"Pagkagising ni Leny ay nagulat siya dahil puro puti ang kanyang nakikita,at nang maamoy niya ang gamot ay saka niya napagtanto na nasa isang hospital siya."
"Anak salamat at gising ka na,ano ang gusto mong kainin,magsabi ka lang ha."
"Mama,ano ang nangyari sa akin bakit andito ako"?
"Anak sa susunod mag iingat ka ha at baka kung ano pa ang mangyayari sa apo ko."
"Nanlaki ang kanyng mata ng malaman na buntis siya pano nangyari yon e,isang beses lang may nangyari sa kanila ni Victor."
"Huwag kang mag alala anak at alam n ng iying ama at hindi siya galit at ang pamilya ni Bernard ay alam na ang iyong kalagayan at masaya sila at may kapalit pala si Bernard."
"Gusto niya sanang itama ang sapantaha ng ina pero bigkang bumukas ang pinto at iniluwa ang mama ni Bernard at ama,na may dalang iba't-ibang klasing prutas at pagkita palang niya sa mangga ay agad siyang himiling ipagbalat siya."
Kumusta ka na iha,alam mo ba na nang malaman namin nabuntis ka ay biglang nawala ang pangungulila namin kay Bernard kasi kahit wala na siya ay may iniwan siyang alala..
At napakasay namin,kasi hindi talaga kami binigo nang batang yon.at sana gawin siyang Junior ni Bernard.
Dahil sa narinig ay biglang nag init ang tainga niya.
"Wala po ang kahit na sino ang pweding makialam sa anak ko!"
Sabay balibag ng mangga na kanyang kinakain at sabay talukbong ng kumot.
"Pagpasensyahan na ninyo mare naglilihi kasi..at di ba ganyan din tayo ung naglilihi tayo."
Ang mahabang paliwanag ng ina ni Leny.
Naku! Sinabi mo pa mare,alam mo ba na tuwing naglilihi ako,naku! ayaw ko na pinag uusapan ako at ang baby sa tiyan ko nagseselos ako at baka kukunin nila,kaya nga si Raffy,nangungunsumi sa akin,pano ba namin pati siya ayaw kung pahawakan yong tiyan ko.
Talaga mare...di ang tahimik niyo sa bahay niyo nuon?
Sinabi mo pa kaya huwag kang mag alala naintindihan ko si Leny.
Salamat mare ha sa iyo rin pareng Rafael,si Miguel nga atat na atat n makita ang apo.
Talagang ganun diba nga may kasabihan na mas mahal ang apo kay sa anak.
"Tama ka pare."
At nagtawanan sila.
"Habang si Leny na nakikinig pala sa kwentuhan ay nakukunsensiya kasi alam niya na hindi si Bernard ang ama kundi si Victor."
"Bahala saka ko na iisipin yon basta ang mahalaga hindi na ako ihahanap ng ipapaasawa sa akin."
Oras ng punta ng doktor sa kanya.
"Hello po...kumusta ang pasyente namin"?
"Hello dok. mabuti naman po."
"Mabuti naman alam mo mrs. na napakatapang ng babay mo kasi,kung ibang baby yon na five weeks old lang at ganun kadaming dugo ang nawaoa saiyo malamang nalaglag nasi baby.
Talagang napakatapang niya at malamang nagmana siya sa kanyang ama matapang.
Ngumiti na lamang siya sa doktor niya.
Nang siya nalang mag isa sa kwarto niya ay nalulungkot siya sapagkat naalala niya si Victor,kung hindi lang sana mahirap si Victor sana may kasalo siya sa saya ng kanyang naramdaman ngayon.
"Baby,don't worry hindi kita pababayaan at mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko."
--------
Bespren!Bespren!
Ano ka ba Jeraldine kung makasigaw ka daig mo ang hinahabol ng demonyo.
Hala sige asarin mo pa ako at nang hindi ko sasabihin sayo ang magandang balita na tiyak ay iyong gigiliwan.
Heh!sabihin mo na kasi ano yon?
Alm mo ba na hindi matutuloy ang kasal ni Leny?
Saan mo naman yan nalaman aber,e,kulang na nga lang magpiyesta ang mga Crisologo nung isang linggo.
Ang hina mo talaga,alam mo ba na pinatay si Bernard ng kanyang kasintahan na katulong nila at saka ito ng nagpakamatay?
Ano? Kumusta na siya ngayon,ano ang balita sa kanya?
Yan kasi ayaw mo lumabas dito sa kuwadra kaya wala kang nasasagap na na balita.
Anong hindi lumalabas e,umuowi ako sa amin.
Sige mamilosopo ka pa at nag hindi ko sasabihin saiyo ang magandang balita.
Ano ba kasi iyon ang dami pa kasing seremonyas.
Alam mo ba na buntis si Leny at alam kong ikaw ang ama.!dahil nakita ko kayo na pumasok sa kubo duon sa manggahan,huwag kang magkaila at sinundan ko pa kayo pauwi.
Totoo ba ang sinasabi mong buntis siya?ha?
"Ano akala mo sa akin nag imbento ng kwento?"
"Bakit hindi ba?"
"pero may problema bespren."
"Ano naman ang problema?"
"Ang pagkakaalam nila si Bernard ang ama."
'Ano??hindi maaari ito kailangang malaman nila na ako ang ama.'
"At para ano? Para pumayag sila na pakasalan mo si Leny?"
"Nagpapatawa kaba Victor,baka nga ipapatay kapa nga e!"
"Jhe,tulongan mo akong makausap si Leny.
Nakikiusap ako saiyo.""Sige huwag kang mag alala pag uwi nila galing hospital,tutal ako ang naka toka na mag aalaga s kanya."
"Salamat talaga Jhe ha.."
"Huwg mong intindihin iyon basta sa iyong ikaliligaya handa akong tumulong."
"Sige bespren mauna na ako at baka dumating na sila ngayon kasi ang uwi nila."
"Pwedi ba akong sumama,kahit sa malayo basta makita ko lang siya."
Sige tara na.
"Kung hindi lang kita bespren hinding hindi kita tutulongan dahil nasasaktan ako pero wala akong magagawa siya ang mahal mo."
Ang bulong ng dalaga sa sarili.
May sinasabi ka Jhe?
"Wala ah!"
Bilisan mo na baka dumating na siya.
Ito na nga diba...!
Sige dito ka lang sa labas at papasok na ako sa mansion at baka hinahanap na ako ni Nana Lumeng.
Maya maya lang ay may dumating na mga sasakyan,bumukas ang gate na bakal at bumaba ang mga sakay nito.
Habang ina antay niyang bumaba si Leny ay hindi niya maintindihan ang sarili parang kinakabahan na hindi,na iwan.
At sa wakas bumukas ang pinto ng isang kotse at binti pa lang ang kanyang nakita ay halos tumalon ang kanyang puso sa tuwa at ng masilayan niya ang mukha ng dalaga ay parang nawalan siya ng lakas at wala siyang ibang naririnig kundi ang tibok ng kanyang puso at wala siyang ibang hiling na sana ay lumingon ito sa kanyang direksyon..
Nang....lumingon si....