CHAPTER 2

9.6K 346 51
                                    

Chapter 2

Eissen's Pov

Napahagod ako sa aking batok nang sumakit ito sa tagal kong nakababad sa aking telepono. Tinanggal ko ang suot kong eyeglasses, for eye protection, at muling hinagod ang batok saka nag-unat sa kamay. Nangalay na rin ito.

I saw the bond papers scattered on my bed.

Hihiga na sana kasi ako dahil pagod ako ngayong araw sa lahat ng mga ginawa ko. Kaso naalala ko na kailangan ko palang pag-aralan ang mga Wycliffes. Itong mga anak ni Don Yael, pero nadismaya ako nang makita ko ang informations na binigay ni Don Yael sa akin. Walang pictures ng mga anak niya.

How could I know kung sino si Yosiah, Yaelan, at Yashveer? Ang nandito lang naman sa portfolio na binigay ni Don Yael ay mga konting information lang ng mga anak niya. Hindi ba nito kilala ang mga anak niya? Ang nandito kasi pangalan ng anak niya, mga kursong natapos ng mga anak niya, mga trabaho ng mga ito, date of birth, date of birth place, at mga paaralan ng mga 'to na 'di pamilyar sa akin. Parang resumé lang.

At ngayon nga nagse-search ako ng mga pictures ng mga lalaking ito kaso wala naman akong mahanap na matinong larawan. Wala man lang kahit close-up photo. Puro mga stolen pictures lang ang lumalabas at 'di pa malinaw. Mukhang masyadong private ang mga lalaking ito!

Kinuha ko ang mga bondpaper at humiga ulit sa kama. Binasa ko ang mga informations ng mga Wycliffe.

My hand, which was holding the bond papers, dropped. Inaantok na talaga ako.

Napabaling ako sa maleta at isang body bag na aking dadalhin bukas. Nakahanda na ako para bukas pero ang katawan at utak ko ay hindi pa. Gusto ko nang umatras sa bagay na ito kaso nasend na ni Don Yael ang pera sa akin at sa katunayan nga ay nakabayad na ako sa mga nakaraang hospital bills ni Lola Erming. Maliit na lang ang natira sa dineposit na pera ni Don Yael sa akin.

Ang kapal naman ng mukha ko na umatras pagkatapos kong gastuhin ang pera niya.

Kinabukasan ay maagang dumating ang isang itim na kotse na pag-aari ni Don Yael, ito ang maghahatid sa akin sa port patungong Seirra Island. Dalawang lalaki ang sumundo sa akin. Kapwa pa ito naka-avaitors at tuwid na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Inaya kong magkape ang mga ito kaso tumanggi naman sila.

Tinulungan nila ako sa pagbitbit ng gamit ko tungo sa sasakyan. Inilagay nila ang gamit ko sa compartment ng kotse. Nakiusap ako sa kanila na pwede ba akong dumaan sa ospital kung saan naka-confine ang Lola Erming ko. Tinawagan muna nila si Don Yael at mabuti't pumayag ito.

"Lola, aalis po muna ako pansamntala, huh." paalam ko kay Lola Erming.

Kinuha ko ang kumukulubot na na kamay ni Lola.

"Nahihirapan ka na dahil sa kalagayan ko, apo." wika naman ni Lola at kita kong namasa na ang mga sulok ng mata niya.

Umiling ako. Kumpara sa pagpapalaki ni Lola sa akin mag-isa. Walang-wala itong gagawin ko. Tinaguyod niya ako. Pinalaki niya ako at minahal na parang anak niya. Kahit matanda na siya at mag-isa sa buhay itinaguyod niya ako na parang galing ako sa kanyang sinapupunan.

Si Lola Erming ang pumuno sa mga pagkukulang ng mga magulang ko. Hindi ko nga lubos maisip kung papaano nagawang talikuran ng mga magulang ko si Lola Erming na mag-isa. Nag-iwan pa ng bubuhayin.

Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon