Chapter 1
Eissen's Pov
Fate has been so cruel to me since then. Fate loves to see me crying buckets of tears just to survive every day! Fate must love watching how I crawl through my unfortunate life every day. All of my hardships seem futile since I'm trapped in this dismal life.
Noon pa man tingin ko sa sarili ko ay malas na ako. Tingin ko walang magnanais sa akin. Well, except for my Lola, who was fighting for her life every day in the hospital, I am a product of a broken family. Kwento sa akin ng Lola Erming, ang ina ng biological mother ko, na masaya naman daw noon ang inay at itay ko. Masaya ang dalawa until nabuo ako. Graduating daw kasi noon si inay tapos nabuntis. Marami pa raw sana itong pangarap pero dahil bigla... bigla akong nabuo nawasak na ang mga pangarap ni inay. Hanggang sa pinangak daw ako.
Hindi nakasal ang inay at itay dahil nang magpakasal na sana sila ni itay ay bigla na lang umalis si inay. Tapos nabalitaan na lang daw nila itay at lola Erming na nasa ibang bansa na si inay. Sumama na sa foreigner nitong nakilala online. Ang itay ko naman daw ay labis na nasaktan sa ginawa ng inay ko, kaya ayon umalis din at nagkahanap ng kanyang pamilya.
See? Simula noong pinanganak ako sa mundong ito parang malas lang ang dala. Naghiwalay ang mga magulang ko dahil nabuo ako. Hindi ko na tanda kung kailangan ko huling nakita ang mga magulang ko. Ang sabi lang ni lola Erming sa akin ay iniwan daw ako ni Inay no'ng dalawang taon palang ako. Samantalang ang itay naman ay sunod ding nawala sa buhay ko.
I have never really known what it feels like to have parents, but I have always... always been envious of my classmates before kapag nagkukwento sila tungkol sa kanilang mga family. What if nagkaroon ako ng magulang? What if sila ang nagpalaki sa akin instead of my old lola? What if I have a complete family? Those are just a few questions that keep running through my head.
Ngayon may kanya-kanya na silang pamilya at ako ay iniwan lang nila sa puder ni lola Erming. Lumaki ako na ang lola ko lang ang kasama ko. At sa mga lumipas na panahon kahit ni isang beses ay hindi na ako kinamusta o inuwi ng inay at itay. May mga larawan pa sila sa bahay namin ni lola Erming pero ayaw ko nang tingnan ang mga iyon. Sa paningin ko ay parang mga normal na tao na lang sila sa buhay ko. Hindi ko na mahanap ang halaga nila sa buhay ko. Ngayon ang lola Erming ko na lang ang mahalaga at importante sa akin.
At kaya nga ngayon ay nandirito ako sa harap ng magarbong tarangkahan ng isang mansyon dahil sa lola ko. I need this job para sa lola ko na lumalaban sa buhay niya sa ospital.
Binasa ko ang sariling labi gamit ang dila at tinungo kung saan ang doorbell.
Nakapagtapos ako ng kolehiyo, fresh grad, kaso wala akong mapasukan na trabaho. Graduate ako ng BSBA at maganda naman ang records ko pero hindi ako nahi-hire sa mga pinag-apply-an kong mga job fair o job hiring.
Kaya naman kahit na magtatakip silim na ay nandirito ako sa labas ng mansyon ng mga Wycliffe. I'm applying for babysitter. I know that it's too far from my field of study pero kapag mag-iinarte na ako at maghahanap ng ibang trabaho ay baka wala akong maipang-gastos sa araw-araw at sa pangpa-ospital kay Lola.
Mahirap sa akin ito. Mahirap lunukin ang pride pero, anong magagawa ko kung wala talaga akong ibang mapasukan? Nagugutom na nga ako kaso 'di ko na ginastos itong pera ko pang kain kasi hindi magkakasya ang perang natira sa akin kapag kumain pa ako. Ang mahal kasi ng fare at wala pang pumapasok na jeep dito sa village kung saan itong mansyon ng mga Wycliffe. Mga eklusibong taxi lang ang nakakapasok.
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
General FictionBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit