Chapter 51

44 0 0
                                    

Tulala akong nakatingin kay Andrea mula sa malayo. Hanggang ngayon ay hindi ko siya magawang malapitan after what Edzell said. Kahit ilang linggo na ang nagdaan ay nakatatak pa rin sa akin ang mga sinabi niya.

Because of me you're having difficulties.

"Tahimik ang buhay niya nang wala ka, tapos dumating ka."

I felt a little pinch in my chest. His words are hard to swallow. Ngayon ay nakikita ko na lang siya sa malayo. I can't go near her. Nasasaktan ko siya. Hindi ko gustong masaktan pa siya.

"Bakit ba nandiyan ka?"

Parang kidlat na napalingon ako sa taong lumapit sa akin. Nakatingin siya sa akin bago siya lumingon sa babaeng pinagmamasdan ko.

Hindi ko siya nasagot dahil parehas kaming napatingin kay Andrea. May kasama siyang isang babae din na tinuturuan siya kung paano maglakad nang maayos. They are preparing her for her press conference.

My jaw clenched.

Maguguluhan lang siya kapag nilapitan ko siya. Naniniwala naman ako na maaalala niya rin ako. Siguro matagal pa iyon, pero kaya kong maghintay. One year, two years, even a decade.

"Hindi mo ba siya pupuntahan?" Pukaw sa akin ni sir Rafael, ang tunay na ama ni Andrea. Maging siya ay hindi muna lumalapit kay Andrea.

Umiling ako at ngumiti nang peke. "I don't want to bother her."

He scoffed that made me think of what I just said. "Bakit naman? Hindi mo ba naisip na makakatulong sa kaniya na lagi kang makita para bumalik ang memorya niya?"

Tumango ako sa sinabi niya. Tama naman talaga siya. Iyon nga ang dahilan ko kung bakit ko siya gustong laging makita at dalawin kahit nagtatala na siya. Kilala niya lang ako bilang teacher niya. Pero, sa tuwing lumalapit ako sa kaniya, there's a chance that she'll remember me and her pain.

Siguro ang nakalimot lang ay ang utak niya, pero naaalala ng puso niya ang sakit na naranasan niya dahil sa akin. I'm maybe the dumbest person she could ever meet. If only there's a reset button, I'll punch it no matter what it might cause me.

"Matalino ka, 'di ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Iniinsulto niya ba ako o talagang he's asking me? "What?"

Hindi siya sumagot. Muli niyang binalik ang tingin niya kay Andrea. They're happy. Iyan ang ayaw kong mawala sa kaniya. Kung saan siya masaya ay hindi ko iyon sisirain.

"Look at her."

"I'm looking." Sagot ko.

"Hindi na ako makapaghintay na makasama siya bilang anak ko. Gusto ko ngang puntahan siya at sabihin na anak ko siya... pero, alam kong hindi ito ang tamang panahon. Baka lumala lang ang kalagayan niya."

Nakangiti siya habang nagsasalita. Nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit alam niyang walang memorya ang anak niya.

Nahinto ako sa pagtitig sa kaniya nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Madali akong sumagot sa tawag ni papa. "Excuse ho." He just nod. Lumayo ako para masagot ko ang tawag na iyon.

"Dad? Pauwi na ako."

"Andrew, narito kasi ang kaibigan mo. Tinawagan kita para sana umuwi ka at mag-usap kayo."

Edzell.

Naramdaman ko agad na uminit ang katawan ko nang malaman ko ang dahilan ng pagtawag ni papa. It's just Edzell. Ano na naman kaya ang kailangan ng gunggong na iyon?

"Okay po, uuwi na ako."

Kahit pa may inis akong nararamdaman ay wala naman akong ibang pagpipilian bukod sa umuwi. Binalikan ko si Sir Rafael na pinanonood pa rin mula sa malayo sila Andrea.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon