CHAPTER 10

6.6K 458 134
                                    

Chapter 10

Eissen's POV

Nagising ang diwa ko na may mainit na hanging umiihip sa akong balunbunan. Wala pa akong ganang ibuka ang aking mata kaya pinakiramdaman ko muna iyon. I don't know, despite the hot air fanning over my head, it feels comfortable and relaxing.

I snuggled my face onto the thing that I was hugging. So comfortable! Hindi naman malambot ang yakap-yakap ko at sa katunayan nga ay matigas ito kaso gusto ko naman mabango rin kasi.

A cheeky smile spread across my lips. Kailan ba nung huli akong nakatulog ng ganito ka-komportable? Iyon bang kasama ko si Lola Erming? I don't know halos limot ko na.

"Uhm!" ang isang ungol.

My eyes violently open when I hear a familiar moan—no, a familiar voice. I couldn't be mistaken! I know who the owner of that deep and throaty voice is! Good Lord! Guni-guni ko lang ba ito? Isa na naman ba ito sa wildest dream ko?

Napalunok ako sa gitna ng 'di magkamayaw na paghataw ng aking puso. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at halos lumuwa ang aking eyeballs nang makita kong hindi unan o kung anuman ang aking yakap-yakap! Tao ang niyayakap ko! Shit! Shit! Shit!

Para akong nakukuryenteng lumayo ako at dahil sa aking pagkataranta. Nahulog ako sa kama pero tila walang epekto sa akin ng pagkahulog mula sa kama dahil sa kabog ng dibdib ko. Nakadapa ako sahig na tumingin sa kama, unti-unti akong sumilip doon.

Napahawak ako sa aking dibdib nang makita kong nakapikit pa rin si Yosiah. Mukhang hindi naman siya nagising mula sa pagkalabog ko dito sa sahig.

Nang makabawi na ako sa gulat ay mabilis kong nilisan ang kwarto ni Yosiah.

Abot-abot ang tahip ng dibdib ko at ang malalalim kong hininga nang makaabot ako sa aking silid. Saglit akong sumandal sa pintuan at kinapa ang aking dibdib.

"Hoy! Umayos ka!" Pagalit kong untag sa dibdib ko na hindi pa rin kumakalma.

Lumapad ang dalawa kong kamay sa aking ulo at pilit na inaalala kung papaano ako nakatulog doon sa silid na Yosiah!

"Kinabig niya lang ako, nadapa ako sa ibabaw niya, pinigilan niya akong umalis... at niyakap." ani ko habang nagma-martsa sa loob ng aking silid.

"Papaano ako nakatulog ng matiwasay kasama ang aking kaaway?" Sunod kong wika.

Hihintayin ko lang naman sana na luluwag ang pagkakahawak ni Yosiah sa akin kaso... nakatulugan ko! Kaya siguro ganoon na lang ang posisyon naming dalawa!

"Ahhh!" Tila nababaliw kong anas at saka padapang tumalon sa aking higaan.

Impit akong sumigaw doon sa aking unan. Ngunit agad rin akong napaahon mula sa pagkakadapa sa aking kama.

"Hindi naman siguro alam ni Yosiah na nakayakap ako sa kanya, 'no? Tulog siya kaya hindi niya iyon alam. Wala iyong kamalay-malay. Saka kong may malay iyon baka iyon pa magtapon sa akin palabas ng kwarto niya." Pilit kong kumbinsi sa aking sarili.

Imbes na lunurin ko ang aking utak sa mga nangyari sa nakaraang gabi. Naligo ako at nagluto ng breakfast. Pagkatapos ay naglinis din ako sa labas ng bahay. Mabuti't maaraw na.

Tama nga si Yosiah ang daming lilinisin na dahon sa kanilang bakuran.

"Eissen!"

Kaagad akong napatigil sa pagwawalis ng dahon nang may marinig akong tumawag sa akin.

Nilingon ko ang pinanggalingan no'ng boses.

"Raziel!" anang ko nag makita ko si Raziel. Hay! Ang ganda rin talaga ng baklang ito. Kahit yata kakagising lang nito maganda na. "Halika ka rito!" ani ko at kinumpas ang kamay.

Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon