Chapter 26

3.2K 69 0
                                    

Pagkatapos ng isang mainit na pagniniig ay agad silang nagpahinga ni hindi na sila lumabas sa party at naintindihan ng don ang nangyari, sapagkat nalaman niya mula sa katulong na may kasama itong mag ina sa kwarto at alam niyang ssi Leny iyon ang anak.

Natutuwa siya sapagkat magkasama na ang mga ito, at gagawin niya ang lahat upang si Leny at Victor ay magkatuloyan.

"Kumpadre, akala ko ba ipapakilala mo na ang bago mong ampon?" si Don Miguel na halatang naiinis.

"Sana kumpadre kaso nagpapahinga e, pero maaga pa naman mamaya kapag magsidatingan na ang iba ko pang bisita."

"Sino-sino pa ba ang iba mong bisita?"

"Iyong katabi ng hacienda mo, iyong Hacienda Emily?"

"Oo, nga kumpadre gusto ko rin makilala yon kasi ang balita ko, baguhan lang iyon, isipin niyo ha sa loob lang ng limang taon naging tanyag na siya." ang bigay impormasyon ng meyor na nakaliyad pa ang dibdib na animoy ginto ang sinabi nito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang iba bisita at nagkumustahan, nagpayabangan ang mga ito, kwento sa bakasyon, nanalo sa sugal. Samantalang ang mga kababaihan ay nagpagarbohan ng suot at pamustora, kanya kanyang pataasan ng ihi.

"Don Rafael, dumating na po ang hinihintay niyo."

"Sige, mga kumpadre maiiwan ko muna kayo at may dumating akong importanting kaibigan." sabay tingin sa pwesto ni Miguel na halatang naiilang sa kanyang paligid, ngunit maangas parin ito.

'Kahit kailan Rafael hindi mo ako maiisahan kailangan mabawi ko saiyo ang aking kayamanan sa kahit na anong paraan ke sihodang papatayin kita.' ang bulong ng don sa sarili habang sinusundan ng tingin ang kaibigan.

"Magandang gabi, Don Joseph de Santiago."

"Magandang gabi din Don Rafael Crisologo."

At nagyakapan ang dalawa.

"Dito tayo, tuloy kayo at ng magkilala pa tayo ng husto kumpadre."

"Oo nga kumpadre."

Pagdating sa loob ay halos hindi makahuma si Don Miguel sa kanyang nakita si Vito buhay, at pinagpapwisan ng malagkit ng magsalubong ang kanilang mga mata pero hindi dapat nandun si Vito dahil matagal na itong patay.

At lalo siyang nagimbal ng lumapit ang mga ito a kanya at nakilala niya ang kga kasama nito.

Hindi siya dapat magkamali sina Jeraldine at Elena at nakaakbay pa si Vito dito.

"Don Miguel ano ang nangyari saiyo bakit parang gusto niyong tumayo diyan sa upuang de gulong nyo?"
"Anong ibig sabihin nito Rafael?"

"Anong ibig sabihin syempre bisita ko si Don Joseph de Santiago, ang may ari ng Hacienda Emily."

"Pero hindi mo ba siya kilala? Siya si Vito." ang bulong niya.

"Anong pinagasabi mo diyan,umaayos ka nga Don Miguel, diba nga ang sabi mo matagal ng patay si Vito? Kaya bakit siya nandito?"

"Pero Rafael."

"Pwedi ba Miguel, tigilan na natin ito, at kung pwedi lang huwag mong bastusin ang bisita ko."

'Sinasabi ko na nga ba pinagkakaisahan niyo ako Vito at Rafael, pero tingnan natin kung sino ang magwawagi sa laban na sinimulan niyo.' ang nasa isip ni Miguel, sabay layo sa umpukang iyon.

"Ano ang problema ni Don Miguel? Bakit siya umalis?"

"Wala iyon Don Joseph, baka masama lang ang pakiramdam niya kaya nagkaganun."

"O, sige halika na kayo at ng makakain, siya ba ang asawa mo, siya ba si Señora Emily?"

"Hindi kupadre siya si Elena ang asawa ko."

"Ipagpaumanhin niyo Señora at nagkamali ako."

"Walang problema Don Rafael, at sanay na ako sa ganun."

At lahat ay nagkainan, kwentuhan at tawanan.

Sa kwarto naman ni Victor ay nagkausap sila ng masinsinan at napagkasunduan nila na magpakasal na kaagad. Marami pa silang napag usapan tungkol sa bata kung paano ito lumaki, at kung gaano ito kabait at habang tulog ang bata ay yakap yakap ito ng ama, na walang ibang ginawa kundi ang halik halikan ito.

Ang bata naman ay payapang natutulog na nakauna sa bisig ng ama, habang hinihili ito.

"Don Rafael nasan na ang iyong tagapagmana bakit hindi pa siya lumabas?"

"Lalabas na rin iyon kasama ang kanyang pamilya."

"Nang marinig ng mga nagsipagdalo na may pamilya na ito, ang iba natutuwa samantalang ang mga may anak na dalaga ay nadismaya kasi karamihan sa mga dumalo ay dala dala ang mga anak na dalaga upang maipakilala sa anak ni Don Rafael.

Sinundo ng katulong si Victor sa kwarto at pinatawag na sila ng don.

"Susunod na po kami aling Azon." At umalis na ang matanda.

"Kinakabahan ako loves baka ano ang gawin ni papa."

"Relax ka lang ako ang bahala basta huwag ka lang lumayo sa akin."

"Maaasahan mo loves."

at nagyakapan mula sila at inayos ang mga sarili maging si Thirdy ay nagising na rin at ng malaman na si Victor ang ama ay tuwang tuwa ito.

"Mga minamahal kong kapit-bahay, kaibigan, kumpadre at kumare, kapwa ko nag mamay ari ng mga lupain dito sa masbate."

"Nais kong ipakilala sa inyo ang aking anak at kasama ang kanyang pamilya,
Ladies and Gentlemen ang aking anak...."

Nagpalakpakan ang mga tao at si Don Miguel ay halos hihimatayin sa gulat ng makilala ang ampon ni Rafael at ng makita ang anak at si Leny na akbay pa ni Victor.

Hindi sila nagkalayo ng reaksyon ni Sherwin dahil si Victor Santiago Crisologo..

ang lagi niyang kaagaw sa lahat ng kleyente sa negosyo.

Itinuturing niya itong mortal na kaaway, at pati ba sa babae tatalunin siya.

Hindi siya papayag kailangang makagawa siya ng paraan at di na niya pinatapos ang party ay umalis na siya upang makapaglano na.

Si Jeraldine na andun ay hindi makapaniwala na buhay ang kaibigan at kasama pa ang kanyang mag ina.

"Diyos ko salamat po at ligtas siya at kasama pa niya ang mahal niya sa buhay."

"Si Don Joseph naman ay hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan buhay ang kanyang anak, at gusto na sana niya itong suguron ng yakap subalit pinigilan ito nil Elen at Jeraldine.

"Tatay, huwag po muna kayong lumapit, mahirap na baka lalong maghinala si Don Miguel at mapahamak pa tayong lahat."

"Tama si Jeraldine, marami pang pagkakataon, kaya maghintay nalang tayo tutal alam natin na buhay pa siya."

Habang nag papaliwanag si Elena ay wala na pala ang don sa tabi niya.

"Kumpadre, ang gandang lalaki ng ank mo at may apo ka pa pala."
ang himig pananabik ni Don Joseph."

"Oo nga, kumpadre, ahm, Victor halika dito may ipakilala ako saiyo ang bago kong kaibigan si Don Joseph de Santiago."

Kakamayan sana ito ng binata ngunit niyakap niya ito ng sobrang higpit at hindi naman pumalag ang anak.

"Salamat po sa mainit na pagbati Don Joseph."

"Wala iyon."

At pakiramdam ni Don Joseph ay napakagaan ng pakiramdam niya at ang saya saya niya na hindi maitatago sa kanyang mga matatamis na ngiti.

Maging ang binata ay ganun din ang pakiramdam nito.

Sa Aking Pagbabalik  by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon