Chapter 16
Eissen's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas mula no'ng kahindik-hindik na gabing iyon sa kwarto ni Yaelan. Gusto kong bugbugin si Yaelan dahil sa kahalayan niya at dahil sa pagiging pabaya nito. Papaano niya naggawang iwan ang TV niya ng ganoon ang pinapanood? Bakit hindi hindi man lang niya iyon pinatay? Sa sobrang halay niya, pati tuloy ako ngayon ang dumi na ng utak! Nahahawaan na ako sa pagiging mahalay niya!
Dumaan na ang dalawang araw pero hanggang ngayon nasa kukuti ko pa iyong dalawang lalaki sa TV na ginagawa ang bagay na 'iyon'. Tapos ang ungol nila ay para pang sirang plaka na naririnig ko hanggang ngayon! Duming-dumi na ako ngayon sa isip ko. And it's all because of that fuckboy, Yaelan Wycliffe!
Ngayong gabi ay maulan at malamig ang panahon kung kaya't naisipan kong magluto ng something na may sabaw. Para rin masarap ang kain ko rito sa kabila ng mga inaalala ko. Nauumay na naman ako kaka-beef namin kaya napagpasyahan ko na pork bulalo ang lulutin.
Matapos kong magluto at maghain, umakyat ako sa taas upang isa-isang katukin ang pinto ng mga silid ng magkakapatid. Hindi rin ako nagtagal sa taas dahil iniiwasan ko ang dalawang magkakapatid! Si Yosiah dahil sa inamin niya sa akin at si Yaelan dahil naiinis pa rin ako sa kanya. While, Yashveer... hindi ako kinakausap. I don't know. After that kiss incident happened in his room, hindi na niya ako kinakausap o pinapansin. Hindi ako ayos doon dahil may misyon ako sa kanya at maliban d'yan binabagabag ako ng todo.
"Enjoy your dinner!" Kunwari ay masigla kong saad nang dumating ang magkakapatid.
I can feel Yaelan's eyes boring into me, but I choose to ignore those piercing stares. My gaze settles on Yashveer, but he is absorbed in scooping from a bowl of bulalo, too engrossed to even glance my way. Tatalikod na sana ako nang magsalita pa si Yosiah.
"You can join us, Mendoza," aya nito sa akin at minuwestra pa ang kamay upang pasabayin ako sa kanilang dinner.
"H-hindi na. Tapos na akong kumain." Ngiti ko pang saad dito kahit na ang totoo ay hindi pa ako kumakain. "Iwan n'yo na lang ang pinagkainan ninyo at ako na ang magliligpit mamaya. Hihintayin ko rin kasi ang tawag mula sa Lola ko." Dagdag ko pa at mabilis na tumalima tungo sa aking silid.
Sumandal ako sa pinto ng aking silid nang makapasok ako. Kailangan kong tatagan ang sarili ko dahil alam kong pagsubok ko lang ito. Kailangan kong iwasan ang tukso! Lahat ng tukso ay dapat mawala sa daanan upang magtagumpay ako rito. Mukha pa namang naiinip na si Don Yael.
Tinatantsya ko kung kailan matatapos kumain ang magkakapatid at habang naghihintay ay naisipan kong magtupi sa aking mga bagong laba na damit. After a long, boring thirty minutes in my room, I quietly slipped out to check if the Wycliffe brothers had finished their dinner. I silently whispered my gratitude when I saw the empty chairs in the dining area.
Kumain muna ako, dahil talagang nagutom na rin ako kanina habang naghihintay doon sa kwarto, bago ko nilinis ang mesa. Dinala ko ang huhugasan kong mga plato sa kusina at hinugasan.
Nagpupunas na ako sa mga platong nahugasan ko gamit ang malinis at tuyong towel nang may pumasok sa kusina. Tiningnan ko kaagad iyon at nakita kong si Yashveer iyon. Naka-puting shorts siya at kulay abo na sleeveless shirt, showing off his wide shoulders.
His eyes fixed on me, unwavering and intense. He remained silent, his stare piercing and unrelenting, completely indifferent to how I felt under the weight of his emotionless gaze.
"M-may kailangan ka?" Ako na ang unang nagsalita sa amin dahil nakatitig lang siya sa akin.
His eyes fluttered.
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
General FictionBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit