Hindi naglaon ay nakabalik din si Vito sa isla Lucheas, at hindi makapaniwala si Elena na makita pa ang asawa.
"Vito! Nagbalik ka." at niyakap ang asawa ng napakahigpit at umiyak ito sa balikat ng asawa, na ang akala niya ay hindi na makikita.
Lumabas din ng bahay si Tatang Ruben nang marinig ang sigaw ng anak, na akala mo ay may sung kung makasigaw.
"Ano ba Elena ke-aga-aga! Kung makasi___gaw ka ay___Vito nagbalik!" at nagyakapan ang magbyanan.
"Kumusta na kayo tatang? Medyo natagalan ako bago makabalik, at sana tanggap pa ako dito?"
"Ano ka ba naman, halika pasok na, pero sino sila?"
"Sila ang naging kaibigan ng anak ko nuong buhay pa ito.", at nakuyom na Vito ang palad dahil sa emosyong naramdaman sa pagka alala sa anak niya at bayaw na pinatay ng hayop na Miguel.
"Vito okay ka lang, bakit parang nanglilisik ang mga mata mo?", ang tanong ng byanan ako na nagugulohan sa inakto ng manugang.
"Mamaya Tatang ikukwento ko sa inyo ang mga natuklasan ko, sa ngayon gusto ko muna magpahinga, at sila Mang Gustin, ay kailangan din makapagpahinga."
"Sige, sige, pasok kayo at makapagtanghalian naman."
Walang imikan sila habang kumakain, para bang ninanamnam bawat sayad ng pagkain sa kanilang bibig. Maging sila Tatang Ruben at Elena ay nakikiramdam din sa mga mag-anak na dumating sa pamamahay nila.
Nakaramdam sila na may malaking problema ang jga ito at halatang nagdadalamhati lalo na ang ginang.
Tumikhim muna si Tatang Ruben upang kunin ang atensyon ng mga panauhin.
Si Mang Gustin, ang unang nakapag salita.
"Pasensya kana pare kung hindi kami nagsasalita, medyo may mga pinagdadaanan lang".
"Wala iyon pare, nagtaka lang ako bakit ang lulungkot ninyo."
Nagkakwentuhan na sila at hindi na namakayan na tapos na silang kumain.
Tatayo na sana si Elena upang iligpit ang pinagkainan, sumabalit si Jeraldine na ang nagsalansan ng jga ito at dinala sa batalan, at sumunod na lamang si Elena at ang dalawang kapatid ng dalaga sina Josie kinse anyos at Roxan dose naman.
"Nanay Elena, kami na po dito sanay naman po kami doon nalang po kayo sa loob."
"Hindi ba nakakahiya sa inyo? E, kayo ang bisita namin tapos pinag urong ko kayo."
"Wala pong problema, pero pwedi po ba magtanong?"
"Ano Jeraldine?"
"Bakit po bata pa kayo, parang halos ka-edad ko lang ata kayo?"
"Ilan taon ka na ba?"
"twenty-five na po".
"Matanda parin ako saiyo, dahil kuwarenta'y dos na ako."
"Ganon po ba, e, iyong tatay po ni Victor ilang taon na?"
"Singkwenta na siya".
"Ganun po ba, ni hindi niya man lang nakita ang anai niya sa loob ng dalawampo't pitong taon."
"Nang dahil sa inggit Jeraldine."
"Mahirap talaga kapag inggit na ang iiral kasi kahit gaano pa katibay ang pundasyon kapag may inggit, matitibag at matitibag ito."
"Tama ka Jeraldine, iwan ba kung bakit may taong mapanglamang sa kapwa, e, lahat naman binibigyan ng pagkakataon na umasenso."
"Natural na talaga ang mapag imbot sa kapwa iyong hindi makuntento kung ano ang meron siya at kailangang manglamang pa."
Ang dami pang napag usapan sila Elena at Jhe sa batalan at nagkakilanlan din sila at nakwento ng pahapyaw ang dalaga sa kanilang buhay at kung bakit sila napasama kay Vito.
"Talagang napaka walang hiya niyang Miguel na iyan kahit mga inosenting tao dinadamay."
"kunsabagay hindi na nakapagtataka, e, laking lansangan at nagulat sa biglang yaman kaya hayon hindi malaman kung paano pa niya palalaguin ang yaman niya at hindi makuntento."
"Sakto ka talaga pare kahit nga ang ibang tauhan sa niya ayaw swelduhan at kahit hindi mo inutang sasabihin utang mo, at nangangamkam ng lupa na hindi kanya, kaya nga halos ng mga may sakahan doon nagsialisan na para sa kaligtasan ng mga kani kanilang pamilya, kasi kapag hindi mo ibibinta papatayin ka, at kapag ibibinta mo, halos hingin nalang."
"Napakatuso talaga niyang Miguel na iyan, hindi nga ako makapaniwala na magagawa niyang ipapatay ng kanyang kanyang kaibigan."
"Halo sabay silang lumaki sa lansangan at nagturingan na higit pa sa kapatid, pero nagaw paring saktan ang kaibigan."
At marami pa silang paksang napag uusapan at maging si Vito na nagpapahinga ay nag iisp ng paraan kung pano ang gagawing paniningil kay Miguel, sa mga utang nito sa kanya, kailangang maipaghiganti niya ang kanilang kaapihan, mula sa kanyang itinuring na kapatid at magsisimula siya sa pagpapaunlad ng knyang sarili upang malampasan ito.
Habang inaayos ng dalaga ang kanilang gamit ay napansin niya ang isang bag na nakabalot sa plastik at naalala niya na iyon pala ang inabot sa kanya ni Mang Ben, bago ito malagutan g hininga.
"Ano kaya ang laman nito? Pero kanino ko ito ibibigay? Patay na si Victor?" ang mga katanungan ng dalaga sa sarili.
Bigla niyang naalala ang ama ng binata at agad itong lumabas ng kwarto na bitbit ang bag upang ibigay kay Vito.
"Tatay Vito, pwedi po ba kayong makausap saglit po?"
"Ano iyon ineng?"
"Ito po, pinabibigay ni Mang Ben kay Victor, e, wala na po siya kaya sa inyo ko nalang po ibibigay."
Nang makilala nito ang bag ay agad na umiiyak si Vito hindi siya pweding magkamali sa kanya ang bag na iyon at alam niya ang laman nito.
At agad na kinuha ang bag sa dalaga at umiyak ng umiyak si Vito sapagkat, alam na niya kung paano at saan siya magsisimula.