"Umalis si Vito sa Romblon, na dala ang pag-asang makikita pa niya ang kanyang pamilya."
"Pagdating ng Maynila ay agad na pinuntahan ang dating lugar, na dating tinirhan, kahit na nanibago siya sa lugar ay tinalunton parin niya ang lugar nila."
"Nagtataka siya kung bakit, binibundol ng kaba ang kanyang dibdib."
'Diyos ko, ano po ang ibig sabihan ng kaba ko?', ang tanong ni Vito sa isip.
"Pagkababa niya sa kuliglig na sinakyan, ay nagtaka siya kasi ang dating lugar na tahimik ay naging napakaingay na eskwater na."
"Agad siyang dumirecho sa dating kinatirikan ng bahay nila, at doon niya nalaman na ibang bahay na ang nakatirik nito at lumapit siya upang magtanong."
"Magandang tanghali ho sainyo manang".
"Magandang tanghali naman, ano ang kailangan niyo?"
"Puwedi ho bang magtanong sa inyo?
"Ano ba iyon mama?"
"Nasaan na po ba iyong, dating nakatira sa parting iyan?"
"Ah, sìla Emily na namatayan ng asawa dalawamput-pitong taon na ang nakaraan?"
"Opo, nasaan na kaya sila ngayon?""Sa pagkakaalam ko,matapos mamatay ang asawa niya ay umuwi sila sa kanilang probensiya."
"Ganon ho ba, may nakakaalam kaya kung saan ang lugar nila?"
"Sandali lang mama ha, at tatanungin ko yong kaibigan ni Ben."
"Ano ho, may alam ba siya kung saan ko sila matatagpuan?"
"Sabi sa Masbate raw pero hindi alam kung ano talaga ang eksaktong adris."
"Sige ho, salamat sa oras ito ho ang bayad sa soft drink at tinapay".
"Wala iyon amang, teka lang kaanu-ano mo sila?"
"Kaibigan ko ho si Vito".
"Siya, sige ho mauna na ho ako".
"Habang naglalakad si Vito, ay hindi niya namalayan na may mababangga siya".
"Pasensiya na pare na at nabunggo ko kayo". hinging paumanhin dito.
"Ok lang pare," at nagkagulatan sila ng magtagpo ang kanilang mata.
"Pareng Vito ikaw ba iyan? Hindi ba patay kana?"
"Teka lang buhay ka ba o multo? Pero, tanghaling tapat."
"Pareng Berto, ako nga talaga ito at buhay na buhay."
"Halika ka muna sa bahay at ng magka kwentuhantayo at may sasabihin akong mahahalagang bagay saiyo na makakalutas a pagkasunog ng bahay ninyo."
"Sige pareng Berto at may itatanong talaga ako saiyo,papunta na rin sana ako."
"Kung gano naman pala, e, di tayo na."
"Tuloy ka pare, at pasensiya na wala talagang pagbabago ang buhay,"
"Kape pare, at ng masarap ang kwentuhan, natin at habang naghahanda si misis ng hapunan at dito kana matulog."
"Sige at wala din naman akong mapupuntahan."
"Pareng Vito, noong bago masunog itong lugar natin at ang pinaka napinsala ay ang bahay ninyi mismo."
"May nagtatanong saiyo kung ano ang hanap-buhay mo, at marami pa silang tanong".
"Ilan ba ang nagtatanong sa akin?"
"Ang tawag sa kanya ay don Miguel, iyon ang pangalan kasi di ko talaga makakalimutan iyon kasi binatukan ako ng tauhan niya."