Chapter 39

32 0 0
                                    

I know we have no class today and I want to sleep more, but a good smell from somewhere woke me up. Bumangon ako mula sa higaan ko. Tumingin ako sa wall clock. I walked while confused due to abrupt awakening from my sleep.

Habang naglalakad ako pababa sa hagdanan ay mas lalong lumalakas ang nakaka-adik na amoy na iyon. May nagluluto. Lagi namang may nagluluto sa bahay pero kakaiba lang ang isang ito at umabot pa sa kwarto ko.

"Aba, ang aga mo magising?"

Nakaupo si John, nakapatong ang isang hita sa kabila habang may hawak na dyaro at nagkakape. Nakabukas ang tv kahit wala namang nanonood. Siya lang ang nakaupo sa mahabang sofa at nagpapa-init sa kape niya.

"Uh, I smell some—uh… what is that?"

Rinig ko ang sarili kong boses na parang basag pa. Naalimpungatan ako. Gusto ko pa talagang matulog. Parang hinila ako ng amoy na iyon patayo.

Bumalik ang tingin ni John sa diyaryo. "Almusal iyon, niluluto pa. Maghilamos ka nga at bakas pa sa mukha mo ang nakakadiring panis na laway mo."

"Whatever," sagot ko sa kaniya. Humawak ako sa mukha ko. Wala naman akong naramdaman na kung ano.

Hindi naman ako ganoon matulog, na tutulo ang laway at matutuyo.

Hindi ko na pinansin si John. Naglakad ako papunta sa kusina para malaman kung ano ang niluluto ngayon nila ate Cela. Ngayon ko lang naamoy sa kusina ang ganoong halimuyak ng nilulutong almusal nila.

Nang makarating ako sa kusina ay wala akong nakitang ate Cela o kahit na si manang. No one is inside the kitchen. Lumibot ang tingin ko sabay ng ilang hakbang para makita ang parte ng kusina kung saan may table na madalas tawaging kitchen island table.

Now that I see who's cooking, it's clear to me why it's addicting to smell those scents of the food. Agad siyang napalingon sa akin habang inaayos niya sa table ang mga pagkain. Hindi ko mapaliwanag ang nakikita ko. I don't know exactly what to call those meals.

"Bakit nandito ka?" Bungad ko sa kaniya. Natawa siya, imbes na mainis sa tanong ko.

May suot pa siyang apron. Hm, bagay sa kaniya. Not gonna lie about it, he's handsome and I think I can see a husband material man.

Lumapit siya sa akin at mabilis na inabot ang isang tulips. Isa lang? Nung nakaraan ay bouquet, ngayon ay isa lang? "A flower for you." He smiled.

"Bakit isa lang?"

"Why?"

"Uh, I mean… di ba dapat two? For two-lips."

That's a joke, I hope he get that. It's a joke motherfudging.

"Two? For tulips?"

Hindi niya nagets, seriously? That is a common joke. Dapat alam niya iyon, duh! Napapairap tuloy ako dahil sa inis na nararamdaman ko. Minsan lang akong magbiro kaya dapat ma-gets niya.

"Yeah, I know. Kaya nga isa lang ang tulip… so, you can try my lips."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya iyon. What the fudge? Did he really just say his lips? Oh, my gosh. Ang aga naman nito. Ang pangit ng joke niya, corny.

Yeah, it's corny.

"Hindi ka nakasagot. Kinilig?"

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Nakatingin na pala siya sa akin, hindi ko napansin. Hinahamon niya ako. "Saan ako kikiligin, duh!" Pag-iwas ko. Umupo ako sa isang upuan.

"Sus." Bulong niya habang may hinahalo sa pan. "Marunong ka magluto?" He asked while stirring.

Umiling ako, "ano ba iyang niluluto mo? Ang dami mo namang kailangan sa pagluluto."

HOME VISITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon