CHAPTER 21

4.8K 198 25
                                    

Chapter 21

Eissen's POV

I'm in a whirlwind of mixed emotions. On one hand, I feel an overwhelming sense of gratitude and warmth because Yaelan has been so attentive and caring during these three days when I've been completely out of sorts. However, there's also a lingering frustration—my current state has left me physically impaired, making it difficult to even walk properly. Iyong nagising ako na may lakas pa ako sa katawan siguro ay dahil lang iyon sa adrenaline and dopamine na natira sa katawan ko. As the weight of the day settled on me, fatigue, soreness, and pain began to overwhelm my body.

It's actually a good thing na sa mga araw na hindi pa ako nakakatayo at nakakagalaw masyado ay hindi naman umuwi sina Yashveer at Yosiah. Nabalitaan ko kay Yaelan na malapit na naman daw ma-settle iyong aksidenteng nangyari at uuwi na rin iyong dalawa dito sa isla.

I don't understand. Nakakaluwas naman sila dito sa isla. Nakakapunta sila kahit saan ngunit bakit hindi nila inuuwi ang kanilang ama. Nangungulila sa kanila si Don Yael pero mukhang hindi nila iyon iniisip. Sa desperado ni Don Yael na makapiling ang kanyang mga anak ay handa siyang magbayad ng kahit na magkano para lang makasama sila. Hirap ng mga mayayaman. Hindi ko maintindihan ang kani-kanilang mga problema kasi ako pera at trabaho lang ang laging nasa isip.

"Pup?"

Napaigtad naman ako nang biglang dumapo ang malaking kamay ni Yaelan sa aking balikat. Tumabon ang anino ni Yaelan sa akin mula sa likod kung kaya't nilingon ko ito. Naka-sleeveless siya na kulay itim na siyang humuhubog sa kanyang mabatong katawan, tapos naka-shorts na kitang-kita ko ang kanyang nag-iigtingang laman. Naka-open toes na tsinelas din siya. Mukhang nakapagpalit na sa kanyang sapatos. Pawisan siya at madampi ang buhok.

Kakatapos ko lang sa aking breakfast na mukhang lunch ko na rin dahil pasado alas onse na rin naman. Tapos itong si Yaelan ay galing sa kanyang morning jog. Despite being drenched in his own sweat, his masculine scent—rich and expensive—still dominated my senses, intoxicating my mind.

"Ay, kanina ka pa?" anas ko rito sa kinauupuang hammock sa likod ng bahay, mukhang tambayan kasi ito na siyang malapit lang din sa garage nila na enclosed lang din sa kanilang bahay na nakatirik dito sa mataas na parte ng bundok.

"Not so, pinuntahan kita sa kwarto mo dahil akala ko..."

"Okay na ako." agap ko sa kanya.

Akala kasi nito ay hindi pa ako nakakalakad ng maayos. Sa mga nagdaang araw ay inaalalayan niya ako tungong kusina and pabalik sa silid ko.

"Nakakaupo na mga ako rito ng maayos." Pakita ko pa sa kanya sa kinauupuan kong hammock. Ngayon kasi nakakaupo na ako na hindi kumikirot ang pwet ko. It's not firing with pain anymore.

Tumayo ako at tumalon-talon para ipakita kay Yaelan na maayos pa ako sa maayos.

"Okay, okay. That's good to see and hear that you're fine. You made me worried."

Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. I knew and witnessed how worried he was when I was bedridden and could barely move. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit iyon nangyari sa akin. Kahapon nawala ang lagnat ko dahil doon hindi niya natuloy ang pagpapadala ng doktor sa bahay nila.

Siguro natakot siya no'ng nakita niya akong nanginginig the day after that spice night. Ininom ko lang ng gamot at iyon pwet ko naman na parang namamaga at may sugat ay nilalagyan niya ng ointment, na nakakatulong daw iyon sa paggaling ng mabilis doon sa maga. That's why today, I am all good!

Yaelan closed the gap between us, wrapping his strong arms around me tightly. He buried his face in the curve of my neck, inhaling deeply with each breath.

Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon