CHAPTER 3

8.5K 361 62
                                    

Chapter 3

Eissen's Pov

Humalo sa patak ng ulan ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Sa sobrang galit ko, sa sobrang awa ko sa aking sarili, at sa sobrang takot ko ay 'di ko na lang namalayan na napaiyak na ako. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay itong galit na nararamdaman ko para kay Yosiah. Ang sama-sama niyang lalaki! Awang-awa pa ako sa sarili ko dahil sa kinasasadlakan ko ngayon. At takot pa ako para sa sarili ko.

Ngayon na ba ako mamamatay sa lamig at gutom? May pera pa naman ako rito na natitira kaso may bahay kayang magpapatuloy sa akin? May tindahan pa kayang bukas ngayon, e ang sama ng panahon? Jusko! Ngayon pa nga lang ako nakakatungtong sa Bongkai, dito pa ko mamamatay?

Natahimik ang loob ng bahay. Nanginginig-nangangatal na ang mga labi ko pati yata ang buong pagkatao ko ay nanlamig na at wala nang natitirang tuyo sa suot ko.

Isang mapait na ngiti ang iniwan ko bago tumalikod sa bahay ng mga Wycliffe. Mga professional nga, wala namang mga modo. May mga natapos nga pero parang wala namang pinag-aralan dahil sa sama ng ugali. Lalo na ang Yosiah na iyon. Kahit gaano pa talaga ka yaman ang isang tao at kahit ano pa ang natapos nito. Hindi talaga natatakpan ng pera ang tunay na budhi ng isang tao.

Muli kong tinahak ang daan pababa at hila-hila ko ang dumobleng bigat ng maleta ko. Ang masaklap pa sa kalagayan ko ngayon ay malalayo ang nga kapitbahay ng mga Wycliffe. No wonder, masama ang ugali ng panganay, eh.

Kahit na alam kong walang saysay ang pagpunas ko sa aking mga luha. Nagpunas pa rin ako at tumigil saglit. Dinamdam kong mga patak ng ulan sa akin at huminga ng malalim. Kaya ko naman sigurong itawid pa itong gutom ko hanggang bukas. Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganitong klaseng gutom. Dahil mahirap lang ang Lola ko, lumaki talaga ako na tinutulugan ko na lang ang kumakalam kong sikmura.

Muli kong hinawakan ang handle ng maleta ko at hahakbang na sana nang biglang tumigil ang ulan. Napatingala ako. 'Di pala tumigil ang ulan. May pumayong lang sa akin mula sa aking likuran. Nakita ko ang kulay puting payong sa aking itaas.

Umikot ako upang makita kung sino iyon at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang pumapayong sa akin.

"I-ikaw 'yong lalaki sa daungan!" Tinuro ko pa ito gamit ang namumuti at nanginginig kong kamay dahil sa lamig.

Wala itong inimik at bagkus ay kumuyom lang ang panga.

"Teka, bakit nandito ka? Taga rito ka rin?"

"Come with me," aniya at kinuha ang maleta sa kamay ko.

Hindi ako nakagalaw nang tinahak niya ng daan pabalik sa bahay ng mga Wycliffes.

"Wycliffe ka?"

"Come with me before you freeze to death."

Lumunok ako bago ito sinundan.

"I-ikaw ba... si Yaelan? Si Yaelan Wycliffe? Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Hindi namin hahayaang dito ka mamatay malapit sa bahay namin."

Sa gitna ng panlalamig ng katawan ko ay naramdaman ko ang takot. Bakit ganito sila magsalita? Ang sasama nila. Professional ba talaga sila? Kung makapagsalita naman sila parang ang dali lang ng mga bagay na kanilang mga sinasabi.

Ang tumutulo kong maleta dahil sa ulan sa labas kanina ay pinasok pa rin iyon ni Yaelan sa loob at itinabi niya lang ito. Pagkapasok ko sa main door, sa gilid no'n ang isang hagdanan tungo sa itaas at sa harap naman ang isang maispasyong sala na may naka-U shaped na mga malalaking sofa.

Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon