Chapter 24

42 0 0
                                    

Binagsak ko ang katawan ko sa kama nang makauwi ako. Iniisip ko pa rin iyong nangyari sa restaurant. Imbes na si Hazi ang makita ko roon ay teacher ko pa. Mabuti at hindi siya nagtanong nang kayrami.

May kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Si John. "Kamusta ang pagkikita niyo?"

"He didn't showed up," sagot ko.

"Gano'n ba? Tatawagan ko nga." Asta pa niyang kukunin ang cellphone sa bulsa niya.

"Huwag na. Sabihin mo na lang sa kaniya na hindi na matutuloy."

"There must be an emergency."

Napairap ako sa sinabi ni John. "He didn't showed up and I was there like a fool."

"Busy kasi talagang tao iyon, Andrea. Baka nagkaroon lang ng emergency."

Presidente ba ng Pilipinas ang tumawag sa kaniya?

Hindi ko na siya sinagot. I just want to sleep because I'm tired. Wearing heels are not my style.

"Gagawan ko kayo ulit ng schedule. Promise, this time magkikita na talaga kayo. Sige, matulog ka na."

Pinikit ko na ang mga mata ko. Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa kahit gaano ko gustuhing maagpahinga. I can still see Sir Perez’ face. He's not supposed to see me in that place.

Tumayo ako at sinuot ang tsinelas. Lumabas ako sa kuwarto ko para kumuha ng maiinom sa kusina. Habang kinukuskos ko ang mata ko papunta sa kusina ay napahinto ako. Kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang marinig kong nag-uusap sila John at Cosmo.

It's already late. Why are they still up?

Nilapit ko ang sarili ko sa pintuan. Hindi nila ako nakikita, at gano'n din ako. Naririnig ko lang sila. They are talking about… me.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang mapagtanto ko kung anong klaseng usapan ang pinag-uusapan nila.

"Why are you still pretending?"

It was Cosmo. His voice are covered with sincerity.

"Hindi ako nagpapanggap, Cosmo. Hindi ko lang gusto na kapag nalaman niya…,"

Malaman ang alin? What are they talking about?

"I know she wouldn't want to know the truth… hindi na niya dapat malaman pa kaya sana ay itago mo ang lahat kahit ikamatay mo. I want to protect her from these truths that could lead to her misfortune."

Nailapit ko pa ang tainga ko. Gusto kong malaman ang tinatago niya. Karapatan kong malaman ang totoo kung ano man ang pinag-uusapan nila.

As long as it's all about me, I want to know!

"She's your grand daughter," si Cosmo.
Parang nanlambot ang tuhod ko sa narinig ko. This isn't a dream. Hindi pa ako natutulog kaya imposible na panaginip ito.

My heart is pounding. He's my lolo? That can't be true!

"She has every right to know all truths."

"No, Cosmo. Alam kong kapag nalaman niyang apo ko siya… pipilitin niyang malaman ang nangyari sa mga magulang niya. That will never happen. Even if I die."

I heard Cosmo sighs and a glass clanking. "I would never lie to a kid, if I were you."

"She must be protected from that truth, Cosmo. Keep her away from knowing this."

Parang gusto kong umiyak. All this time he's my grandfather and he knew everything, yet he kept it from me?! How could he do this to me?

Alam niya na noon pa lang, all I want is the truth and the culprit who caused my parent's misery. He isolated me from the truth.

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon