Final Chapter

5.6K 125 7
                                    

Dahil sa maagang pagdating nila don Miguel, kasama ang meyor at ang anak nito upang sunduin sila Leny at Thirdy.

Kaya nagkasagutan sina Don Miguel at Don Rafael na naging daan upang maisaliwalat ang tunay na pagkatao ni Victor.

Na siya din ang dating nila Don Joseph, upag sana ay magpapakilala sa anak at sa kaibigang si Rafael. Pero dahil sa narinig na pagtatalo at nakita rin ni Vito ang dating kaibigan na si Miguel.

At dahil sa narinig mismo sa bibig ni Miguel ang panlalait at panghahamak sa anak ay hindi ito nakapagpigil at agad na sinapak si Miguel na nakaupo sa upung de gulong at lahat ng nandon ay wala man lang nakawat sa ginawa ni Vito lahat nabigla sa bilis ng pangyayari.

"Walang hiya ka Miguel, sa pang-aagaw mo kay Liza, pangloloko mo at pati ang pagpapatay mo sa akin ay pwedi ko pang kalimutan.

Pero ang pagpapatay mo sa anak ko, hinding-hindi kita mapapatawad!"

"Kaya itong aking pagbabalik mula sa hukay ay humanda kana!"

"Dahil sa pagkakataong ito, hinding-hindi na kita pagbibigyan pa! Kung kinakailangang lumpuhin kita ulit, ay gagawin ko!" at hindi na ito tinigilan at hindi man lamang guamawa ng paraan si Miguel upang ipatanggol ang sarili, natigil lamang sila ng biglang pumailanlang ang boses ni Leny na humihingi ng tulong.

"Bitiwan mo ako hayop ka! Tulongan niyo ako!"

Si Victor ang unang nakabawi sa pagkabigla sa mga nasaksihan at agad na sinugod si Sherwin, subalit napaatras ito ng hinigot mul sa bewang ang baril.

"Sige lumapit ka para parehas tayong mawawalan dahil hindi ako mangingiming pasabugin ang bungo nitong mahal mong si Leny." habang hinahalikhalikan ang tainga ni Leny.

"Huwag mong sasaktan ang anak ko, parang awa mo na Sherwin." ang pagmamakaawa ni Miguel. Subalit tinawanan lamang ito ng binata, nawawala na sa sarili.

"Ikaw na si Don Miguel Moriento ay nagmamakaawa sa akin? Pwe!"

"Bitiwan mo siya, kung ayaw mong magkamatayn tayo!" ang sigaw ni Victor.

"Wala ka sa posesyon upang utusan ako Victor, kita mo naman hawak ko ang pinakamamahal mong si Leny at nagkataong gusto ko rin siya." at tumawa ito ng tumawa na parang baliw.

"Sherwin, anak pakawalan mo na ang babaing iyan." ang paki-usap ng meyor sa anak, subalit sadyang nabaliw na ito.

"Layo kayo! At hayaan kaming makaalis dito ng mahal ko." kinuyumos ng ng halik si Leny na lalong nagpagalit din kay Victor.

Hindi na ito nag isip pa agad na inugod si Sherwin at nakaalagwa si Leny at nagpambuno na ang dalawang binata. Hanggang sa nabitawan ni Sherwin ang baril.

Dahil pareho silang ayaw magpatalo at naipon din ang lahat ng galit nito kay Victor s tuwing naaalala nito ang laging natatalo siya sa negosyo.

Dahil doon ay nagkaroon ito ng lakas at ganoon din si Victor ang nasa isip nito ang muntik ng pagkalason ng anak at ang pambabastos kay Leny.

Nagpagulong-gulong sila sa sala ng mga Crisologo at walang gustong sumuko. Duguan na sila pareho at kahit anong sigaw ni Leny at lahat ng andun ay walang gustong umawat, ayaw din tumigil ng dalawa, si Sherwin pala ay may isa pang baril na nakatago sa kanyang bota at agad itong hinugot at itinutok kay Victor at agad na kinalabit at pumailanlang ang putok ng baril at ang tahimik ng buong sala.

------------------------------

Masayang lahat na taga asyenda sa araw na iyon dahil sa isang napakaimportanting magaganap. At wala man lang kahit sino ang mababakasan ng kalungkutan dahil sa isang trahedyang pinagdaanan ng kanilang amo.

Agad na tinutok ni Sherwin ang baril at agad na kinalabit ang gatilyo nito at nabalot ng katahimikan ang buong paligid at ng ilang sandali pa ay nagulat ang lahat ng makita ang duguang katawan nila Vito at Miguel.

Hinarang nila ang kanilang katawan sila ang tinamaan at nasaksak naman ng tungkod ni Miguel si Sherwin.

Nalaglag si Miguel si upuang de gulong habang yakap ni Vito. Hindi makapaniwala ang lahat na magagawa iyon ni Don Miguel lalong lalo na si Rafael.

Ang ama ni Sherwin ay walang nagawa kundi ang yakapin na lamang ang bangkay ng anak at humingi ng tawad dito. Si Leny ay hindi rin nakakilos agad sa kinatatayuan, maging si Elena t Liza.

Agad na dumating ang mga pulis at hiningan sila ng salaysay at tinanong kung sino ang magdedemanda, ngunit lahat sila ay napagpasyahan na ibaon nalang sa limot an lahat at magsisimula ng panibagong bukas.

Sina Leny ay pinagluka ang ama at pinili nilang manirahan nalang sa America upang maiba naman ang paligid nila lalo ang bata na alam nilang naapiktuhan din ito sa mga pangyayari. Napagpayahan ng kanyang ina at kuya na ibinta ang lahat ng assaets nila at magsimula ng panibago.

Ganyan talaga siguro ag buhay, kung ano ang inutang mo ay siyang kabayaran. At kung hindi pa malagasan ng buhay ay hindi pa ma isip ng mga natitira ang kahalagahan ng buhay ng isang tao.

Napagkasunduan nila Victor at Leny na magkalayo muna sila at hayaang maghilom ang mga sugat na nasa puso nila para maganda ang at masaya ang pagharap sa bukas.

At pareho din silang nagluksa dahil sa pagkawala ng kanilang mga ama.

At kung nasaan man ang mga ito ay natupad din ang kanilang pangakong binitawan sa isa't isa noong mga batang yagit pa lamng sila at ngayon sa paglipas ng dalawang taon ay pamilya naman ni Victor ang kanyang buu-in.

Masaya si Victor na nakatayo sa harap ng altar habang hinihintay si Leny ang kisig nito ni hinsi man lang nabawasan sa paglipas ng ilang taon at maging ang bride ay napakaganda din nito.

Wala kang ibang maririnig kundi ang masayang kalimbangan ng mga kampana na animo ay nagtatawag ng mga sasaksi sa kasalang magaganap.

Ang lahat ay masaya, tawanan dito, tawanan doon, at natahimik lang ang lahat ng mag umpisa na ang ceremony ng kasal.

Si Thirdy ang ring bearer, of course si Jeraldine ang maid of honor at pakindat kindat pa sa kanyang date na si doktor Cruz, na naging sila din.

Brides maid din ang mga kapatid niya sila Josie, Roxan, Lyn na nakauwi na galing abroad at nabuo ang pagkakaibigan.

Natapos ang kasalan na hindi namalayan dahil sa obrang saya nila at nagtuloy sa bahay-asyenda

"Masaya ka ba na sa wakas nagkaroon na rin ng katuparan ang ating pagmamahaln." ang tanong ni Victor sa asawa habang nasa kwarto sila.

"Oo, naman kahit ang akala ko talaga ay hindi na matutupad at nagpapasalamat ako na napatawad mo si papa."

"Utang ko sa kanila ni papa Vito ang ang pangatlo kong buhay, kahit hindi ko nakilala ng lubusan ang ang aking tunay na ama ay andyan naman si papa Rafael para ikweto sa akn kung ano pa ang hinsi ko alam tungkol sa kanya. At marami na rin naman akong alam sa kanya dahil sa kwento ni tatay Ben." at bigla itong nalungkot ng maalala ang tiyuhin na nagpalaki sa kanya.

"Maging si nanay Elena si mama Liza alam kong marami rin silang kwento."

"Bakit ba sila ang pinag uusapan natin, e, kailangang makahabol tayo ng gawa kasi malaki na si Thirdy kailangan na masundan na."

"Oo, nga ano?"

At nagtawanan sila.

Kinabig na ni Victor ang asawa payakap sa dibdib nito. Kasuno niyo'y ang pag angkin ng mga labing kaytagal niyang pinanabikang muling matikman.

-WAKAS-

To God be the Glory

Sa Aking Pagbabalik  by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon