Chapter 9

2.8K 69 0
                                    

Nagulat si Leny pagkagising niya dahil sa ingay sa labas at may nag iiyakan at sigawan.

Agad siyang nagbihis at bumaba siya at habang pababa siya ng mansion at lalo siyang nagtataka kung pati ang ina ni Bernard ay umiiyak at maging si aling Azon.

Leny, wala na si Bernard..ang bumanghalit na nang iyak si aling Azon.

Bakit po ano po bang nangyari?

Pinatay siya ni Lanie,at saka siya nagpakamatay.

Bakit anong dahilan.

Ayon sa sulat ni Lanie,hindi na niya kaya ang pambababoy nito sa kanya.

Dahil nung bagong,dating siya dito disi sais anyos pa lamang siya ng pagsamantalahan siya nito at tinakot na papatayin kapag magumbong,kaya nanahimik na lang siya at paulit ulit siyang ginahasa hanggang hindi na niya nakaya,kaya ayon tinapos n niya ang pambababoy sa kanya at pati ang buhay niya ay winakasan na rin.

Sayang na bata napakabait pa naman ni Lanie.

Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

-----

Dumating ang kanyang mga magulang para makiramay.

Pagkakita pa lang sa ina ay agad siyang yumakap dito at umiyak sa dibdib.

Mama,takot na takot ako sa kanya ang bulong niya sa ina.

Tahan na anak wala na siya at huwag ka ng mag alala,sasama kana sa aming pag uwi,sige tahan na.

Kumpadre ikinalolongkot ko at hindi matutuloy ang pagiging magbalae natin.

Huwag mong alalahanin iyon,magkaibigan parin naman tayo di ba.

Oo,naman ikaw pa e,halos sabay na tayong lumalaki sa lansangan.

Utang na loob pare huwag mo nang banggitin ang pangalan nung gagao nating kaibigan,isinusumpa ko siya.

Wala naman aking sinasabi Miguel.

Wala nga peri sasabihin mo na kung nandito din sana si Vito..sana mas alam na niya kung paano a pasayahin!

Ano ba ang pinagsasabi mo jan!kahit kailan Miguel,pagdating kay Vito makasarili ka parin ay hindi nga natin alam kung nasaan na siya ngayon.

Ni hindi niya man lang napakinabangan ang kanyang parte sa kayamanan ko.!

Huwag mong sabihin a ibibigay mo kanya iyon. Rafael iniwan niya tayo at ninakawan niya ako tapos papartehan mo pa siya.

wala akong pakialam sa away niyo Miguel at kahit kailan hindi nakakalimutan na ikaw ang tumulong sa akin,at kahit ganun kay Vito paring pera ang nagamit ko sa pagpapalago ng akig kabuhayan.

Wala na akong sinabi Rafael basata ako ang tumulong saiyo para umangat ka..at sana huwag mo iyang kalilimutan!

Papa..ano ba ang pinag aawayan niyo,bakit ang lakas lakas ng boses niyo ring hanggang labas.

Wala ito Alexander.
Sige,Rafael lalabas na tayo,kalimutan na natin ang pagtatalong ito. At tinapik na niya sa balikat ang kaibigan.

"Wala na akong ibang kaibigan Rafael kaya wala akong sama ng loob sayo."

"Ako man din Miguelkung andito lang sana siya ngayon".

"Sige halika na,labasin mo na ang mg nakiramay saiyo at nang maihatid n rin natin siya sa kanyang huling hantungan."

------

Nailibing na ang binata at si Lanie,at hindi na nila pinag uusapan kung paano naganap ang trahedya, at ang sinabi nalang nila ay sila talaga ang nagmamahalan.

Natapos na ang lahat at umuwi na rin sila Leny.

Iha sana pupunta ka parin dito ha,at huwag kang mag alala,hindi nabago ang naramdaman namin saiyo napakabait mo kahit alam namin na hindi mo gusto si Bernard,at salamat at hindi mo kami binabastos.

Wala pong anuman iyon tita mabait din naman si Bernard.

Sige iha at malayo pa ang sa inyo.

Sige po salamat paalam po.

-------

Anak, okay ka lang ba?huwag kang malungkot at ipakilala kita sa anak na binata ng iba kong kaibigan.

Papa!hindi po ako nalulungkot dahil hindi natuloy ang kasal namin ni Bernard.!at wala akong plano na kayo na naman ang masusunod sa buhay
ko.

Matanda na ako may sariling buhay,sariling pag iisip.at napagbigyan ko na kayo kaya wala kayong karapatan na diktahan ako.

Lapastangan!!!kailan ka pa natutong sumagot sa akin ha!

At hindi ibig sabihin na hindi natuloy ang kasal ninyo ay pwedi ka ng masusunod.

At siya nga pala pupunta tayo sa party nila Don Facondo Abaday yong may ari ng Hacienda Abaday at may binata siya na naghahanap ng mapapangasawa.

Papa!kahit kakaladkarin niyo ako

Nagulat na lamang siya ng tumama sa pisngi niya ang palad ng ama at balandra siya sa sahig at tumama ang kanyang balakang sa gilid ng sofa.

Miguel ano ba ang ginagawa mo babaeiyang anak mo!

At bakit ba pinakikialaman mo ang buhay niya at sumosobra kana!

Kaya lumalakas ang loob iyan kasi kinakampihan mo!bagay nga kayong mag ina..mga suwail!at umalis na ang matanda.

Mama bakit ganun si papa,kulang nalang ipamimigay niya ako..

Anak wala akong magagawa alam mo naman na kahit nung maliliit pa kayo ay siya na ang nagmamanipula ng ating buhay..at wala akong lakas na labanan siya.

"Kung alam mo lang anak ang totoo."

"Ano ang ibig sabihin mama".?

Wala anak huwag mo nalang akong pansinin,sige magpahinga ka na sa kwarto mo at siguradong isasama ka talaga mamaya.

Sige mama,tumayo si Leny mula sa pagkabagsa niy kanina buhat sa pagkasampal sa kanya ng ama.

At napasigaw niya ng makita niya ang maraming dugo na lumabas sa kanya.

Mamaaa.....

Sa Aking Pagbabalik  by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon