Chapter 19
Eissen's POV
I looked at Yaelan with wide eyes and my mouth agape. "What? What exactly are you saying?"
"S-sleeping with you? Together? In one bed?" I tried to stifle a chuckle, but my voice trembled.
Yaelan nodded, unfazed by my stunned expression.
"Y-Yaelan..."
"It's just sleep, pup. Don't overthink it, okay? Just. Us. Sleeping. In. One. Bed," Yaelan emphasized, gesturing toward his huge bed.
"I'm sure wala ka naman gagawin ngayon dahil gabi na, right?" Tumango ako. "Just movie and chill. Then sleep."
Ngumuso ako at tumingin sa kanyang malaking kama tapos inilibot ko ang tingin sa kanyang malaking silid. Nang dumapo ang mata ko sa mga DVD at magazines nito ay bigla akong ginapangan ng kung anong kilabot. Kilabot talaga dahil minsan na akong naka-saksi ng kahila-hilakbot na pangyayari dito. Lumipat ang mata ko at dumapo naman ito sa TV, ang TV na muntik ko nang mabasag dahil sa gulat at takot.
Paano ko nga ba makakalimutan ang gabing iyon kung ilang beses akong binangungot no'n. Ang manyak at fuckboy kasing ito, burara din. Ni hindi marunong magpatay ng pinapanood. Pero kataka-taka na ganon ang pinapanood niya.
Well, labas na ako roon. Inaya niya nga akong manood ng Rated-X na boy-to-boy raw at iyong isa na hindi na nasalo ng utak ko dahil sa kanyang walang filter na bibig.
"Pup,"
"Ay, rated-x!"
Lumipad ang dalawang kamay ko sa aking bibig pero huli na dahil nasambit ko na ang mga katagang iyon.
Ngumisi si Yaelan sa akin. Humalakhak si Yaelan at talagang tawang-tawa siya dahil sa kahihiyan ko.
"Sira ka!" Pinatid ko ang binti nito.
"Prfft! Don't worry, pup, manonood lang tayo ng movie at matutulog. A'right?" Yaelan said, a hint of amusement dancing in his eyes as he watched me fumble over my words.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Maliligo muna ako and while I'm in the bathroom. Pwede kang kumuha ng drinks or chips sa baba para may makain tayo later." aniya.
Nilukutan ko lang siya sa aking noo sabay simangot. Talikod ito sa akin at akala ko pupunta na siya ng banyo upang maligo nang mala-kidlat itong lumingon sa akin at dumukwang bago humalik sa aking pisngi at saka kumaripas ng takbo patungong banyo!
"Yaelan Wycliffe!" sigaw ko pero nasarhan na niya ako ng pinto sa banyo! Narindi ako nang marinig ko ang tawa niya sa loob ng banyo!
Mabibigat ang paa kong bumaba. Nagdadalawang isip ako kanina kung susundin ko ba ang sinabi nitong manonood kami ng movie at tulog daw sa silid niya. Ngunit ngayon, nakikita ko na lang ang sarili ko na nagluluto ng popcorn at fries.
Napapikit ako at sinapo ang aking dalawang palad sa aking pisngi. Mainit ang pisngi ko at kahit hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang paghalik ni Yaelan sa pisngi ko! Sinasamantala ni Yaelan ang pagkakataong ito dahil wala ang kanyang dalawang kapatid! Bwesit siya!
Humingang malalim ako bago nilagay sa malalim na glass bowl ng popcorn at sa isang bowl naman ang fries. Nakakabanas na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Epekto ito ng fuckboy na iyon! Kahit nga wala silang ginagawa sa akin o kahit titig man lang niya napapabilis nila ang tibok ng puso ko na parang na-iexcite.
Binitbit ko na sa taas ang mga niluto kong pulutan namin habang manonood ng movie raw. Sa ibaba ng kama ko ito inilagay tutal may carpet naman doon. Kahit wala pa si Yaelan ay kumain na ako ng fries. I don't know pero ang sarap lang para sa akin no'ng fries talaga.
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
General FictionBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit