Chapter 17

45 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog pero nagmulat agad ako ng aking mga mata nang magkaroon ako ng malay. Sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari kanina at ramdam ko pa rin ang sakit sa noo ko, maging sa balakang ko ay may naramdaman akong parang naipit roon. Ang bigat ng pabangong binato sa akin ni Chelsea at parang nasa noo ko pa rin.

"Buti gising ka na,"

Napatingin ako sa lugar kung nasaan ako ngayon. Nasa school clinic ako. Dito ako dinala ng taong bumuhat sa akin. I need to thank whoever that is.

"I'm sorry,"

Nilipat ko ang tingin ko kay Sir Perez na nakaupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Teka, nandito siya? Akala ko ba ay may pinuntahan siya?

"Sir??"

Bigla kong naisip kung sino ang bumuhat sa akin. Siya ang bumuhat sa akin? Ano kayang nangyari kay Chelsea?

"Ah!"

Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot sa noo ko. Buwiset. Bakit sa noo pa ako tinamaan?

"Ano na'ng pakiramdam mo?"

Muli kong nilingon si Sir Perez na nag-aalala. Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng school clinic dahil wala namang iba na tatao rito.

Bumalik si Sir Perez. Nalamanniya bang kailangan ko ng resbak?

"Medyo masakit lang ho ang noo ko dahil dun sa binato ni Chelsea," mahinang sagot ko.

Nagitla ako nang umangat ang palad niya para hawakan ang noo ko na mayroon na pa lang maliit na benda roon.

"Malalim ang sugat mo kaya ganoon na lang ang pagtulo ng dugo. Pinalinis ko kay Chelsea ang dugo na nagkalat sa classroom."

Umawang ang labi ko. Hindi lang ako makapaniwala na inutos niya iyon sa bratinelang babae na iyon.

"I'm really sorry this happened to you.

Bahagya akong nagbuga ng hangin mula sa ilong ko. "Akala ko ho ay aalis kayo ngayon," iniba ko na ang usapan. Gusto ko rin namang malaman kung bakit nandito siya.

Umayos siya ng upo. "Bumalik ako dahil napanood ko yung video mo sa party."

Trending na siguro iyon. Mabuti at hindi ko sinubukang saktan ng pisikal si Chelsea. Naniniwala pa rin akong gagantihan siya ng karma.

"Sususpendihin ko muna si Chelsea dahil sa ginawa niyang iyon. Baguhan lang siya rito at nagawa niya agad ang ganoon."

Tumango na lang ako sa sinabi niya sa akin. Siya naman ang guro namin kaya dapat lang na gawin niya iyon para matauhan si Chelsea.

Hinawakan ko ang benda na tumatakip sa noo ko. Hindi gaanong malaki pero umabot ang benda na iyon sa kilay ko. I don't know why Chelsea did it. Ang liit ng problema niya pero pilit niyang pinalalaki. "Salamat po, Sir. Siguro, uuwi na lang po muna ako." Nilingon ko si Sir Perez.

"Sigurado ka ba? May susundo ba sa iyo o mag-isa kang uuwi?"

"Ahm," napaisip tuloy ako kung may susundo sa akin. Ayokong sumakay uli sa jeep na may puting bagay sa noo. "Wala ho e," sagot ko.

Magsasalita pa sana ako para sabihin na mamasahe ako pauwi pero naunahan niya ako.

"Ihahatid kita,"

Kumabog yata ang puso ko. Dahil iyon sa kaba at wala nang iba. Kinakabahan lang ako na maihatid niya ako sa bahay. Kahit pa nakapunta na siya roon ay hindi ako kampante na nagpupunta siya sa bahay at baka may madulas na kuwento sa kaniya.

"Hindi na ho kasi-"

"Ihahatid na kita," aniya saka niya inangat ang bag ko. Hindi ko alam na dinala niya rin iyon. I wonder how he lifted me up and walked towards in here. "Alam ko naman kung saan ka nagtatrabaho, doon kita ihahatid. Maiintindihan naman siguro ng amo mo na hindi ka makapagtatrabaho dahil sa nangyari sa iyo,"

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon