Chapter 4
Eissen's Pov
My mind was in a haywire, and my heart inside my chest was racing. Ang tatlong Wycliffe ay nasa likuran ko at hindi ko yata sila kayang tingnan sa mga mata nila na hindi naalala ang kanilang mga mababatong katawan. Ganito ba sila lagi? Ganito na ba ang magiging daily routine ng araw ko? Araw-araw ko bang makikita ang magkakapatid na ito sa ganitong estado? Nakakalula, nakakahilo, at nakakabaliw kung ganoon.
I am a closeted gay. I was really uncomfortable coming out when my circle of friends (yeah, somewhat 'yan ang matinong matatawag ko roon) before were all male. I had this classmate pa noon na grabe kung maka-stereotype sa mga kagaya kong bakla. He was a bully and a pervert. Nakakahiya na naging crush ko siya kahit palihim lang. When I learned na ganoon pala siyang klase na lalaki, agad siyang naging ekis sa akin.
Kaya rin ako hindi komportable at takot na na malaman ng iba na bakla ako kasi may isa akong school classmate dati na binully at senior ko siya. And guess what? Walang ginawa ang mga teachers doon. Students were calling his names, mocking him, belittling him, and throwing hurtful words at him. It saddens me that at those times wala akong kaya na ipagtanggol ang tao na kagaya ko. Hindi man ako ang na-bully noon pero tumatak iyon sa isipan ko at nasaktan ako sa nangyari sa senior ko. Sinubukan niya naman lumaban noon pero walang-wala kasi siya kumpara sa mga nambully sa kanya.
After that nalaman ko na lang sa sumunod na araw na hindi na ito pumapasok sa kanyang klase. At nakadagdag sa takot ko ay ang katotohanang na-r@pe siya. Until now, my nerves still trembled kapag naaalala ko ang sinapit nito. Hanggang ngayon wala na akong balita roon sa senior ko. Mukhang umalis kasi ang buong pamilya nito matapos ang kalunos-lunos na sinapit ng anak nila.
Kaya naman hanggang ngayon nanatili lang sa akin ang tunay kong kasarian.
That's why, no matter how much I am attracted to men, I'm still guarded.
"What are you cooking?"
Napatalon ako nang may magsalita sa aking tabi. Sinulyapan ko si Yaelan sa aking tabi. Wala man lang itong emosyong nakatingin sa aking niluluto.
Pasimple akong sumulyap sa likod upang makita ang ibang kapatid nito pero si Yosiah na lang ang naiwan, nagtitimpla ito ng kape. Umalis na ata si Yashveer.
"Ah, nilagang baka lang, sir Yaelan." sagot ko kay Yaelan.
He only nodded and left me.
Bumuntonghininga ako. Papaano ko naman papaamuhin ang mga lalaking ito? Ang suplado nila, walang modo, at ang hirap kausapin.
Matapos kong tikman ang nilalaga ko ay susundan ko na sana ng tingin si Yaelan nang mapagitla ako dahil sa sama ng tingin ni Yosiah sa akin. Nakahilig siya roon malapit sa malaking refrigerator. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng pants niyang maluwag habang ang isa naman ay nakahawak doon sa tasa at pagkuwa'y sumisipsip doon. His member below was bulging. As much as I don't want to see it pero nakukuha talaga noon ang mga makakasalanan kong mata. Kailangan ko na yatang hugasan ng holy water ang mga mata ko.
Yosiah has a little lighter shade than Yaelan. Malaki naman ang katawan ni Yosiah kaso si Yaelan kasi ay batak na batak at moreno. Siguro dahil lagi itong bilad sa araw at atleta pa dati kaya ganoon ka-tigas tingnan ang katawan. Yosiah was sexy with his muscular body and right now nakalugay lang ang hanggang balikat niyang buhok na maitim. Sila namang tatlo ay maitim ang buhok pero itong kay Yosiah lang ang mahaba. At sa pagkakaalala ko ay nakapusod ito kagabi. He looked kinder when his hair was down. The Wycliffe brothers have sets of round amber eyes; they also share the same long pointed nose.
Muntik na akong mapatalon nang magtagpo ang mga mata namin ni Yosiah. Naninimbang ang tingin nito sa akin, puno ng ka-seryosohan at pagdududa ang mga mata nito. Kulang na lang ay butasan ako ni Yosiah sa paraan ng titig niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
General FictionBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit