Chapter 26
Eissen's POV
I waltzed through the fine white sand as I spotted Raziel with a big guy following him. A wide smile slipped across my lips. I waved with both hands, and I saw Raziel do the same.
Mataas na ang araw na may paminsan-minsanng ulap na humaharang doon. Ang hampas ng alon sa dalampasigan ay 'di gaanong malakas kaya magandanag maligo! Tamang-tama ang aming pagkikita ngayon ni Raziel!
Actually, kami nina Yashveer, Yaelan, at Yosiah lang ang maliligo pero na-espatan ko si Raziel na naliligo rin, kaya naisipan kong puntahan ang aking kaibigan. Hindi ko naman inaasahan na kasama niya rin ang lalaking kasama niya raw sa bahay!
Dahil nakatingin ako kay Raziel hindi ko napansin ang isang kahoy sa aking harapan kung kaya't muntik nang ma-meet and greet ang buhangin.
"Be careful, pup."
"Eissen!"
"Mendoza!"
Napalingon ako sa tatlong lalaki na nakasunod sa akin. Nginitian ko ang magkakapatid. Si Yosiah bitbit niya ang basket kung saan ang aming foods, si Yaelan naman ang tent namin at ang dala ni Yashveer ay ng dalawang foldable chair. Ang kanilang balikat naman ay may naka-sampay na puting towel at parehong mga topless at trunk shorts lang ang suot. Kanina pa kami sa dagat kung kaya't namumula na sila kahit si Yaelan na moreno, namula na rin. All in all, they’re absolutely sizzling—too hot to handle! A feast for my eyes!
"Tsk!" asik ko lang sa kanila at tumakbo tungo kay Raziel.
"Eissen! Kumusta ka na?" Sinalubong ako ng yakap ni Raziel kaya niyakap ko na rin ito.
Nakasuot ako ng isang cotton shorts at puting t-shirt samantalang si Raziel naman ay naka shorts din at printed na beige t-shirt.
"Ayos... ayos lang ako!" anang ko at pangiti-ngiti nang mapansin ko ang lalaki sa likod ni Raziel na nakatingin sa amin.
Maybe I'm just overreacting, but his slightly slanted gaze feels so intense and dark!
Ngumuti ako sa kanya at tumango lang siya sa akin.
"H-hindi ba marunong ngumiti iyang boyfriend mo?" bulong ko kay Raziel matapos ang aming yakapan.
"H-huh?"
Napanguso ako nang makita ko ang pamumula sa pisngi ni Raziel.
"Iyang lalaki sa likod natin! 'Di ba siya rin iyong lalaki na kasama mo nang maligo tayo no'ng nakaraan?"
Nilingon ni Raziel ang lalaki bago siya tumingin sa akin.
Tumango siya. "K-kasama ko lang siya sa bahay, Eissen. Hindi ko siya b-boyfriend o ano!"
"Weeh?" Dudang anas ko.
"T-totoo!" Pagmamaktol nito. Itong baklang rabbit na 'to. Baka ito rin ang sinasabi niyang isa lang ang gusto niya!
"Pero gusto mo siya?"
"Eissen!"
"Bakit?" Natatawa kong saad. "Nagtatanong lang ako, eh!"
Natawa na lang ako nang mamula siya lalo. Hihilahin ko na sana ang kamay ni Raziel upang makapag-usap kami nang makita kong nagkamayan ang mga Wycliffe at ang lalaking kinakasama ni Raziel!
Halos mag-abot na ang kilay ko nang makita kong nagkakamustahan na sila na parang... kilalang-kilala nila ang isa't isa.
"Magkakilala sila?" Bulaslas ko.
"Nakita ko na minsan sa minsan ang mga Wycliffe sa bahay namin, Eissen, at mukhang magkakilala sila ni Piotr."
"Piotr?"
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
General FictionBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit