Nagpatuloy ang kasiyahan, kahit ang karamihan ay nagulat sa kanilang nasaksihan subalit nanaig parin ang kagalakan sa kanilang mga puso.
Kaibahan sa nararamdman ni Don Miguel, pagkat ito ay nagpupuyos sa galit, kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa bumulagta ang mag ama.
"Don Joseph dito po kayo sa table namin para magkakwentuhan tayo ng mabuti at ikaw Jhe, marami pa tayong pag uusapan."
"Ako din Jhe, may pag uusapan din tayo."
"Aba ako pala ang wanted hindi kayo?"
"Naman!" ang sabay na sagot ng magkasntahan.
Si Liza ay kanina pa rin nakatitig at nakabantay sa bawat galaw ni Don Joseph, dahil alam nya sa puso niya kilala ito ng kanyang puso, sapagkat kay Vito lamang niy naramdaman ang ganung pagtibok ng puso.
Habang si Don Joseph naman ay pasimpling tinitingnan si Liza at malaki ang pinagbago nito nawawla ang dati ay masigla nitong mata na laging nakangiti.
Samantalang ngayon napaka lungkot nito ngayon.
"Hindi mo parin siya nakakalimutan, kung gusto mo kakausapin ko siya para saiyo?" ang agaw pansin ni Elena sa asawa.
"Huwag na at isa pa may tamang panahon diyan at alam ko naman na nakalimutan ko na sya, bakit hindi mo ramdam kung gaano kita kamahal?" ang sagot niya sa asawa niya na may paglalambing dahil nahawa ata sa magkasintahan.
"Sigurado ka ha?"
"Oo naman."
"Kumpadre bakit ayaw makisalo dito ni Don Miguel sa table natin diba anak nya si Leny?"
"Iwan ko ba kumpadre."
"Leny iha, pwedi na ba tayong umuwi?"
"Hindi ako sasama sa pag uwi niyo ni papa."
"Sige, sasabihin ko sa kanya, basta anak, masaya ako para saiyo at kay Victor, lalo na sa anak niyo."
"Maraming salamat po." at nagkayapan ang mag ina.
"Liza! Ano ba kanina pa ako napanis sa kakahintay sainyo! Nasaan na sila Leny at ang bata?"
"Hindi sila sasama pauwi, susunod lang daw sila baka bukas."
"Hindi pwedi mamanhikan bukas sila Sherwin, kaya hindi maaaring maiiwan siya dito!" at agad na pinagulong ang.wheelchair papunta kina Leny.
"Hindi ka paba tatayo riyan Leny at gusto mo pang mag iskandalo ako!"
"Papa, kahit ano ang gawin ninyo hinding hindi ako sasama sainyo pauwi at pa sa pagkakataong ito susuwayin ko na kayo."
"Sige na kumpadre pabayaan mo na sila na magkasamang masaya."
At hindi rin nakatiis si Victor at sumabat din ito.
"Don Miguel, kahit ano pang gawin niyong pagpipigil sa amin hindi ka magtatagumpay, kahit patayin mo pa ulit ako." mahina na pagkabigkas ni Victor nguit dinig ito ng don at ramdam niya ang poot sa bawat bigkas ng salita.
At nakaramdam ng takot ang matanda.
"Sige, sa ngayon pabayaan kita Leny, pero tandaan mo hindi pa tayo tapos at ikaw hampas-lupa, kahit anong gawin mo busabos ka parin!" sabay talikod ng don.
Ngunit binaliwala n lamang nila ito, maliban kay Don Joseph na gusto na sanang sumabat kso pinigilan ito ni Elena at Jeraldine.
At natapos ang party na ang lahat ay masayang nagsipag uwian.
Sila naman Don Joseph at mga kasama ay nagsipag uwian narin at nangako sila Leny na papasyal dun sa kanila at nagpaalaman na sila.
Samantalang sila Leny at Victor ay pumasok na rin sa kwarto upang makapagpahinga, buti pa si Thirdy at ang sarap ng tulog sa bisig ng ama.
Knaumagahan ay naging panauhin ng mga Crisologo ang meyor, kasama ang mga magulang ni Leny.
"Anong kailangan niyo at ang aga naman." ang tanong ni Don Rafael.
"Andito kami upang sunduin si Leny at ang apo ko."
"Hindi ako sasama sa inyo dahil kasal na kami kaninang madaling araw ni Victor, kaya wala na kaying magagawa pa at pwedi ba Sherwin tigilan mo na ako."
"Hindi maaari Leny, dahil akin ka lang, at walang sinumang mag mamay ari saiyo maliban sa akin!" at umalis ito na nag iwan ng banta."At ikaw Rafael, hindi ko akalain na lulukohin mo ako!"
"Ikaw ang niloko ko Miguel? Baka nakalimutan mo kung sino tayo nuon, at kung pwedi lang tigilan mo na ang pangingialam sa buhay ng anak mo!"
"At akala mo nakalimutan ko ang ginawa mong pagtangkang pagpatay sa anak ko."
"Sino ba iyan na kung ipagtanggol mo ay daig mo pa an tunay na ama!"
"Gusto mong malaman sigurado ka?Baka magsisi ka lang."
"Sino ba kasi iyang gagong iyan na sumira sa buhay ng anak ko!"
"Siya lang naman ang anak ni Vito na kaibigan mong matalik na niloko mo! Inagawan mo ng kasintahan! Pinapapatay mo!"
"Ano masaya kana? Hindi ka pa nakuntento pati anak pinapatay mo rin! Ang sama mo talaga Miguel, nabulag ka sa salapi mo!"
Nagulat ang lahat ng biglang sinugod ni Don Joseph si Don Miguel at sinuntok ng sinuntok ito.