

Pumasok angmatanda at maya maya lang ay lumabas ito may bitbit na bag.

Papalapit na ito sa kanyang pinagkublihan ng magsidatingan ang mga tauhan ng don at nahuli si mang Ben at tinadtad ito ng bala at ng makita ng mga tauhan ng don na patay na ng matanda ay agad nilang nilisan ang lugar.

at halos hindina si Jhe makagalaw sa sobrang kahindik hindik na mga pangyayari na kanyang nasaksihan sa loob lamang ng ilang oras at halos mababaliw na siya.

At naaawa siya sa mag ama talagang sabay silang pinatay.

Aalis na sana si Jhe ng makita niyang gumalaw ang kamay ni mang Ben.
Agad niya itong nilapitan.

Mang Ben,dadalhin ko po kayo ng ospital.

Hindi na ito,itago mo ito at kahit anong mangyari huwag mo layo sayo babalik Victor bigay mo.

At nalagutan na ito ng hininga.

Si Jhe kahit tuliro ay agad ding umalis sa lugar na iyon bitbit ang bag na bigay ni mang Ben.

Jhe.!Jhe!

O,ikaw pala Mayette..may kailangan ka?

Wala naman nakita kasi kitang tulala kanina pa.

Huwag mo na lang akong pansinin sige aalis muna ako dadàlaw lang ako sa amin.

Sige ingat ka Jhe.

-----

Tatang!Tatang!

Gising na po siya!

Sa Aking Pagbabalik  by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon