CHAPTER 17

7K 397 149
                                    

Chapter 17

Eissen's POV

"L-liligawan ka nila? Ang tatlong Wycliffe?" Garalgal ni Raziel, and his eyes widen in response. Nandito kami sa port ng isla. Nagkita kami rito nang maisipan kong magpahangin matapos nang revelation nung nakaraang gabi.

Matamlay akong tumingin sa dagat.

Actually, wala pa akong maayos na tulog. Hindi ako pinatulog no'ng mga Wycliffe na iyon. Hindi ko kasi lubos maisip na mauuwi ako sa gantong sitwasyon. Naiipit ako sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kung matuwa na... na may gusto ang mga taong gusto ko sa akin. Ngunit natatakot at nangangamba rin ako. Natatakot ako dahil oras na pairalin ko itong nararamdaman ko, si Don Yael at ang mga tao sa paligid ko ang haharapin ko. Nangangamba ako dahil... hindi alam ng mga Wycliffe ang tunay kong pakay sa kanila.

What if malaman nila na kaya ako nandito dahil kay Yashveer lang? What if malaman nila na pinapakisamahan ko lang sila dahil nais kong madala si Yashveer sa syudad? Masasabi pa kaya nila na gusto nila akong ligawan?

"Oo, iyon ang sinabi nila sa akin." ani ko kay Raziel. Nakatingin lang ako sa dagat sa harapan namin.

"G-grabe silang tatlo ang sabay na nagkagusto sa'yo?"

I simply shrugged my shoulders, cast my gaze downward, and fixated on my toes. Itinungkod ko ang aking magkabilang kamay sa kinauupuan namin ni Raziel.

"Bakit hindi mo na lang sila hayaan, Eissen?"

Nilingon ko siya. "Ang gahaman ko naman sa lalaki kapag hahayaan ko sila, Raziel."

Ngumuso siya at sinalubong ang aking titig.

"Eissen, liligawan ka palang nila. Hayaan mo sila na ipakita kung totoo ba ang mga pinagsasabi nila. Hayaan mo sila na ipakita sa'yo kung tunay ba kanilang mga mabulaklaking salita. Baka kasi hanggang salita lang ang mga 'yan at wala sa gawa. At saka, hindi naman gahaman kung hahayaan mo ang mga Wycliffe na manligaw sa'yo. Mabuti nga iyan kasi may pagpipilian ka kung alin man sa kanila ang gusto mo. 'Yan ang layunin kung bakit may ligaw, para ipakita nila ang tunay nilang pakay sa'yo!" Saysay ni Raziel at napatitig na lang ako sa maganda niyang mukha habang nagpapaliwanag. Hindi ko alam na ang dami niya palang tinatagong words of wisdom d'yan sa inosente at pala-ngiti niya mukha.

Oo nga naman. Ligaw palang naman daw ito. Ayaw kong i-big deal ang bagay na ganto. Aalahanin ko na lang ang tunay kong pakay kung bakit ako napadpad sa islang ito. And I might... enjoy this habang nasa palad ko pa? Ang hirap!

"Anyway, tama na muna tayo sa akin. Ikaw, bakit ka nandito? Mabuti at pinayagan ka ng kasama mo sa bahay na pumunta rito." saad ko sabay hingang malalim at sumandal sa aming kinauupuan.

Hinabaan niya lang ako ng nguso niya at ngumiti siya ng maliit. Ang cute niya rin talaga!

"Pumalaot siya kasama iyong kapitbahay namin. Hehehe!"

"Tumakas ka pala sa inyo? Papaano kung dumating iyon tapos wala ka sa bahay ninyo?" Pag-aalala ko sa bakla!

"Uuwi na rin naman ako mamaya." Ngumuso lang siya.

"Halika ka nga. Samahan mi na lang ako sa loob ng palengke may bibilhin lang ako bago tayo magsi-uwian."

Magana namang tumango sa akin si Raziel at tumayo. He gently hooked his arm around my left arm, and together we blissfully took a stride. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang baklang 'to. Patalon-talon pa siya sa tabi ko habang naglalakbay kami papasok ng wet market.

"Ang pe-presko ng isda nila rito, 'no?" ani ko nang mamili kami ng isda. "Baka mga huli ito ng kasama mo sa bahay."

Ngumisi lang si Raziel.

Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon