"Kaloy, kapatid mo pala si Putô"?
"Hindi talagang kapatid, siya kasi ang tumulong sa akin nang bago akong salta dito, at siya rin ang nagpapasoj sa akin sa samahan kasi, si ate Elsan dating kumander ng samahan namin, at dahil sa nag asawa na ay kumalas na siya sa samahan pero tumutulong parin siya."
"Kung ganun hindi pala kung sino lang si Elsan"?
"Tama po kayo, kuya kaya nga ang laki ng respeto ng mga tao dito kina kuya Putô".
"Tatang... si Joseph po nagwawala,hindi ko po maaawat."
"Joseph ano ang nangyari saiyo?"
"Bakit nandito ako at hindi Joseph ang pangalan ko, ako si Vito."
Dahil sa sinabi ni Vito ay bigla na lamang lumapasay si Elena,At umatungal.
"Elena,anak huminahon ka lalo mo lang pinalilito si Vito sa ginagawa mo."
"Tahan na at kakausapin natin siya at ipaliwanag ang mga nangyayari".
"Vito,huminahon ka rin at makinig ka sa sasabihin ko saiyo, at pagkatapos mo marinig lahat nang sasabihin ko ay ikaw na angbahalang tumimbang at kung ano ang magiging disesyon mo handa kaming umunawa saiyo."
"Unang-una hindi mo ba kami natatandaan"?
"Iling lang ang sagot ni Vito".
Sapagkat ayaw mag rehistro sa utak niya dahil ang nasa isip niya ay ang kanyang mag ina at bayaw.
"Ako si Tatang Ruben mo, yong kanang kamay ng sindikato na kinaaaniban niyo noon, at siya si Elena ang anak ko na naging kaibigan mo at si Kaloy,ang isa din sa mga namamalimos sa lansangan kasama niyo."
"Kaya ka napunta sa amin dahil pinapapatay ka ng matalik mong kaibigan na si Miguel,at binayaran niya ako ng malaking halaga at kapag hindi ko rin iyon tatanggapin ay kukunin niya din si Elena at gawing parausan niya at kapag nagsawa na daw siya ay ipapasa niy sa kanyang mga tauhan."
"Natakot ako para sa anak ko at isa pa namamasura sin kami noon kasi nabuwag na din ang sindikato at wala kaming ibang pagpipilian."
"Kaya pumayag kayong patayin kami,ako ang pamilya ko!"
"Vito wala akong magagawa kahit ito'y labag sa aking dibdib kasi gusto ko ng mamuhay ng tahimik, t ayaw kong tatanda nalang si Elena sa lansangan at napakahirap doon.
Tinanggap ko ang alok ni Miguel at simula noon sinubaybayan na kita, muntik na nga tayong magkita kasi inabutan mo kami ng pagkain habang hinahalungkat namin ang kga basura ninyo, at dahi doon sa kabaitan mo ay naalala ko kung paano m pahalagahan si Miguel noon, ngunit binaliwala niya dahi sa pera.
"At ang napangasawa mo at ang iyong bayaw, pinapapakain ila kami kahit wala kaming pambayad."
"Kung ganon bakit nagawa niyo parinf saktan ang pamilya ko, buntis si Emily."
"At maraming inosenteng tao na nadamay."!
"Nakaligtas ang pamilya mo, pero hindi ko na alam kung nasaan sila ngayon,kasi mula ng masunog ang inyong lugar ay wala ng nakatira doon."
"Bakit ako andito kung pinapapatay
ako ni Miguel"?"Dahil hindi ko pala pumatay ng tao, kahit dati akong gago."
"Bakit nandito ako? Yong pamulya ko nasaan sila? Gusto ko silang makita."
Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon,kasi ng iligtas kita sa sunog ay umalisumalis na rin kami kasama ka at dito nga tayo napunta sa Romblon."
"Teka pwedi ba akong magtanong saiyo Vito, kahit na kwento na ni kuya Ruben ay gusto ko saiyo talaga marinig."
"Ano ba talaga ang pinag aawayan ninyo ni Miguel, e, sobra pa kayo sa magkapatid kung magturingan at kulang nalang buhay mo ibigay sa kanya"?
"Nang dahil sa pera Kaloy, hindi ko na siya kilala at pati buhay ko gusto pa niyang kitlin! At hindi ko siya mapapatawad at magtutuos kami, pero sa ngayon kailangan kong makita ng mag iina ko't bayaw.
"Saan ka magsisimula Vito?"
Babalij ako ng Maynila at pupunta ako doon sa dati naming tirahan baka may malalaman ko at saka ko na haharapin si Miguel upang maningil sa kanya at bawiin ko ang pag aari ko na ninakaw niya.At siya naman ag itapon ko sa basurahan at wala akong ititira sa kanya.!
"Kung nakapag pasya kana,sige ikaw ang bahala pero may hihingin sana ako saiyo Vito?"
"Sige ano iyon tatang?"
"Gusto ko sanang mag usap kayo ng anak ko, kasi kahit wala kang alam sa nakaraan mo minahal ka nya at inalagaan, hindi ko naman sinasabing iwanan mo ang pamilya mo, ang sa akin lang ay mapatawad mo siya, kahit hindi nalang ako."
"Nagpapasalamat ako tatang at binuhay niyo ako pero sa ngayon, hindi ko pa masasabing mapatawad ko kayo kaagad."
"Handa akong maghintay Vito kung kailan mo ako patatawarin at ang anak ko."
-------
"Nagkausap na kayo ni Elena?"
"Oho, Tatang at ako ay magpapaalam din sainyo at luluwas ako ng Maynila, kailangang makita ko ang pamilya ko."
"Sige ingat ka roon basta kapag gusto mo bumalik dito, ay tatanggapin kita dito."
"Salamat sige aalis na ho ako, pakisabi nalang kay Elena na umalis na ako."
"Sige mag iingat ka sa biyahe."
Umalis si Vito sa lugar na iyon at iniwan ang pamliyang muntik nang pumatay sa kanya, pero alam niya na mapatawad niya rin sila, pero hindi pa sa ngayon.
Walang ibang laman ang isip niya kung hindi ang makita ang pamilya niya, siguro may apo na siya sa kasi binilang niya ang taon at ayon sa bilang niya bente-seyete na ito.