Chapter 9
Eissen's POV
Pagod kong dinilat ang aking mata. Though I'm still lying in bed, ramdam ko pa rin ang pagkahilo, pamimigat ng takip-mata ko, at pakiramdam ko ay sinilaban ang aking sistema dahil sobrang init ng aking pakiramdam. Pati hininga ko ay parang ang init.
Ang pagod kong mata ay kaagad na nanlaki nang mapagtanto kong iba na ang ceiling na bumungad sa akin. Sa pagkakatanda ko naman ay hindi kulay brown ang ceiling ng aking tinutuluyan.
Gusto kong bumangon ngunit tila hinihila ako ng kama pahiga. Ang bigat ng din pakiramdam ko. Pinakiramdaman ko ang kama at batid ko ang lambot nito. Malayo sa nakasanayan kong higaan dito sa bahay ng magkakapatid na Wycliffe. Litse!
Nang ilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid kung nasaan ako ay kaagad akong ginapangan ng kakaibang kaba nang mapagtanto ko kung kaninong silid itong aking kinahihigaan! What the hell?! How did I end up in Yosiah Wycliffe's room!?
I try to move away from the bed at kung kaya ko lang ay gagapangin ko na sana ang pintuan upang makalabas sa silid ng aking biggest enemy kaso wala akong lakas. Shit! Bakit ba kasi ako nagpaulan kahapon? Tanginang pride kasi, eh! Kasalanan ni Yosiah ang lahat ng kamalasan ko sa buhay! Kasalanan niya!
"What are you doing?" echoed a manly and deep voice throughout the entire room.
Kahit boses lang nito kilala ko na, kahit nga siguro presensya nito ay kilala ko na.
And as much as I don't want to look at it his way, I don't have any choice.
Nakahilig si Yosiah sa pintuan ng kanyang silid at tamad akong tinitingnan. Naka-gray sleeveless lang ito kaya naman kitang-kita ko ang pag-flex ng kanyang braso at ang kanyang black pajama ay halos matakpan ang kanyang paa. Though, hindi kagaya ng katawan ni Yaelan ang katawan ni Yosiah, 'di ko naman maipagkakaila na malaki rin talaga ang pangangatawan nito. Naka-down lang din ang kanyang may kahabaang buhok.
"G-good morning, sir?" anang ko na lang sa kanya. Naabutan niya kasi akong naglilikot dito sa kama at sinusubukang makabangon.
Tamad itong tumingin sa bedside table bago nagsalita, "It's already 1pm, Mendoza."
Napatingin ako sa bedside table naroon pala ang orasan at nakita kong hapon na nga!
"M-magluluto na ako, sir!" Presenta ko pa kahit hindi na nga makabangon sa kama dahil sa lagnat.
"Nakapagluto na ako." Ani Yosiah.
"Sorry po,"
"Kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Nag-iinarte ka pa kasi kahapon." Masungit nitong untag.
Gustong-gusto kong pabulaanan ang mga sinabi ni Yosiah kaso pagod ako. Wala akong gana makipagtalo ngayon sa kanya.
Kahit na nahihilo ako at sobrang bigat ng aking pakiramdam, sinubukan kong muling bumangon ngunit bago pa ako makaahon sa kama ay nagsalita na naman si Yosiah.
"Just lie down. Dadalhin ko na lang ang pagkain mo dito." With that, he leaves the room, leaving me speechless.
Ilang minuto lang ay nakabalik na rin si Yosiah at may dala na itong food tray na may nakalagay na pagkain. Nilagay niya iyon sa kama. Akala ko ay aalis na siya pero nilapitan niya ako at walang anu-ano'y inakay ako upang makabangon. Ni hindi ako nakapagsalita at naka-alma sa bilis ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
Ficción GeneralBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit