Chapter 35

32 0 0
                                    

Inuwi ako ni John sa bahay. Bumalik siya sa pagtitipa sa laptop niya na para bang walang nangyari habang ako ay nagugulumihanan pa rin sa nangyari. Their reactions as they saw each other, I knew something's wrong.

Lumapit ako sa kaniya pero hindi iyon ang nagpalingon sa kaniya. "What happened, John? Bakit kilala mo ang lalaki na iyon? Sino ba iyon?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Hindi man lang niya ako nilingon o kahit na pagtigil sa ginagawa niya ay hindi niya iyon ginawa. He's still typing and making schedules on his laptop.

Napairap ako, "tell me who that man is! Bakit kilala ka niya? Sino siya sa pamilyang ito?"

Binaba ni John aang hawak na laptop saka siya tumingin sa akin nang diretso. "You don't want to know, Andrea. Stay away from that man."

"No! Tell me first, who is he?!" Tumayo siya kaya napaatras ako ng hakbang.

"He's nothing,"

Nasabunot ko ang sarili kong buhok. Kahit ilang beses ko siyang tanungin, alam kong hindi siya sasagot una pa lang na hindi siya sumagot.

"Bakit ayaw mong sabihin? Bakit? Ano ba iyang mga tinatago mo sa akin? Gusto kong malaman ang lahat! Iyong totoo, John. I want to know all the truth you're hiding. Hindi ba ako karapat-dapat para diyan? Why do you have to lie to me?!"

Huminga siya nang malalim bago siya umiwas ng tingin. He walked away.

"I did not lie," he said and I'm just looking at him while he's making a tea for himself. "I just want to protect you. Iyon naman talaga ang ginagawa ko noon pa. Nilalayo kita sa gulo hangga't kaya ko." Dagdag pa niya.

Hindi ako nagsalita. Mas lalong lumalim ang interes ko na pakinggan siya. If he really wants to protect me, he should've tell me everything for me to understand.

"So, please listen if I say this… you stay away from that man and his daughter. Makakabuti sa iyo na malayo sa kaguluhan."

Parang bumagsak ang katawan ko sa sinabi niya at naramdaman ko ang pagod ko. Napaupo ako sa couch at napatingin sa mga palad ko.

Alam ko nang nagsisinungaling siya sa akin, bakit sa kaniya pa rin ako nagtatanong? May tinatago ba siya sa akin na hindi ko dapat malaman tungkol sa parents ko? May kasalanan din ba siya kaya ayaw niyang sabihin sa akin?

So, how will I know?

Kinabukasan ay nagmadali akong umalis sa bahay. Walang pasok ngayon pero lumabas pa rin ako nang hindi man lang nagpapaalam kay John. I know he'll look for me. Tumakas ako para lang may kausapin na importanteng tao.

Ngayon ay nakatayo ako sa malaking gate ng bahay na nasa harapan ko. Galing na ako rito dati kaya hindi na ako nahirapan na puntahan ang bahay na ito.

Agad akong pumindot sa doorbell at naghintat ng tao. Segundo lang ang tinagal bago may magbukas ng gate sa akin. An old woman. "Sino sila? Anong kailangan?" She asked.

"Classmate po ako ni Chelsea." Sagot ko. "May research po kaming gagawin." Dagdag ko pa.

Tumango ang babae bago siya sumenyas na puwede na akong tumuloy. Pumasok ako sa malawak na bakuran ng bahay nila. Sinamagan ako ng matanda. Siya pa ang nagbukas ng pinto para sa akin kaya nakapasok ako sa loob mismo ng bahay nila Chelsea.

"May bisita ka, ma'am Chelsea. Klasmeyt mo." Pasigaw na sabi ni manang habang nakatingin sa second floor.

"Classmate? Who daw?"

Sumigaw din si Chelsea. Nanggaling sa taas ang boses na iyon kaya sigurado na nasa itaas siya. I heard footsteps. Nakita ko siyang naglakad papunta sa railings ng second floor at sumilip sa amin.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon