Chapter 8
Eissen's Pov
Gusto kong luhuran si Yashveer at magmakaawa na huwag akong iwan mag-isa rito sa bahay nila kasama ang kanilang kapatid na tila kasapi sa isang hoodlum. Nais ko nga ring sabihin kay Yaelan na sasama na lang ako sa kanila. Kaso baka makahalata ang magkakapatid. Ayaw kong pumalpak sa trabaho ko rito lalo na ngayon na parang nakukuha ko na ang loob nila.
Kaya ngayon, mabibigat ang mga hakbang ko habang nakasunod kay Yashveer at Yaelan tungo sa kanilang helicopter. Nandito kami sa helipad ng kanilang bahay at ito pala ang means of transportation nila kapag may emergency silang pinupuntahan.
Patakbo akong humabol sa mahahabang hakbang ng magkakapatid.
"Mag-ingat ka rito. Huwag mong papainitin ang ulo ni Kuya." sabi pa ni Yashveer sa akin at tinapik ang aking balikat. Kinuha niya ang luggage sa aking kamay.
Ngumiwi ako. Hindi nakakatulong sa kaba at takot ko ang kanyang sinabi.
"Bilisan n'yo naman ni Yaelan doon sa pupuntahan ninyo." Ngusong wika ko sa kanya.
"I'll depend, babe." si Yaelan.
Napatalon ang balikat ko nang may biglang kamay na dumapo sa aking balikat. Nilingon ko ang may-ari no'n at nakita kong nakangisi sa akin si Yaelan.
Sinimangutan ko siya. Sa pagkaka-alala ko, sinabi ko rito kay Yaelan na Eissen na lang ang itawag niya sa akin. Bakit nagb-babe na ito sa akin?
Oh my god! Don't tell me... don't tell me that he knows my secret?!
"T-tse!" Asik ko rito at inis na kinuha ang kanyang mabigat na kamay sa aking balikat.
He only smirked and got on the helicopter.
Lumapit ako kay Yashveer, sinilip ko muna ang fuckboy niyang kapatid bago bumulong dito.
Tumingkayad ako at bumulong sa tenga ni Yashveer. "Alam niya ba ang secret ko?"
"Secret mo?" si Yashveer naman.
Napairap ako. Engineer at gwapo na sana kaso slow lang!
"Iyong secret ko... iyong secret natin... n-na bakla ako!" Pagalit ngunit pabulong ko pa ring wika kay Yashveer.
"Oh," sambit niya nang makuha ang sinasabi ko. "I don't know, pero baka alam ni Kuya. Matalas pa naman ang pakiramdam niya."
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa mga mata ni Yashveer na nakatuon sa akin. "S-seryoso ka?"
Ngumiti lang siya. "Don't think about it." aniya at ginulo ang buhok ko. "Huwag ka lang papahalata masyado. Mahirap kang ipagtanggol, eh."
Napairap ako sa kanya.
Kinawayan ko si Yashveer habang unti-unti nang tumataas ang helicopter, kinawayan ko rin si Yaelan na nakangisi lang. Damn that fuck boy!
"Hay! Naiwan talaga ako kasama ang hoodlum na iyon!" Wika ko habang nakatingala pa rin helicopter kung saan lulan si Yashveer at Yaelan.
"Hoodlum, huh!"
"Kabayo ka!" Sambit ko sa gulat! Muntik nang humiwalay sa katawang lupa ko ang aking kaluluwa sa sobrang gulat nang may magsalita mula sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
General FictionBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit