“Linggo na bukas tapos Monday, wala pa tayong nakukumpletong sayaw, mga hinayupak kayo.”
Napailing ako nang magsalita na si Edzell. Yung lider namin ay walang gaanong ginagawa. Water break daw muna kahit wala pa kaming nasisimulan. Naaawa na ako sa mga kagrupo ko dahil ang dami namin. Bente kami sa grupong ito.
Hinagis ni Edzell ang upos ng sigarilyo na hawak niya saka siya nagsindi ng isa pa. Nandito kami ngayon sa malawak na bakanteng lote malapit sa bahay ng leader namin. Ang sabi niya, marunong siyang sumayaw kaya siya ang sinundan namin.
“Hoy, Andres!”
Napalingon ako kay Edzell nang isigaw niya ang pangalan ko. Lumapit siya sa akin saka siya bumulong.
“Gumalaw ka naman.” aniya.
Natawa ako nang bahagya saka ko siya tinanguan. Kinuha ko ang cellphone ko para mai-text si Cosmo. Sigurado akong may kilala siyang magaling magturo na choreographer.
Nang matapos ko ang pagtipa sa cellphone ko ay tinago ko na iyon. Hindi naman magre-reply si Cosmo dahil sigurado ako may ginagawa iyon. Kapag nabasa na niya iyon, agad siyang kokontak ng mga tao na kakilala niya.
“Oh, ayan na yung lider natin,” bulong sa akin ni Edzell.
Napalingon ako kay Arvin na may hawak pang softdrinks sa kamay niya niya at isang junk food sa kabila. Chill lang siya kahit pa gahol na kami sa oras.
“Uy, ba’t di pa kayo kumakain?” tanong sa amin ni Arvin.
Tumayo si Edzell. “Ano bang nakakapagod sa ginawa natin? Ogag ka ba? Naghanap ka lang sa youtube ng mga dance steps. Kahit music, wala ka pa.” asik nito kay Arvin. “Marunong ka ba talagang sumayaw, ha? E, pang-grade four yung mga turo mo.”
Hindi ko alam pero parang naiiyak na si Arvin dahil sa mga sinasabi ni Edzell. Naiiling na nilapitan ko sila saka ko pinakalma si Edzell.
“Sorry na! Edi sana ikaw na lang ang lider para hindi ka nagkakaganiyan.”
“Pwe! Ako maglilider? Hindi ako ulol tulad mo.” Dumura pa siya sa semento bago niya tinalikuran ang nakakaawang si Arvin. Sa kaniya tuloy nakatingin ang iba pa naming mga kagrupo. Nakakaawa siya dahil para siyang naiiyak.
“Pagpasensiyahan mo na si Edzell, gano’n lang talaga iyon.” aniko bago ko tapikin ang balikat niya.
Sabay kaming umupo ni Arvin sa hollow block na mga nakatambay sa loteng ito. Nakatiwangwang lang ang malawak na bakanteng lote, walang gumagalaw.
“Sino rito si Andres Domingo?"
Isang lalaki ang pumasok sa bakanteng lote. Mukha soya dancer at siya na siguro ang kinuha ni Cosmo para magturo sa amin.
Tinaas ko ang kamay ko, “Ako si Andres.” sagot ko.
Ngumiti siya saka niya binaba ang dala niyang bag. May hawak din siyang speaker, may suot siyang headphone na konektado sa cellphone niya na nakatago sa bulsa ng suot niyang walking shorts.
“Sino ka naman?” isa sa mga kagrupo ko.
“Ako si Moises Francisco, kaibigan ako ni Andres. Isa akong full time choreographer. Nagtuturo ako ng sayaw sa mga college students maging sa mga cheerdance ay nagtuturo ako.” aniya.
Nakakabilib naman. Nagsingitian naman ang mga kaklase ko saka sila nagsilapitan kay Moises.
“Mukhang makakasayaw na tayo nang maayos,”
“Tuturuan mo ba kami?”
“Magkano naman ang bayad? Baka singilin mo kami ng mahal, ah?”
Tumawa si Moises saka siya umiling, “Bayad na ako. Anyway, hiphop ba ang isasayaw niyo? Easy lang niyan. Kailan ang performance?”
BINABASA MO ANG
HOME VISIT
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.