Nasa labas ako ng bahay at tulalang nakamasid sa mga bulaklak na nakadisplay malapit sa akin.
“Your eyes are beautiful.”
Hindi maalis sa utak ko yung sinabi ni Sir Perez sa akin. Alam ko naman na maganda ang mga mata ko pero hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin nang malapit pa ang mga mukha namin.
Uunahan ko na ang sarili ko bago pa niya maisip, teacher siya at estudyante ako. There is always a huge difference between the two. There is a thousand miles gap between me and him.
Malabo.
Napakalabo.
Humalukipkip ako at tinitigan ang isang bulaklak na walang kaparehong bulaklak. Mag-isa lang siya at napapaligiran pa ng mga naglalakihang bulaklak sa paligid niya. Sinadya ba ni John na isang piraso ang ilagay diyan?
“Pinalabas sa akin ni Papa iyang mga iyan.”
Umupo sa isang upuang bakal si Cosmo at nilapag ang hawak niyang tray na may lamang donuts. Napangiti ako bigla dahil paborito ko ang choco butternut.
“Uy," aniko.
“Nasabi kasi sa akin ni Papa na paborito mo ang mga ganiyan kaya naisipan kong gumawa.”
“Ikaw ang may gawa niyan?”
“Oo,” maikling sagot naman nito.
“Marunong ka palang mag-bake. Hindi ko na kailangang mag-order pa.”
Tinusok ko sa tinidor ang isang donut saka ko iyon kinagatan. Ang sarap niya. It tastes heaven. Iba ang lasa at texture ng isang ito kumpara sa mga nabibili lang sa mga shop.
“Seryoso, walang halong biro. Ang sarap nito.” Ngumunguya ako habang sinasabi ang mga iyon sa kaniya.
Hindi ko inubos ang isang donut man lang dahil masyadong matamis at natatakot akong tumaba kaya nag-iingat ako sa mga pinapasok kong calories sa katawan ko.
“Gusto ko sanang humingi ng pasensiya sa nagawa ko sa cafeteria,” aniya.
Napalingon tuloy ako sa kaniya nang magseryoso na ang boses niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
“Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy ni papa. Nabastos pa kita sa cafeteria nung nakaraang mga araw.”
“Ayos lang iyon,” nakangiting sagot ko sa kaniya.
“Pero, kahit pa man na hindi ko pa alam na ikaw si Andrea, gusto na kita. Seryoso ako, Andres.”
“Bakit naman?” Natatawang tanong ko sa kaniya.
“Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan kita.”
Tumitig ako sa mga mata niya saka ko siya nginitian. "Magising ka nga. Hindi ako magpapaligaw basta. Nasa kamay ko ang kinabukasan ng kabuhayan namin. Isang mali lang ay puwede iyong mawala."
Napayuko siya saka bahagyang tumango ng dalawang beses. “Hindi ako bagay sa iyo dahil mababang uri lang ako ng tao. Ipinanganak lang ako para maging kapalit ng ama ko at bantayan ka.”
“May purpose ka sa mundong ito.” I tapped his shoulder to comfort him and he smiled. “Hindi ko lang alam kung ano.”
Tumango siya matapos kong sabihin iyon. Inabutan niya ako ng tissue dahil ang dumi kong kumain.
Pagtapos naming mag-usap na dalawa ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Nagbabadya na ang pagdating ng malakas na ulan. Lumalamig na rin ang hangin na kanina ay may kasamang init.
“Miss Andi,”
Awtomatiko akong napahinto nang may isa sa mga maid namin ang tumawag sa gorgeous name ko. Nilingon ko naman siya.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.