Naging maayos ang pamumhay nila Vito, ang kanyang hasiyenda ay lumago, ang mga baka, kabayo, kambing at iba pang alagain at ang manggahan, lahat ng uri ng pananim.
Dahil sa magandang pamamalakad ni Don Joseph de Santiago ay dumami ang kanyang trabahador at naging bantog ito dahil sa pagiging makatao at patas sa lahat.
Kabaliktaran ang nangyayari Hacienda Moriento, dahil sa sobrang kalupitan nito sa mga trabahador ay nag sialisan na ang mga ito.
Ang Hacienda Crisologo ay umunlad din ito dahil sa maganda rin ang pamamalakad ng mga tauhan ni Don Rafael.
------
Lumipas ang limang taon ay lalong umunlad si Don Joseph de Santiago.
"Victor, ano ang plano ngayon na magaling kana, at kailan ka babalik ng Pilipinas?"
"Attorney, sa lalong madaling panahon upang madalaw ko rin si Don Rafael".
"Oo nga pala, tumawag siya kagabi at tinatanong kung kailan ka uuwi."
"Sige attorney, asikasuhin niyo ang mga papers ko para makauwi na ako, at attorney pwedi bang ikaw muna ang bahala sa mga negosyo ko dito?"
"Walang problema, Victor."
"Teka, ito ang envelope na naglalaman nung pinapahanap mo sa akin."
"Salamat attorney."
Habang nag iisa si Victor sa kanyang bahay sa America ay naalala niya ang nangyari sa kanyang buhay sa Pilipinas kahit matagal na ay pakiramdam niya ay kahapon lang ito nangyari, ang kaibahan lang ay mayaman na siya at hindi na lumpo.
Tama hindi na siya lumpo dahil sa tulong ni Don Rafael, at nagpapasalamat siya at hindi siya sinukuan nito noong panahon na, gusto na niyang sumuko.
Pero hindi siya iniwan nito at binigay na sa kanya ang lahat ng kayamanan ng matanda sa kanya.
Sa ngayonkailangang mahanap niya si Leny at ang kanilang anak para magkasama na sila.
Wala nang pweding humadlang sa kanila, kahit pa ang ama nito, iyan ang nasa isip niya.
"Humanda ka Don Miguel! Hinding-hindi kita mapapatawad at kapag mag krus ang landas natin ay hindi ko maipangakong hindi kayo sasaktan."
Mapatingin siya sa table niya ay nakita niya ang envelope at binuksan niya ito.
"Naghihirap kana pala don Miguel! Pero kulang pa iyan sa ginawa mo sa akin at kay tatay Ben, kaya kinakailangan magbabayad ka!"
Dahil sa sobrang galit ay nasuntok niya ang pader at nagdugo ang kanyang kamao.
Pero inulit ulit niya parin sa pagsuntok, hanggang napagod na rin at kulang nalang magkadurog-durog ang buto sa kamay niya.
------
Samantalang si Leny naman sa lumipas na limang taon ay sumolong din ang buhay sa America nagtayo siya ng sariling bakeshop at maganda naman ang income, at iyon ang ginawa niya upang mabuhay silang mag ina na hindi umaasa sa ama.
Sa lumipas na taon na iyon ay hindi niya nakakalimutan si Victor lalo pa at nakikita niya ito kay Thirdy na habang lumalaki ay lalong naging kamukha ang ama, at umaasa siya na mabubuo pa rin ang kanyang pamilya.
Ang daming nanligaw sa kanya pero wala siyang pinansin kahit isa at ni hindi niya binigyan ang sinuman ng pagkakataon na mapalapit sa kanya, kasi para sa kanya ay si Victor lang ang kanyang mamahalin habang buhay.
"Mama..!"
"Baby, dumating kana pala galing school."
"Opo!", sabay yakap sa ina at pinupog ito ng halik.
"Ang anak ko talaga sobrang lambing", at gumanti din siya ng halik.
Kahit nasa ibang bansa sila ay tinuruan niyang managalog ang anak.
"Mama, may star po ako, tatlo at ang dami ko na po kaibigan sa school at ang babait nila.", ang kwento ng anak na masayahin.
"Talaga anak ang nila saiyo?"
"Opo, kasi ang bait ko rin daw po."
"Mabuti.", sabay gusot sa buok ng anak na ikina irita nito.
Pareho talaga sila nun ama ayaw na pinakikialaman ang buhok.
At naalala na naman aniya ang binata.
"Mama, naalala niyo ulit si papa, dahil ayaw ko ko pagalaw ant buhok ko katulad niya?"
"Tama na anak, halika at kakain na tayo at makapagpahinga."
"Mama, may tao po sa labas."
"Sandali lang anak, pwedi mo bang tingnan kung sino."
"Iyong kaibigan niyo po, si mr. Kulit."
"Hi! Leny, kumusta kana.", sabay abot ng bulaklak.
"Salamat, sige tuloy ka."
"Walang anuman, sige pasok ka, Thirdy mag hi ka kay tito Sherwin mo."
"Hi.. Po", ang matamlay bati ng bata at umakyat na ito sa kwarto.
"Hanggang ngayon ba, hindi pa ako matanggap ng anak mo.", ang kunwari ay lungkot na tanong ng binata binata pero sa isip niya ay.
'Wala akong pakialam saiyo bata ka! Pero kunting tiis nalang malapit ko na rin mapasagot ang ina mo.'
"Pwedi ka ng umalis Sherwin at salamat sa bulaklak,"
"talaga bang wala na akong pag asa saiyo?"
"Pasensiya na Sherwin pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya ko."
"Sige pero hindi parin ako susuko, kasi malinis ang hangarin ko sainyo ng anak mo, at handa akong maghintay."
Kahit nakaalis na ang binata nakaupo parin siya sa sofaat naisip niya na lumalaki na talaga ang anak niya at naisip niya na kailangan nito ng ama na gagabay sa anak, pero ayaw naman niyang mag asawa dahil si Victor lang mahal niya.
"Mama, gising po masakit po tiyan ko."
"Anak! ano ang nangyari saiyo?"
"Ang sakit po sobra po talaga."
"Halika punta tayong hospital, dali karga ka kay mama."
"Agad na isinygod sa hospital ang bata kahit naka pantulog lang siya ay wala siyang pakialam, ang mahalaga ay mailigtas ang anak.
"Dok, ano po ang problema sa kanya?"
"Nadali siya ng food poison."
"Pero dok, wala po akong pinakain na iba sa kanya maliban sa chocolate na bigay ni Sherwin."
"Baka luma na ang chocolate iha, at nakaligtaan lang itapon."
"Siguro po at buti nalang naagapan kaagad kasi kung may nangyari masama sa anak ko hindi ko mapatawad ang sarili ko."
Habang nakatulog ang anak dahil tumalab na ang gamot ay lumabas iya ng kwarto at may nakabangga siya na lalaki na may binda ang kamay.